Nakalimutan mo si Theymos at ang komunidad ng Bitcointalk.org. Si Theymos ang isa sa may pinakamalaking ambag sa industriya ng Bitcoin, minentina nya ang forum na may pinakamayaman na impormasyon tungkol sa Bitcoin at cryptocurrency kasama na rito ang infrastructure. mga usaping teknical at marami pang iba. Ang komunidad naman ng forum ang nagpatuloy sa pagdiscuss, pagpapaliwanag at pagpapalaganap ng Bitcoin sa bawat sulok ng daigdig. Ang komunidad din ng Bitcointalk.org ang kadalasang nagfifilter at nagrereport para sa pagpapaalala tungkol sa balita, update at mga scam na nangyayari sa industriya ng cryptocurrency.
Tama ka kabayan deserve ni Theymos na maidagdag sa list, dahil isa rin siya sa mga taong may malaking ambag para mabago ang estado ni Bitcoin.
Dagdag ko to sa thread, at tsaka salamat sa suggestion na ito.
Di ko kilala to pero check ko yung contribution nya. Pero parang maganda nga rin naman yung ginagawa nya dati para makatulong din kay Bitcoin.
I think may mga underrated na tao na gusto ayaw sa spotlight katulad nina Pieter Wuille, Wladimir van der Laan, etc., mga taong dapat may recognition kung nasaan ang crypto ngayon. Many will probably disagree pero I think Binance founder CZ ay may ambag din if you're talking about the likes of Saylor at Elon Musk. Surprised ako na wala rin pala sa list mo si Gavin Andersen, probably one at the top.
Tingin ko ang ambag lang ni CZ ay yung pagbuo nya lang ng Binance at tsaka may easy access yung mga bitcoin user sa liquidity ng Bitcoin, pero bukod dyan wala na din ata dahil company interest lang din naman yung inuuna nya.
Gavin Andersen deserve to be in the list at dagdag ko name nya pag na update ko tong thread maya maya.
Marahil marami sa atin ang narinig na ang Lightning Network, pero hindi lahat kilala ang proponent nito. Nandito ang whitepaper,
The Bitcoin Lightning Network:Scalable Off-Chain Instant Payments.
Sila ang principal author, si
Joseph Poon at
Thaddeus Dryja. Malaki ang ambag nila sa pagbabago ng Bitcoin kaya maganda ring isama sila sa mga listahan.
Interesting, bagay nga na maidagdag mga pangalan nila sa list, dahil super useful ng bitcoin lightning network. Although iilan lang ang gumagamit nito pero maganda ngang update ito sa ecosystem ni Bitcoin.
Kung ambag rin lang sa Bitcoin ang pag-uusapan sa tingin ko idagdag mo dyan op itong sina
Adam Back at Nick Szabo Parehas na cryptographer ang dalawang ito, dahil sa ideya nila ay pinagsama ito tulad nung kay Back na sa kanya galing ang idea ng proof of work samantalang si Nick Szabo naman ay ang Bitgold at siya din ang may idea ng decentralization ni Bitcoin.
Kaya malaki ang ambag talaga ng dalawang cryptopgrapher na ito, napagkamalan pa ngang si Nakamoto itong si Szabo pero dineny nya ito, siya rin ang may idea ng pagsisimula ng smart contract nung panahong 90's pa.
Sino si Adam Back?Sino si Nick SzaboYeah, they deserve to be added nakalimutan ko sila sa listahin. Pero maya maya dagdag ko sila.
Ang isa sa may malaking ambag ay si:
Peter Todd: A prominent Bitcoin Core developer known for his work on the Bitcoin Improvement Proposal (BIP) framework, protocol security, and privacy enhancements
Peter Todd napagbintangan pa nga na siya si Satoshi Nakamoto dahil sa mga improvement na ginawa niya at sa taon kung kailan siya nag-umpisa, kaya nararapat lamang na maisama sa listahan dahil sa laki ng kanyang contribution sa industry.
Isa din to si Peter Todd sikat na sikat to lalo nung inuugnay ang pangalan nya as Satoshi. Will update the thread maya at idadagdag ko name nya.
Salamat din sa mga nag share ng mga iba pang tao may malaking ambag kay Bitcoin.