Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: akirasendo17 on January 17, 2021, 05:32:10 AM

Title: Coinless 2025
Post by: akirasendo17 on January 17, 2021, 05:32:10 AM
before nabalitaan natin ang mga balita na papasok or gagamit na tayo ng cashless transaction before pa at sa mga news na ito ay binabalak na ng banko sentral ng pilipinas, ngaun meron na namang bagong balita kung saan eeliminate na ang paggamit ng coins sa bansa, pero madaming problema itong kakaharapin sa aking tingin ito ang aking mga palagay:

Una papano ang mga maliliit na tao na hindi mkakaafford na bumili ng mga gadget para dito kailangan nila un to check if may pumasok sa byad halimbawa.
Pangalawa saan at papanu ang proceseso neto ng pagsurrender ng mga bareya na inipon note: napakadami ng barya na siguradong malulunod ang bangko pag ito ay esinurender na.
Pangatlo tax sigurado may tax yan gaano naman kaya kalaki ang tax na ito, for sure ang tatamaan nnmn ay ang mga maliliit nating kababayan.
Pang apat sino ang maghahandle ng mga transaction at issue na maaring kaharapin malaking abala ito kapag nagkaproblema sa transaction, halimbawa 5 pesos lang binili mo tapos ppunta kapa sa isang branch ng government para eprocess or tatawagan para magawa ang transaction.

information ayon sa balitang ito:
https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/771576/bsp-governor-says-philippines-will-be-coinless-society-by-2025/story/
napakalaking hamon neto kung sakaling dito talaga papunta, malaki ang budget, pero maganda ang planong ito kung susuportahan ng lahat
dapat tutukan at saka mga taong dapat ilagay ay hindi corrupt at seryoso sa pagbabagong ito,

Title: Re: Coinless 2025
Post by: SacriFries11 on January 17, 2021, 10:39:42 AM
1. Siguro maari nila gawin ito sa mga mayayaman na syudad dito sa atin bansa, pero sa mga probinsya gaya nang sa akin, mahirap pa ito kasi kailangan nang fiat sa mga transaksyon. Kung gagawin nilang card kagaya nang sinabi nila na sa National ID ilalagay, maaari itong magamit o maglagay sila nang station kung saan maari i-check ang balance.
2.Tama ka kabayan, siguro napag-isipan na din nila ito pero wala din ako ideya kung saan nila pwede ilagay ito. Paunti-unti maaari nila alisin ang mga barya dito sa atin, kung saan para hindi mabigla ang mga kababayan natin. Lalo na ung walang nalalaman pa sa ngayon sa teknolohiya.
3. Hindi pa din nalalaman kung makakaapekto ba ito pero kung ito ang makakabuti at mapabilis ang pamumuhay natin bakit hindi.
4. Maari siguro sila mag-laan nang pondo sa mga aberya na maaaring kaharapin nito, maganda siguro kung station din kagaya nang beep card para mabilis maiayos kung may problema sa transaksyon.

Mahabang-habang pagpaplano ang kailangan dito, sigurado ako hindi magiging madali ito, pero kung susuportahan natin, maari din itong matupad.
Naiplano na nila ito by 2023 coinless na pero dahil siguro sa pandemya naging 2025 na. Hindi natin ikakaila na naging convenient at mabilis ang transaksyon sa tulong na din nang mobile app kagaya nang Coins.ph, Gcash, Paymaya at iba pa. Sa mga susunod na taon, maaring ang mga tao ay masanay na sa prosesong ito. Kaya naman posible itong mangyari.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: Asuspawer09 on January 17, 2021, 08:49:18 PM
I doubt na mangyayari na agad ito sa 2025 sa ganitong sitwasyon sa Pilipinas, tulad na rin ng sinabi mo pagdating pa lamang sa gadget ay hindi lahat ay mayroon nito dito sa Pilipinas.

Kung talagang ito ang plano nila ay dahil masolve muna nila ang issue ng kahirapan dito sa Pilipinas, sobrang daming Filipino pa rin ang walang trabaho, at hindi din expose ang mga tao pagdating sa ganitong technology.

Para saken ay masyado pang maaga or masyado pang hilaw ang Pilipinas para magkaroon ng 50% digital transaction sa ganitong kalagayan, kailangan muna nilang ayusin ang ibang problema ng bansa bago ito.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: SolGleo on January 18, 2021, 03:24:52 AM
Maliit chance na maging coinless dahil sa marameng cons maareng iface neto gaya ng self reliance sa internet, cyber attacks, online thefts and lalo na yung mga walang mga bank accounts. Plus the fact it takes years para makarecover sa pandemic and nagsisimula palang ang 2nd wave need magfocus ng government isustain ang quality ng health and economy 1st before the technology matters. Then idagdag na ren yung 3rd world country ang Pilipinas.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: plvbob0070 on January 18, 2021, 08:03:32 AM
Actually, nahihirapan ako ivisualize yung nakikita nila sa future especially yung aim nila na 70% of adult Filipinos ay magkaroon ng bank account since alam naman natin na marami sa mga Pilipino ang walang kakayahan dito. Paano pa pag ginawang coinless ang mga transaction na kakailanganin nila ng digital access eh kung simpleng sa bangko nga lang ay hindi na nila kaya.

