Nagpa-panic ka ba dahil sa tuloy-tuloy na pag-dump ng Bitcoin? Wag.... Tingnan mo ang history para ma-inspire ka na bumili.
Kasi ito ay pagsubok lamang at maaaring paghahanda para sa susunod na bull run
---
ang low this year is $57,747.77, baka ma break natin yan before the bull run. !
HINDI!!!! Anong panic-panic? Hold lang. Walang nagpapanic dito sa atin.
Naniniwala ako na lahat ng mga tao dito sa local section natin ay matatalino at alam ang gagawin sa mga panahon bumabagsak ang market gaya ng nangyari nitong nakaraang linggo at nitong mga nakaraang buwan na rin nung nasa bear market season na tayo.
Mga baguhan lang ang nagpapanic pero hindi tayo.

Para sa akin, bumababa ang percentage drop dahil lumalaki na rin ang market cap ng Bitcoin. Isa pa ay dumarami na ang mga Bitcoin holders at dumarami na rin yung mga taong nakaprepare para bumili once na bumaba na ang price nito sa desired price nila. Yes, bumababa ang percentage drop pero ang nakikita ko rin is bumababa rin yung percentage increase ng Bitcoin pag bull run at mapapansin rin natin ito pag titignan mo ang history.
Nawa'y nakapagimbak kayo ngayong nasa year-low na naman si Bitcoin. Sa ngayon eh nasa support niya ito. Malapit na ang Christmas kaya sa mga may bonus jan, alam niyo na ang gagawin niyo.
