Mga dahilan kung bakit mas pipiliin ko ang BitcoinUna- lahat ng iyong kapital ay mapupunta sa investment.
Pangalawa - wala ka nang iisipin pang tax, renta at iba pang babayarin
Pangatlo at huli - hayahay ang buhay kasi walang stress, wala kayong masyadong iisipin.
Mga Dahilan kung bakit ayaw kung piliin ang pagnenegosyoUna - yung halos kalahati ng kapital mo ay napupunta sa mga requirements bago magsimula.
Pangalawa - bumabaha na bayarin buwan-buwan at may penalty pa kung magkakataon
Pangatlo at huli - stress. dami mong inisip araw-araw
Ayon sa nabasa kung artikulo
https://www.fidelitydigitalassets.com/research-and-insights/getting-zero-evaluating-bitcoin-2026? na inilabas last March2026
- Bitcoin has historically delivered the highest returns of any asset across multiple time horizons.
- Even with its historical volatility, Bitcoin’s risk-adjusted return is also the highest—prompting the need for investors to articulate a clear rationale for maintaining zero exposure.
Halimbawa, kung meron kang 100k. Anong magiging desisyon nyo?
Naku, mahirap to. Kasi naka depende ito sa sitwasyon o kung saan ka rin komportable at kung saan ka kumbaga mas hiyang. Para sa akin, may mga taong may grit sa pagnenegosyo at handa talagang sumugal, at meron ding gusto na hayahay lang gaya ng pag invest sa crypto pero it doesn't mean na safe din lalo na't may mga risk parin at talagang susubukin ka rin gaya ng bear market, consolidation phase, at ang risk mo talaga rito ang pagkabagot whereas sa pagnenegosyo mas risky pero at the same time natututunan mo yung laro pero mas prone naman sa malaking risk ng pagkalugi unless hindi mo talaga inaral muna ang market mo.
Yeah, we can say mas safe yung bet ng pag invest sa bitcoin o crypto pero let's also not degrade ang pagnenegosyo lalo na't marami rin namang nagtatagumpay rito as long as they continue. Mostly kasi just like crypto, may time ng bear market rin sa lahat ng negosyo, may consolidation phase na nangyayari na parang walang pumapasok or breakeven lang, just like crypto, HODL rin lang kahit lugi as long as makakayang suportahan or cut losses, parang trading lang din naman. Moreover, nasa tao yan.