Sana talagang na freeze nila bago pa yan makatakas na yan. Grabe talaga ang pag take advantage ng mga tao sa cryptocurrency. Hindi ko talaga maimagine na hindi 'to magamit sa ganitong paraan. Pangit nga lang kaso ganun talaga ang features ng crypto.
Curious ako kung nag participate ba dito yung Chainalysis or some analytical blockchain company na mag iidentify ng mga transaction na 'to dahil alam natin mahirap 'to at sa tingin ko kulang ang kaalaman ng gobyerno natin.
(Imagine mo, ibaban pa ang Discord at Reddit, kulang sa kaalaman, siguro ganito din sa ibang ahensya)
Connected ba 'to dun sa Coins.ph na issue?
Alam mo sir sang-ayon ako sa sinabi mo na sobrang kulang ng kaalaman ang ating gobyerno sa bagay na ito, kaya hindi nila ito gaanong pinagtutuunan ng pansin, kaya nangyayari ang ganyang mga bagay. Hindi lang natin sure kung may kaugnayan ba ito sa coinph isyu kamakailan lang.
saka puro kasablayan ang mga ginagawa ng ahensya ng lahat ng gobyerno natin, kaya kailangan sa ganitong mga nangyayari na sobrang pagkakalat ng gobyerno natin na wala ng halos nagagawang matino para sa ating mamamayan ay magkaroon talaga ng full reset sa gobyerno natin sa hinaharap.