Maari naman tayong magpagawa ng price chart comparison ng libre. Andyan ang chatgpt, at iba pang AI para i-compile ang mga presyo ng mga coins at token na gusto nating makita ang ATH per cycle. Andyan din ang coinmarketcap at coingecko para ipresent ang ATH (all-time high) at ATL (all-time low) ng bawat cryptocurrency. Sinubukan ko ang idea mo sa apat na cryptocurrency: Bitcoin, Solana, BNB at ETH, asking sa ATH at ATL ng each cryptocurrency sa dalawang cycle. Maari nating iextend and compilation depende sa gusto natin. at ito ang nagin resulta:
graphics is generated with the help of AI Tama ka nga @OP maganda na magkaroon tayo ng chart of comparison ng presyo ng paggalaw ng merkado sa bawat cycle para magkaroon tayo ng idea kung paano ang posibleng galawan ng current market. Kadalasan kasi ang merkado ay mayroong pattern na madalas na nasusunod, katulad na lang sa merkado ng Bitcoin, kapag nagkaroon ng halving at nameet ang ATH, may idea tayo kung paano gagalaw ang merkados sa mga susunod na buwan o taon.