Sa gusto kong makahanap ng ibang alternative sa Electrum (walang problema sa wallet na to), nais ko lang talagang mag-explore at makita ang iba pang mga wallet. At wala akong nakitang tutoryal dito sa forum kaya naisipan kong gumawa. At ito ay open source, at kung pag-uusapan ang seguridad at kontrol, isa syang non-custodial wallet. At may mga integration din sya sa mga hardware wallets
Ledger, at Trezor para sa secure, offline key storage. Sinusuportahan din nito ang air-gapped setups via QR codes or SD cards. Multi-platform din pala sya, at meron para sa
Windows, macOS, and Linux. So tutoryal na ito, ituturo ko lang ang pag download at pag install sa Windows. Sa tutoryal na to, i-cocover lang natin ang sa Windows OS.
1. Una pumunta ka sa official na website ng Sparrow dito,
https://www.sparrowwallet.com/download/.
2. At i-download ang mga sumusunod na files:
- Windows Installer (10+) Sparrow-2.5.3.msi - Ito ang installer
- Manifest Signature sparrow-2.5.3-manifest.txt.asc - kailangan natin pang verify ng signature
- Manifest sparrow-2.5.3-manifest.txt - kailangan natin pang verify ng current release

3. Hindi ko na pinakita dito kung paano mag verify, pero maraming tutoryal na makikita dito. At ito ang public key ng developer na si
Craig Raw,
https://keybase.io/craigraw.

4. At pagkatapos at pumunta ka sa folder kung saan mo mo nilagay ang
Sparrow-2.5.3.msi at i double click ito. Maaring may lalabas na ganitong error, at dahil na verify ko na ang apps na to, i-click ang
More info.

5. At i-click ang
Run anyway,

6. Lagyan ng check mark ang
"I accept the terms in the License Agreement" at i-click ang
Install.

7. Antayin ang proceso ng pag install.

8. At i-click ang
Finish.

9. Hanapin sa inyong desktop ang icon ng
Sparrow na katulad nito. At i-double click para mabuksan.
Tapos na tayo ng unang bahagi ng pag-download, ngayon naman paano ang paggamit ng Sparrow wallet.10. May lalabas na Introduction. I click lang ang
Next.

11. May lalabas na Connecting to a Public server. Dito ipinapaliwanag pagdating sa pag connect sa mga public servers. I click ang
Next.

12. May lalabas na Connecting to a Bitcoin Node. Pinapaliwanag naman kung ikaw ay nag papatakbo ng sarili mong Bitcoin Core node. I click ang
Next.

13. Dito naman ang lalabas ang mensahe tungkol sa Connecting to a Private Electrum Server. I click ang Later or Offline Mode.

14. Sa tutoryal na to, ipapakita ko lang ang pag-gawa ng bagong wallet. I click ang
New Wallet.

15. Sa demo na to, bigyan natin sya ng pangalan bilang wallet1 at i-click ang
Create Wallet.

16. I-click ang
New or Imported Software Wallet. Wag na palitan ang Policy Type unless na ang gusto nyong wallet ay Multi Signature HD o Single Signature SP (Silent Payments). Ganun din sa script type. karamihan sa atin na sa ngayon ay gamit ang Native SegWit (P2WPKH) o Bech32 nagsisimula sa bc1q.

17. At pagkatapos ay pumili ng Mnemonic words (BIP39) kung 12/15/18/21/24 words. Ang default ay 24 kaya ito ag pipiliin natin. At i-click ang
Use 24 Words.

18. Lalabas ang screen na ito, i click ang
Generate New.

19. Isulat o i backup ang makikitang
Mnemonic Words (BIP39) sa screen.

20. At i click ang
Confirm Backup.. Kung nasulat nyo na ang mnemonic seed.

21. Lalabas ang ganitong message. I click ang
Re-enter Words..
22. I type ang 24 Mnemonic Words at i click ang
Create Keystore.

23. At i click ang
Import Keystore.

24. At i click ang
Apply.

25. Lagyan ng password para sa inyong seguridad. At i click ang
Set Password.

26. Sa kaliwang bahagi, makikitang
Receive. I click ito.

27. At makikita nyo ang isang receiving Bitcoin address.

28. At kung gusto nyo naman magpadala, i click lang ang
Send. At pwede nyo nang ilagay ang Bitcoin address ng inyong papadalhan.

Sana ay may natutunan kayo.
Paalala: Ang makikita nyong mga mnemonic words at iba pa ay pawang mga halimbawa lamang at wag gagamitin.