Siyempre kahit sino naman sigurong tao na mabigyan ng 1BTC sa panahon na ito ay magiging sobrang saya nila, lalo pa't sobrang taas na ng value each ng bitcoin. Pero ang tanung meron kayang taong makapagbibigay ng 1BTC ng libre sa sinuman sa panahon na ito?
Meron, most likely sa pamamagitan ng libreng patimpalak, maaring ang magiging premyo ay 1 Bitcoin. Pero, hindi yan yung punto dito. Maybe ang punto ni OP ay para intindihin kung ano ang mindset nga mga tao, specifically ng isang Pilipino kung bigla silang mag karoon ng malaking halaga.
Though ang question ni OP ay open ended, walang maling sagot dito, pero maaring merong may mga mas mabuting sagot compared sa iba, like e invest ito upang mas lumaki pa.
Hindi naman din masamang gamitin ito sa mga bagay na makakapag bigay sayo ng comfortable na buhay, pero para sa akin maari ko muna ipagpaliban yan sa ngayon hanggang sa magiging financially stable at comfortable ako para gumastos sa mga bagay na pwede ko munang ipagpaliban.