Bitcoin Forum
October 03, 2026, 03:51:18 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: E0 126 Dbm Compass, palamuti lang ba o Pambubudol lang?  (Read 36 times)
fighter2627 (OP)
Member
**
Offline

Activity: 227
Merit: 86

★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!


View Profile
October 02, 2026, 10:02:16 AM
Merited by serjent05 (1)
 #1


                                        

Quote
“Kung nais nating mapanumbalik ang tiwala ng taumbayan, dapat malinaw, bukas, at nakikita ang ating mga ginagawa,” Marcos said during the platform’s initial launch.
“Hindi sapat na tama at kumpleto lang tayo sa papel. Kailangan nararamdaman din ang badyet ng taumbayan.”

Naniniwala ba kayo dyan sa sinabi ni Dayunyor na Sabog na naman?

Maganda lang yung description ng E0 126 DBM Compass, pero yung execution nyan nasa Compass parin ng Bangag na lider natin, kaya wala paring transparency na mangyayari dyan
at alam kung alam nyo yan.  Yun nga lang na budget para sa 2027 nalaman nalang natin na naaprubahan na agad at pinakamabilis paraw sa kasaysayan ng pinas,
pinagyabang pa ng mga buwaya sa crocgress kasi paldo-paldo na naman sila. Ginamit na naman ang Taumbayan, sa 7.2 trilyons pa nga lang na iaallocate na budget sa susunod na taon ay sinabi agad ni BBM na deficit daw agad ang bansa natin ng 2trilyons kaya kailangan daw ulit mangutang ng pinas na 2trilyons para maisaktuparan ang lahat para daw sa kapakinabangan ng Taumbayan,
na kung saan ay kitang-kita naman natin na rektang ibubulsa nya yung 2 trilyons at yung 5trilyons na deficit na nga pagpipiyestahan pa ng mga alipores nyang mga buwaya din at ng mga secretaries nya.  

Reference: https://bitpinas.com/fintech/marcos-dbm-compass/
serjent05
Legendary
*
Online Online

Activity: 3668
Merit: 1328


★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!


View Profile
Today at 06:00:56 AM
 #2

Maganda ang plano ang problema lang eh ang transparency na ito ay transparent ba talaga?  Medyo wala na rin ako tiwala sa gobyerno pagdating sa pagiging transparent nila, kung ito ay hindi gagamitan ng immutable application, malamang puro hokus pocus lang mangyayari.  Ang sinasabing transparent portal ay transparent lang pagdating sa dulo pero maaring maraming modification pagdating sa sa proseso at ipapakita lang kung ano gusto nilang ipakita. 

Parang ang announcement na ito ay pagpapapogi lang para subukan pakalmahin ang mga nagrereklamo tungkol sa korapsyon ng gobyerno.  Sana nga lang ay tapat sila sa pagpapatupad ng plano na ito, alam naman natin bago pa mailagay sa record maraming under the table na nangyayari lalo na sa pagprocure ng mga proyekto ng bansa.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!