Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: rudel777 on July 03, 2017, 09:03:59 AM

Title: Ledger Nano vs, Keepkey vs Trezor
Post by: rudel777 on July 03, 2017, 09:03:59 AM
survey lang po :)

Title: Re: Ledger Nano vs, Keepkey vs Trezor
Post by: Blake_Last on July 04, 2017, 11:38:53 AM
Ang gamit ko ngayon na hardware wallet sir ay KeepKey. Medyo may kamahalan ito kumpara sa Ledger Nano S pero sulit naman kasi maganda iyong design niya at usability at compatible pa po siya sa mas maraming coins hindi lang Bitcoin. Pwede mo siyang paglagakan ng iyong Ethereum, Litecoin, Dogecoin, Dash, Namecoin, etc. Isa pa, mas madali po siyang gamiting kumpara sa Nano S at maging sa Trezor. Pwedeng sabihin na pang-newbie siya dahil hindi siya ganun ka teknikal. Madali siyang i-update at madali ding i-set up. Ang downside nga lang, madali din siyang masira, halimbawa, kung nabagsak mo siya, kumpara sa Trezor na talagang parang katulad ng old Nokia 3310 sa tibay, na kahit ipukol mo hindi masisira.

Ngayon maliban pa po diyan, ang ilan pa sa dahilan kung bakit nagustuhan ko po ang KeepKey ay dahil sa pwede mo siyang magamit sa Electrum, MultiBit, at Mycelium. At pwede ka na rin pong mag-convert dito ng coins mo dahil naka-integrate po siya sa ShapeShift.io, na direkta mo naring maita-transfer sa wallet mo.

Title: Re: Ledger Nano vs, Keepkey vs Trezor
Post by: rudel777 on July 04, 2017, 11:59:00 PM

saan ka bumili ng keepkey sir at magkano po?

Title: Re: Ledger Nano vs, Keepkey vs Trezor
Post by: Blake_Last on July 05, 2017, 12:20:26 AM
saan ka bumili ng keepkey sir at magkano po?

Sa mismong site po nila ako bumili pero out of stock po ngayon, katulad din ng Ledger Nano S. Sa September 4 pa po ang estimate nila ng shipping ng hardware wallet nila. Ikaw sir, ano po gamit mo?

Title: Re: Ledger Nano vs, Keepkey vs Trezor
Post by: rudel777 on July 05, 2017, 05:01:31 AM
saan ka bumili ng keepkey sir at magkano po?

Sa mismong site po nila ako bumili pero out of stock po ngayon, katulad din ng Ledger Nano S. Sa September 4 pa po ang estimate nila ng shipping ng hardware wallet nila. Ikaw sir, ano po gamit mo?

ah ok sir salamat wala pa akong hardware wallet sir eh bibili pa lang po, panu po proceso ng pagbili sir pwede ba cebuana, or coins.ph sir

Title: Re: Ledger Nano vs, Keepkey vs Trezor
Post by: Blake_Last on July 05, 2017, 09:29:22 AM
saan ka bumili ng keepkey sir at magkano po?

Sa mismong site po nila ako bumili pero out of stock po ngayon, katulad din ng Ledger Nano S. Sa September 4 pa po ang estimate nila ng shipping ng hardware wallet nila. Ikaw sir, ano po gamit mo?

ah ok sir salamat wala pa akong hardware wallet sir eh bibili pa lang po, panu po proceso ng pagbili sir pwede ba cebuana, or coins.ph sir

Depende po kung saan ka bibili sir. Kung sa Amazon ka po bibili kailangan may credit card ka po, pwedeng Visa, MasterCard, Discover, American Express, Diners Club, o kaya JCB. Pero kung bibili ka naman po sa mismong site nila, halimbawa, sa KeepKey, pwede po ang BTC o pwede ka po magbayad mula sa balance mo sa Coins.ph.

Title: Re: Ledger Nano vs, Keepkey vs Trezor
Post by: rudel777 on July 05, 2017, 12:28:17 PM
ah ok sir salamat sa coins na lang pinadis-able ko kasi yung international transaction ng visa card ko eh ginamit ko kasi nun sa trading yun baka kasi nakawin yung laman  ;D landbank yung gamit ko sir