Bitcoin Forum
October 11, 2026, 11:40:42 AM *
News: Serious possible issue involving Ledger hardware wallets and CryptoBilis
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: [Tutorial]🏆 Paano Tumaya sa Sports Betting🏆  (Read 24 times)
Ziskinberg (OP)
Hero Member
*****
Online Online

Activity: 3696
Merit: 883


View Profile
Today at 05:25:06 AM
Merited by Sanitough (1)
 #1

⚠️ Educational guide lamang ito.
Maglaro nang responsable at huwag tumaya ng perang hindi mo kayang mawala.



1️⃣ Piliin ang Sport at Game na Gusto Mong Tayahan

Okay, ito ang first step pagkatapos mag-login. Pumunta sa Sports section at piliin ang sport na gusto mo.

Halimbawa:

  • 🏀 Basketball
  • ⚽ Football
  • 🎾 Tennis
  • 🥊 Boxing / MMA

For this certain example, pipiliin natin ang basketball since ito ang pinakasikat sa atin.

Then piliin ang game na gusto mong tayaan at tingnan ang available odds.





2️⃣ Intindihin Muna ang Odds

Ang odds ang nagsasabi ng potential return ng taya mo. In short, multiplier siya ng iyong taya para malaman ang total return.

Halimbawa:

Quote
Team 1: Houston Rockets @ 1.72
Team 2: Dallas Mavericks @ 2.08

Kung tumaya ka ng ₱600 sa Team 1:

₱600 × 1.72 = ₱1,032 total return

Kasama na sa ₱1,032 ang original mong ₱600.

So ang profit mo ay:

₱432 profit

Kung Team 2 naman @ 2.08:

₱600 × 2.08 = ₱1,248 total return

₱648 ang profit kung manalo ang Team 2.



3️⃣ Alamin ang Iba’t Ibang Betting Markets

Hindi lang pagpili kung sino ang mananalo ang sports betting.

May iba’t ibang klase ng market.

🏀 Moneyline / Winner

Pinakasimple ito.

Pipili ka lang kung sino ang mananalo sa game.

Example:

Quote
Houston Rockets @ 1.72
Dallas Mavericks @ 2.08

Kung Mavericks ang pinili mo at nanalo sila, panalo ang bet mo.



🎯 Handicap / Spread



Dito naman, may disadvantage at advantage ang isang team, kaya mayroong handicap.

Example:

Quote
Rockets -2.5 @ 1.90
Mavericks +2.5 @ 1.86

Kung tumaya ka sa Mavericks +2.5, puwede silang matalo ng hanggang 2 points at maaari pa ring manalo ang bet mo.

Halimbawa:

Quote
Final score:

Rockets 117
Mavericks 115

Natalo ang Mavericks ng 2 points.

Pero dahil may +2.5 sila:

✅ Panalo pa rin ang Mavericks +2.5 bet.


📊 Over / Under

Dito total score ng dalawang team ang tinatayaan.

Example:



Over / Under 230.5

Kung final score:

Quote
Rockets 117
Mavericks 115

Total = 232

Then:

✅ Over 230.5 wins

❌ Under 230.5 loses



4️⃣ Piliin ang Bet at Ilagay sa Bet Slip

Kapag napili mo na ang market, i-click ang odds.

Automatic itong lalabas sa Bet Slip.

Halimbawa:

Quote
Mavericks +2.5 @ 1.86

Pagkatapos, ilagay ang amount na gusto mong itaya.

Example:

Stake: USD 10

(USD since crypto casino ito at wala ring PHP option dito.)

Odds: 1.86

Potential Return: USD 18.60



Bago pindutin ang Place Bet, i-check muna:

  • Tamang game ba?
  • Tamang team ba?
  • Tamang market ba?
  • Tamang odds ba?
  • Tamang amount ba ang nailagay mo?
  • Kapag sure ka na sa selection mo, pindutin ang Place Bet.

⚠️ Important: Huwag magmadali. Isang maling click lang puwedeng magresulta sa maling taya.



5️⃣ Confirm ang Taya at Tingnan sa “My Bets”

Pagkatapos ma-confirm, makikita mo ito sa:



Dito mo makikita:

  • Game
  • Betting market
  • Odds
  • Stake
  • Potential payout
  • Status ng bet

Kapag natapos ang game, lilipat ito sa settled bets.

Kung panalo:

✅ Winnings will normally be credited automatically sa sportsbook balance.

Kung talo:

❌ Mawawala ang stake na itinaya mo.



6️⃣ Ano ang Implied Probability?

Useful din na maintindihan kung ano ang implied probability ng odds.

Formula:

1 ÷ Odds × 100

Example:

Odds: 2.00

1 ÷ 2.00 × 100

= 50%

Kung odds ay 1.50:

1 ÷ 1.50 × 100

= 66.67%

Kung odds ay 3.00:

1 ÷ 3.00 × 100

= 33.33%

Pero tandaan:

Hindi ibig sabihin na mataas ang implied probability ay automatic na iyon ang mananalo. Mayroon pa ring tinatawag na true probability, at iyon ay nakadepende sa sarili mong analysis sa game.

In short:

Implied probability = based on odds provided

True probability = based on your analysis

Dito mo makikita kung overvalued o undervalued ang lines.



7️⃣ Single Bet vs Parlay

Single Bet

Isang selection lang.

Example:

Quote
Dallas Mavericks @ 2.08

Kapag nanalo ang Mavericks, panalo ang bet mo.


Parlay / Accumulator

Pinagsasama ang dalawa o higit pang bets.

