Noong mga nakaraang taon parang wala akong makitang ganitong vulnerability sa iOS. Dahil kung meron man, madalas yung mga fake apps lang sa app store nila. Ngayon parang lumalala na din diyan at hindi lang sa android ang nagkakaroon ng mga ganitong critical vulnerabilities. Wala man akong iphone at hindi ako fan ng iOS operating system at yung ecosystem niyan. Parang napapadalas na yung mga ganitong vulnerabilities na nagaganap. Ang mahalaga din sa ating mga users ay huwag masyado magsave ng mga mahahalagang files at pati na rin yung mga important credentials sa phone natin kahit pa personal yan. Saka basta may updates na lumabas, update na agad sa mga iphone users nating kababayan.
True, e konsider mo na din isa ito sa malaking tulong ng AI ngayon, laking tulong ito para ma identify mga security vulnerabilities, not unless hindi ito ma abuse or gamitin sa masama ng mga naka tuklas.
Kaya ngayon, todo kayod mga tech sa mga company para ma improve ang security ng mga apps, system or software.
Tsaka recently, related sa Bitcoin, may nakita akong article or news ba yun na matagal na bug na ata na bago lang natuklasan dahil sa tulong din ng AI.