---
Kayo anong tingin nyo dito, baba pa ba tayo or we will recover before the end of the year?
Short answer. Hindi ko rin alam pero ito ang dahilan kaya palaging may 2 na analysis ako. Isang bullish at isang bearish analysis.

Sa ngayon ay nasa Demand area na si Bitcoin para sa akin which is around sa $62,000 - $66,000 price range. Isa pa is support area rin ni Bitcoin ang $62,000 area. Bumaba si Bitcoin sa $62,000 pero nag-recover kaagad. Kapag na-hold yung support na yun, maaari tayong makakita ng recovery sa mga susunod na linggo. Ngayon kapag hindi na-hold, posibleng makita ulit natin si Bitcoin na itry and retest yung year-low niya which is around $57,000-$58,000 bago matapos ang taon at alam kong maraming ayaw ng ganitong scenario lalo patapos na ang taon pero... ganun talaga.
Ngayon let's say na mag-recover, ang resistance ay nasa $75,000 at may chance na matapos ang taon at around $70,000-$75,000. Ito ay bullish scenario. Bearish eh mag stay below $70,000 at posibleng matest ang year-low na $57,000 or worse, baka bumaba pa dun. Sana handa kayo sa mga mangyayari at sa mga may bonus jan, nawa'y makapagtabi kayo para may pangbili ng Bitcoin dahil alam natin na nasa Discount Zone na naman ito.
