Kung magkakaroon ka ng 1 BTC. Ano gagawin mo?
Ang tanong, sino ang magbibigay ng Bitcoin at bakit ako bibigyan sa sobrang taas ng value ng Bitcoin ngayon na aabot sa 5 milyon? Pero kung may magbibigay talaga, iho-hold ko ito hanggang umabot sa 1 milyon. Naranasan ko na kasi magkaroon ng 1 Bitcoin noon sa kasagsagan ng bounty campaign, pero mabilis ko itong na-trade.
Kaya ayoko nang maulit ang pagkakamaling ’yon; tiis-tiis muna hangga't umabot sa presyong puwede ko na siyang i-trade.
Sa sinabi mong bounty, nalala ko may isang bounty campaign ng altcoin namigay ng airdrop ang halaga ng airdrop ay nasa 1 BTC, sayang nga lang hindi ako nakasali dun sa airdrop na iyon noon.
Pero tama nga, sino ang magbibigay ng 1 BTC sa atin, sa presyo ng BTC ngayon, parang imposibleng may magbigay ng 1 BTC sa isang tao. Pero assuming na me nagbigay nga, ang pinakagagawin kahit sino ang makatanggap nito ay ibenta ito, maaring ibenta agad o di kaya ay ihodl muna ng maraming taon then ibenta o gamiting pangbili. After all ang Bitcoin ay ginamit para gamiting pangbayad ng mga pinamili online or ipang transact whether purchase or remittance.