Seed Phrase vs Private Key: Ano ang Mas Mahalaga sa Seguridad ng Iyong Bitcoin?
Image generated by AI
Talaan
I. PanimulaNoong bago bago pa ako sa community na to, madalas ko nang nababasa itong mga salitang
seed phrase at
private key. At akala ko at mag kapareho ito. Bagama't magkaugnay sila, mayroon silang magkaibang papel sa seguridad at pagmamay-ari ng iyong digital assets. At ang pag-intindi sa dalawa ang mahalaga upang maprotektahan ang iyong Bitcoin laban sa pagkawala, pagnanakaw, o maling pag-backup.
II. Ano ang Private Key?Ang private key ay kombinasyon ng mga numero at letra (na halos 256-bit) na ginagamit upang patunayan na ikaw ang tunay na may-ari ng isang Bitcoin address. At dahil sa mahaba, itoi ay pinapakita bilang isang 64-character hexadecimal string (binubuo ng mga numero 0-9 at letrang A-F).
Halimbawa:
7D8C5E1A9B3F4D2C6E7F8A1B0C9D5E3F2A1B4C6D8E9F0123456789ABCDEF1234
Ito rin ay nagbibigay ng kakayahan upang pirmahan ang isang transaction at ilipat ang Bitcoin mula sa isang address patungo sa iba. Meron tayong isang thread na kung saan tayo ay pumipirma para patunayang atin ang address na to:
How to sign a message?!
III. Ano ang Seed Phrase?Ang seed phrase naman ay isang listahan ng mga salita sa English (2,048) na ginagamit upang i-backup isang cryptocurrency wallet. Ang seed phrase ay nakabatay sa
BIP-39 standard, kung saan ang mga salitang ito ay maaaring gamitin upang muling mabuo ang mga private keys ng isang wallet. At ang mga wallet software ay random na pipili mula sa listahan upang bumuo ng isang natatanging seed phrase.
Karaniwan itong binubuo ng:
Halimbawa ng 12-word Seed Phrase:
abandon ability able about above absent absorb abstract absurd abuse access accident
Halimbawa ng 18-word Seed Phrase:
abandon ability able about above absent absorb abstract absurd abuse access accident account accuse achieve acid acoustic acquire
Halimbawa ng 24-word Seed Phrase:
abandon ability able about above absent absorb abstract absurd abuse access accident account accuse achieve acid acoustic acquire across act action actor actress actual
Kapag nawala ang iyong wallet device ngunit nasa iyo pa rin ang seed phrase, maaari mong maibalik ang iyong wallet gamit ang compatible wallet software.
IV. Pagkakaiba ng Seed Phrase at Private Key| Seed Phrase | | | Private Key |
| Binubuo ito 12, 18, o 24 na salita | | | Mahabang hexadecimal number |
| Kayang gumawa ng maraming private keys | | | Nakatalaga sa isang partikular na address |
| Ginagamit pang recover ng buong wallet | | | Ginagamit para pumirma ng isang transaction |
| Mas madaling i-backup | | | Mahirap tandaan at isulat |
V. Bakit Mas Madalas Gamitin ang Seed Phrase?Bago pa magkaroon ng hierarchical deterministic wallets, kailangang i-backup ng mga Bitcoin user ang bawat private key nang hiwalay.
Ito ay isang malaking problema dahil:
- Mas mataas ang posibilidad na mawala ang access
- Maraming private keys ang maaaring mabuo sa isang wallet
- Mas mahirap gumawa ng secure backup
Sa paggamit ng seed phrase, isang backup lamang ang kailangan upang maibalik ang buong wallet structure.
Ito ang dahilan kung bakit ginagamit ito ng maraming hardware wallets tulad ng Trezor, Ledger, at iba pang non-custodial wallets.
VI. Mga Panganib Kapag Hindi Naingatan ang Iyong BackupAng pagkakaroon ng seed phrase o private key ay katumbas ng pagkakaroon ng buong kontrol sa Bitcoin. At iyo yung tinatawag na BYOB (Be your own Bank). At dahil dito, kapag nawala o nakuha ito ng ibang tao at pwede na nilang gastusin ang iyong Bitcoin.
Kaya dapat ay Iwasan ang:
- Pagbibigay nito sa ibang tao
- Pagkuha ng screenshot ng seed phrase
- Pag-save sa email o cloud storage
- Pag-type sa pekeng wallet website
Meron na akong ginawang thread tungkol dito:
Pinakamahusay na Paraan sa Pag-backup ng Seed Phrase.
VII. KonklusyonAng private key ang tunay na nagbibigay ng kakayahang kontrolin ang iyong Bitcoin, habang ang seed phrase naman ang nagsisilbing master key na maaaring magbalik at ma-recover ang buong wallet.
Kaya tandaan:
Seed Phrase = Backup ng buong walletPrivate Key = Susi para aprubahan ang Bitcoin transactionSa mundo ng Bitcoin, ang pinakamahalagang prinsipyo ay:
"Not your keys, not your coins."Kung ikaw ang may hawak ng iyong seed phrase at private keys, ikaw ang may tunay na may-ari ng iyong Bitcoin.
VIII. Mga Sanggunian