Marami na siguro topics about dito, but I find it timely na pag-discuss nito with the recent happenings.
Recent exchange hacks:
- Binance
- Mercado Bitcoin
Recent hardware wallet security incidents:
- Ledger
- Trezor Safe 5
So para sa mga beginners since wala rin namang safe, would it be better kung sa exchange na lang ilagay kaysa sa hardware wallet na they will have to spend for a hardware wallet tapos medyo complicated pa ang process?
Anong magandang advise sa kanila now? Kasi for sure mababanggit nila ng recent exchange and wallet hacks.
Sa panahon ngayon unlike before sa tingin ko naman parehas parin naman silang merong kalakip na risk, mas lumala lang ngayon dahil kung dati mas mataas ang risk sa mga cex platform aba ngayon parang lumelevel narin ang mga ibang hardware wallets pagdating sa mga hacking issues.
Para ngang wala lulugaran kung san ba talaga magiging secure yung mga assets na nais nating ihold ng matagalan dahil kung sa slef-custody tayo nga ang may control ng assets na gusto natin at tayo rin ang may responsibilidad kung mawala natin ang seed nito, habang sa mga exchange naman na under centralized system ay hindi tayo ang may hawak ng ating mga assets binibigyan lang tayo ng access para makita at magamit ito pero kapag nahack naman yung cex platform ay tayo parin ang may responsibilidad kung bigla man na mafreeze yung mga assets natin dahil nagdesisyon tayo ipagkatiwala sa exchange yung platform natin.