Short term trading pala ito kabayan, medyo mahirap yan need ng focus. ako kasi, DCA lang and long term HODL kaya wala masyadong iisipin. Although hindi naman gaano kalaki ang holdings ko, at least kahit papaano in the future merong hihintayin.
I tried day trading before, hindi talaga ako naging successful, mahirap siya parang sugal lang. So hindi talaga advisable sa mga taong kulang sa time para makapag-focus like mga employees or if meron kang own business na inaasikaso.
Totoo yang sinasabi mo, safe parin talaga yung long-term walang makakatalo sa pamamaraan na ito, kasi yung pang short-term kahit gaano kapa kagaling o kalawak ang kaalaman sa trading ay hindi maiiwasan parin na matalo parin o maliquidate sa anumang gagawin na trading activity.
Tapos sa panahon pa na ito ay madaming nahuhulog at naniniwala sa mga inluencers na lokal natin sa youtube na akala mo sinong mga may bitaw pero assumption parin naman in the end yung kanilang mga sinasabi at mga balita parin naman yung pinagbabatayan nila.