So, in short, ito ay isang social engineering attack na naging dahilan para makapasok ang hackers sa Binance. Parang hindi ka pa makapaniwala na ganyan ka-weak ang security ng Binance considering billions ang assets nila. So masasabi ba nating kahit gaano ka-advanced ang security system ng company, kung may isang employee na careless dahil nalinlang. Pwede pala itong maging entry point ng mga hackers.
So ano sa tingin ninyo dapat bang sisihin ang employee dito or may kakulangan din ang Binance sa system nila?
Ito ang isang patunay na kahit malaki ang investment mo sa security tools, kung mahina naman ang comprehension ng mga employees mo, ay posibleng mapahamak pa rin ang platform.
Napapanahon na para mag-invest ang pamunuan ng Binance sa kanilang employees para maging dedicated sila sa kanilang trabaho at educated sila sa lahat ng klase ng hacking at attacks katulad ng social engineering.
Industry standard ang Binance kaya dapat lang na mga top caliber din ang kanilang mga tao, sa tingin ko naman mataas magpasahod ang Binance at above sila sa ibang exchange pagdating sa salary at compensation.