Kaya halos ayaw ko maginstall ng mga crypto app dahil sa ganitong kadahilanan. Medyo hindi kasi ako pamilyar sa security ng mobile phone kaya ingat na ingat ako sa paginstall ng mga apps especially iyong mga crypto apps na may kinalaman sa mga wallet at crypto storage.
Sa ngayon ay down ang website na FOMOPEEK habang ongoing ang imbestigasyon, kayo nag-i-install ba kayo ng similar na wallet tracker sa inyong cellphone at madidiscourage ba kayo na mag install ng ganitong application dahil sa insidenteng ito.
Gaya ng nasabi ko, hangga't maari ay iniiwasan ko ang magengage sa cryptocurrency throgh mobile phone, lahat ng activities ko towards crypto ay through personal computer kasi mas well verse ako sa paggamit nito at pagsetup ng security kaysa sa mobile phone.
Ang balita na ito ay nakakdiscourage talaga na maginstall o gumamit ng apps sa mobile phone dahil hindi natin alam kung iyong ininstall natin ay may backdoor trojan at ang balitang ito ay nagpapalala sa ating pagdududa.