 |
Today at 03:01:31 PM |
|
Blatant attack on self-custody. Wala naman sinabing gawin na ganyan dun sa BSP Travel Rules na cited nila.
Napaka out-of-touch sa actual traders and holders.
Common sa mga forums makabasa ng kwento na yung nagsend ng coins, imbes na gumamit ng self-custody wallet as intermediate step, e direct from exchange wallet to another exchange or direct to crypto payment. Tapos pag nagkaproblema, nirefund or nireturn to sender, kaso galing sa exchange cold wallet, so hindi sa kanila babalik..And kahit anong pakiusap sa support hindi sila willing magkalkal ng logs para hanapin yung coins mo.
Or meron din kelangan mo magsign from the sender address patunay ng ownership, malamang hindi gagawin ng exchange yun para sayo. Sa mga ganyang kwento, good as gone na coins mo.
Kaya lahat ng medyo nakakaalam, gumagamit ng self-custody wallet na intermediate step. Tapos babawalan nila. Ang malupet pa dyan, sabi nila sa memo bila, ang default action nila sa rejected deposits: return to sender. Bawal mag-ingat ganit sariling wallet, pero pag nagkaproblema, talbog pabalik sa address na hindi mo kontrolado kasi binawal nila. Row 4 amp.
Lakas nilang mga VASP makasuhol sa BSP at SEC para harangin yung Binance, hindi lang yun kahit Coinbase, Gemini, Kraken pa, sabay babanat sila ng ganyan.
|