Bago nila maisakatuparan ito, marami muna silang kailangan na ayusin dahil obviously, yung ganitong vision ay para lang sa mga privilege. Maraming Pilipino ang kumikita ng pabarya barya sa araw-araw na pagtatrabaho at sa tingin ko ay magiging hassle sa part ng iba kung gagawin digital pa ito. Sa ibang technological innovations nga ay nahuhuli tayo tapos gusto nilang tumalon sa ganitong idea na hindi lahat at kayang makipagsabayan.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: ice18 on January 18, 2021, 09:02:33 AM
Siguro naman may mga IT advisors from local or foreign sila kung pano nila gagawin yan coinless pero since sila pala yung gumawa ng National ID natin tingin ko mas madali na sa kanila na maipatupad ito, ito yong simple method na naiisip ko kung pano ang gagawin nila ung ID card meron na agad info yan sa isang tao at meron yan syempre unique national  id number itong number na ito pwede nila gamitin as bank account yan at pwedeng interconnected sa lahat ng banko sa Pilipinas ng sa gayon ung card na yan pwede natin magamit as atm kung kilangan magwithdraw at meron den barcode and card kung mag magbabayad ka so ang kilangan yan mobile app at ID card para maisagawa itong coinless posibleng ganyan ang mangyari pero iwan ko lang kung meron silang mas magandang paraan tingin ko hindi naman malayong mangyari ito in the next few years.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: blockman on January 19, 2021, 09:04:37 AM
Parang masyadong maikling panahon yung binigay na timeframe ng BSP para siguruhin na mai-implement ang cashless o coinless sa 2025. Agree ako sa sinabi mo na kawawa yung mga kababayan nating maliliit na hindi naman open sa teknolohiya at hindi lang yan para sa mga may edad na kundi sa lahat ng edad. Hindi naman lahat ng mga kababayan natin ay teknikal at aware sa ganitong uri ng transakyon. Pero wala tayong magagawa kung yan ang aim ng BSP. Ika nga nila, ang pagbabago lang ang permanente sa mundo at kailangan nating mag-adopt.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: maxreish on January 19, 2021, 12:22:47 PM
Napanuod ko nga to. Bigla ko ngang naisip na susuportahan ito ng Banko  Sentralng Pilipinas pero where in fact we are started to become one of the cashless society na. Dahil madami ng gumagamit ng digital wallets lalo nung nagka pandemic.

Etong  coinless ay mapag aaralan  pa nilang mabuti kung paano i adopt ng karamihan. Lalo na hindi naman lahat ay ready sa ganitong sistema especially yong mga taong nasanay na sa traditional payment system.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: Bttzed03 on January 19, 2021, 06:38:33 PM
Panigurado naman na hindi full blown ang implementation neto. May mga strategic phases naman yan hangga't sa masanay na ang mga tao. Malamang maguumpisa yan sa mga bangko at iba't ibang ahensya ng Gobyerno tapos big establishments, sari-sari stores atbp. Tandaan din natin na "coinless" ang plano by 2025 at hindi "cashless". Doable naman yung paper bills + QR Code na nakalagay sa bawat issued National ID as payment system as payment system.

Sa mga duda naman patungkol sa kakayanan ng mga Pinoy mag-transition sa digital payment system, siguro tignan din natin naging epekto ng pandemya. Gaano na ba karami ang nadagdag na GCash, Paymaya, at Coinsph users?
  • PayMaya leads the way to a ‘Cashless Philippines’ in 2020 and beyond (https://business.inquirer.net/315176/paymaya-leads-the-way-to-a-cashless-philippines-in-2020-and-beyond)
  • Digital payment grows in Philippines amid COVID-19 fears (https://asia.nikkei.com/Business/Companies/Digital-payment-grows-in-Philippines-amid-COVID-19-fears)
  • Filipinos More Inclined to Use Digital Finance: GCash Transactions Balloon by 700% YoY in May (https://www.globe.com.ph/about-us/newsroom/917ventures/gcash-transactions-700percent-yoy-May.html#gref)
^ Patunay lamang na nakaka-adjust na mga Pinoy at hindi na siguro ganun kahirap ang transition to digital payments.

Pangatlo tax sigurado may tax yan gaano naman kaya kalaki ang tax na ito, for sure ang tatamaan nnmn ay ang mga maliliit nating kababayan.
Hindi ko maikonekta yung tax sa transition from barya to QR Codes. Baka gusto mo linawin to. Hindi din naman magiging factor ito sa pagtaas ng presyo ng mga paninda.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: chaser15 on January 19, 2021, 07:22:42 PM
Makikita na may talagang na-mislead sa balitang ito. Di naman totally 100% coinless ang gagawin kasi malabo yan. Step by step hanggang masanay ang mga tao or magkaroon ng adjustment sa mga rural areas.

