Nagsaliksik ako para sa tamang pagtago at maintenance ng hardware wallet pagkatapos ko mabasa yung mga thread recently about hardware wallet guide at discussion ni Julerz12.
Napansin ko lang na malaki ang impact ng humidity sa mga hardware wallet natin lalo na at high humidity ang bansa natin. Para ito sa hindi aware sa potential damage ng moisture dulot ng high humidity sa mga electronics device kapag hindi tama ang pagkakatabi natin.
Narito yung method na nahanap ko…Gumamit ng silica gel para mag absorb ng moisture lalo na kung nakatabi sa mga drawer na hindi properly ventilated. Pwede din ilagay sa airtight container para siguradong walang papasok na hangin na nagdudulot ng moist.
Mas maganda yung ganitong klaseng silica gel para alam mo kung naka absorb na ng moist o hindi pa. Pero okay din yung regular lng kung maalam ka magcheck.

Pwede din gumamit ng hygrometer pang check ng humidity. Dapat around 35% to 45% ang tamang humdity sa storage nyo.
Ito yung link kapag bibili kayo nito
https://ph.shp.ee/sNUzsUCtRegular physical check din at firmware update para mag warm up yung device.
Sa mga owner ng hardware wallet dito, Paano nyo tinatago at namamaintain yung device nyo? Gaano na katagal?