---
Hindi pa ako bumili, brother, kasi mataas pa ang expectation at excitement ng mga investors kasi malaking pangalan nga, pero pag nag-set in na yung reality, diyan na magkakaroon ng dumps at malamang magkakaroon dito ng FUDS para makarami ang mga whales.
Lalo na sa kalagayan ng ekonomiya natin, madaling magpakalat ng FUD. Malamang, bumagsak pa ito sa 3 pesos at magpu-pump lang ito kapag bumalik ang magandang business climate sa bansa natin. Sa ngayon, bagsak pa.
Sa tagal natin na nag-iinvest sa crypto space, pamilyar na tayo sa ganitong mga scenarios. Yung isang project na sobrang hype tapos pagkaraan ng ilang buwan, babagsak ang price ng token dahil maraming magbebenta at magsspread ng FUD.
Speaking of FUD, napakadaling maniwala ng mga kababayan natin sa mga FUDs na lumalabas online. Looming economy at mga FUDs. 2 lang ito sa mga dahilan kaya kagaya mo, nakikita ko rin na babagsak ang price nito hindi man sa unang buwan pero sa mga susunod na buwan.
"Numbers don't lie" at base sa statistics, karamihan ng mga last na IPOs na naglaunch sa Stock Market natin ay either bumagsak or nasa break even price lang after 1 year.
Di ko nga din alam kung kelan ako mag-iinvest sa PH Stock Market after ng disappointing na experience ko. Crypto NAMBAWAN pa rin.