Example:

Quote
Dallas Mavericks @ 2.08
Celtics @ 1.50
Nuggets @ 1.70

Combined odds:

2.08 × 1.50 × 1.70 = 5.304

₱100 bet:

₱100 × 5.304 = ₱530.40 potential return

Pero may catch:

❌ Kapag kahit isang selection lang ang matalo, talo ang buong parlay.

Kaya huwag basta ma-excite sa mataas na combined odds.



8️⃣ Huwag Lang Tumingin sa Mataas na Odds

Common mistake ng beginner:

“Mas mataas ang odds, mas malaki ang panalo.”

Tama na mas malaki ang potential payout.

Pero kadalasan mas mababa rin ang probability ng outcome.

Example:

Quote
1.20 odds = maliit ang potential return, pero mas expected mangyari

5.00 odds = mas malaking potential return, pero mas unlikely

Kaya hindi automatic na magandang bet ang isang selection dahil lang mataas ang odds.



9️⃣ Bankroll Management

Ito ang isa sa pinakaimportanteng parte ng sports betting kasi dito masusukat ang iyong disiplina.

Halimbawa mayroon kang:

₱10,000 betting bankroll

Hindi magandang idea na tumaya agad ng:

❌ ₱5,000 sa isang game

Mas conservative na approach ang maliit at consistent na stake.

Example:

1% = ₱100

2% = ₱200

Kapag sunod-sunod ang talo, hindi agad mauubos ang bankroll mo.

At seriously, ito ang dapat tandaan:

Huwag habulin ang talo sa pamamagitan ng pagdoble ng susunod mong taya.

Damn, dito madalas nagsisimula ang problema ng isang bettor, kapag hindi na analysis ang dahilan ng pagtaya kundi gusto lang bumawi agad.

Ito ang tinatawag na chasing your losses, which means nawawala na ang discipline mo. Maraming topic tungkol dito sa Gambling Discussion.



🔟 Simple Checklist Bago Mag-place ng Bet

✅ Naiintindihan ko ba ang market na tinatayaan ko?

✅ Alam ko ba kung magkano ang stake at potential payout?

✅ Na-check ko ba ang team lineup, injury, form, at ibang relevant information?

✅ Hindi ba sobrang laki ng taya kumpara sa bankroll ko?

✅ Hindi ba ako tumataya dahil lang gusto kong bawiin ang previous loss?

✅ Na-double check ko ba ang selection bago pindutin ang Place Bet?



🏁 Final Reminder

Ang sports betting ay hindi lang tungkol sa paghula kung sino ang mananalo.

Kailangan mo ring maintindihan ang:

Odds

Probability

Betting Markets

Risk

Bankroll Management

At come on, kahit gaano ka pa ka-confident sa isang game, walang guaranteed bet.

Ang goal ay hindi ang manalo sa bawat taya.

Ang mas importante ay alam mo kung ano ang tinatayaan mo, magkano ang risk, at kung kaya mong tanggapin ang possible loss.

🎯 BET RESPONSIBLY 🎯



Note:

Ang screenshots na gamit ko sa tutorial na ito ay mula sa isang sportsbook, pero hindi ibig sabihin na affiliated ako sa kanila. Ginamit ko lang ito bilang example since maraming familiar dito.

Pwede pa rin tayong pumili kung anong sportsbook ang tingin natin na mas madaling gamitin.

Ang mga announcement threads ay makikita dito:

Gambling → Announcements


███████▄▄███▄███▄
███▄▄████████▌████▄
▄██████████████▐███▌
██▄███████████▌████▌
████████▀███████▐▌█
███████████████▌█▌▐
████████▄████████▐▐
██████████████████▌
███████████████▄██▄
██████████████▀▀▀
█████▀███▀▀▀

█▄▄▄██████▄▄▄███████▄▄▄
████████████████████████████
████▌█████▀███▌█████▀▀███████████▄▄▄▄▄▄▄▄
████▌█████▄███▌█████▄███▐███████████████████▄
▐████████████▀███████▄██████████▀▀▀▀▀▀▀▀████▀
▐████████████▄██▄███████████▌█████████▄████▀
▐█████████▀██████████▌█████████████▄▄████▀
██████████▄█████▀████████▐███▌██▄██████▀
██████████████▀███▐███▌██████████████████████
████▀██████▀▀█████████▌███▀▀▀▀███▀▀▀▀▀▀▀████▌
 
      P R E M I E R   B I T C O I N   C A S I N O   &   S P O R T S B O O K      

█▀▀
█
█
█
█
█
█
█
█
█
▀▀▀

▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀

  98%  
RTP

 
▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀

▀▀█
█
█
█
█
█
█
█
█
█
▀▀▀

█▀▀
█
█
█
█
█
█
█
█
█
▀▀▀

▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀

 HIGH 
ODDS

 
▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀

▀▀█
█
█
█
█
█
█
█
█
█
▀▀▀
 
..PLAY NOW..
Sanitough
Hero Member
*****
Offline

Activity: 3556
Merit: 804



View Profile
Today at 07:52:26 AM
Merited by Ziskinberg (1)
 #2

Maganda ito lalo na sa mga beginners.

Noong bago pa lang talaga ako sa sports betting, hindi ko masyadong maintindihan ang mga terms gaya ng:

Odds
Moneyline
Point spread

But eventually natuto rin ako kasi regular na akong tumataya sa sports betting, although hindi naman kalakihan ang mga taya ko..

Mga betting forum na fina-follow ko:

Sportsbook Review (SBR)
Covers Forum

Dito marami kang makukuhang information at discussions tungkol sa sports betting, lalo na kung gusto mong mas maintindihan ang odds, betting strategies, at predictions ng ibang bettors.

Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!