Ang gamit ko ngayon na hardware wallet sir ay KeepKey. Medyo may kamahalan ito kumpara sa Ledger Nano S pero sulit naman kasi maganda iyong design niya at usability at compatible pa po siya sa mas maraming coins hindi lang Bitcoin. Pwede mo siyang paglagakan ng iyong Ethereum, Litecoin, Dogecoin, Dash, Namecoin, etc. Isa pa, mas madali po siyang gamiting kumpara sa Nano S at maging sa Trezor. Pwedeng sabihin na pang-newbie siya dahil hindi siya ganun ka teknikal. Madali siyang i-update at madali ding i-set up. Ang downside nga lang, madali din siyang masira, halimbawa, kung nabagsak mo siya, kumpara sa Trezor na talagang parang katulad ng old Nokia 3310 sa tibay, na kahit ipukol mo hindi masisira.
Ngayon maliban pa po diyan, ang ilan pa sa dahilan kung bakit nagustuhan ko po ang KeepKey ay dahil sa pwede mo siyang magamit sa Electrum, MultiBit, at Mycelium. At pwede ka na rin pong mag-convert dito ng coins mo dahil naka-integrate po siya sa ShapeShift.io, na direkta mo naring maita-transfer sa wallet mo.
saan ka bumili ng keepkey sir at magkano po?