Ang pinaka subject dito is maging cashless na ang majority ng mga payment system especially sa mga micro payments. Malabo maimplement to sa buong Pilipinas pero at least in most part, ganito na ang sistema and mas maganda yan.

Ang laki na ng tinaas ng mga gumagamit ng online payment and transaction bago pa magka-pandemic so imaginin niyo na lang na dahil sa pandemic, mas lalago pa ang online transactions sa mga susunod na taon.

Looking positive ako dito.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: Theb on January 19, 2021, 09:17:33 PM
This is pointless to be implemented in the country unang-una sa lahat na-consider na ba nila yung capabilities ng ibang tao para dito? Paano na yung mga jeepney driver, tindera/tindero sa kalye, pedicab driver, o di kaya mga tao na walang ka-alam-alam sa mga ganitong technology? Can you imagine you using your ID just to pay for a jeepney ride? It would be highly inefficient maliban nalang kung modernized na lahat ng jeepney natin na may barker sa loob. Before nila sana i-digitalize ang payment natin dapat ma-improve muna nila yung capabilities ng lahat if kaya ito. I know kung nasa middle-class o above ka makikita mo na win-win para sa lahat ito and everyone is up for modernization pero hindi pa lahat handa sa ganitong pagbabago.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: peter0425 on January 20, 2021, 10:49:31 AM
Yong Unang tanong ? medyo hindi na masyadong problema now yan dahil halos mabibilang nalang natin sa daliri now ang walang android/IOS phones , at yong mga keypad phones ay ginagamit nalang bilang Back up for calls and sometimes texting na halos di na nagagamit now dahil free messenger naman na .

second question tungkol sa Barya? kung hindi alam ng karamihan , ang Coins natin ay napakataas ng presyo kumpara sa actual price nito , ang kalidad ng Metal na ginagamit sa pag gawa ng coins natin ay lubhang mataas sa physical value , meaning kung bibitawan ang mga Barya ? mas gagaan ang gastusin ng gobyerno sa pag abono tuwing kailangan nating magpalit ng currencies and also maibebenta ang sandamakmak na coins na yan mas mahal pa kumpara kung magkano talaga ito magagamit.

and yong 3rd and 4th question ? technicalities na yan and siguradong bago pa yan aprubahan ng Gobyerno eh may nakahanda ng sagot , and wala tayong magiging choice once ma implement yan dahil sigurado namang kapakanan natin ang iisipin ng nasa tungkulin.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: qwertyup23 on January 20, 2021, 12:56:09 PM
<snip...>

I wholly agree with Theb.

Yung implementation ng cashless transactions dito sa Pilipinas ay masyado pang maaga. Given na isa tayong developing country, madami pa rin tayong mga businesses at service providers ang hindi kayang mag-adjust sa isang cashless na society. To be honest, marami ngang hindi nakakapag aral na bata ngayon, marami ding hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw tapos mag-iimplement ka agad ang gobyerno na mag shift towards a cashless society?

Before siguro ito ma-implement, mas madami muna tayong problema na kailangan i-prioritize. Edukasyon, imprastraktura, job opportunities at transportasyon muna ang kailangan nating iimprove bago tayo mag shift sa ideya na ito.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: dothebeats on January 20, 2021, 02:54:14 PM
Sa totoo lang, huling huli pa rin ang Pilipinas pagdating sa digitization ng mga serbisyong pampubliko, kagaya na lamang ng sa mga community health centers at iba pa. Paano pa kaya ang sa paraan ng pagbabayad ng mga mamamayan? Hindi naman lahat ay may access sa mga devices na kinakailangan upang makapagbayad tayo sa mga tindahan, idagdag mo pa ang internet speed natin na sobrang bagal pa rin in 2021's standards. This is more than ambitious if anything, at kung gawin man nilang coinless ang Pilipinas, at least simulan nila ito sa pagle-layout ng matindihang plano at maayos na foundation sa mga key cities kung saan ang technology is more or less common na sa halos lahat. Kung bibiglain ito, maaaring magkandaleche-leche ang ekonomiya ng Pilipinas, at mauwi ang mga expenses ng BSP sa wala.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: lionheart78 on January 20, 2021, 05:14:59 PM
I believe the BSP governor is just making a scene.  After all it is possible that pagdating ng 2025 eh wala na yan sa pwesto nya.  As of now hindi pa ready ang infrastructure ng Pilipinas for that kind of change.  Marami pang dapat ayusin in terms of communication and technology.  Remember isa ito sa may pinakamalaking parte para masakatuparan ang plano na yan but sadly hindi ito maenhance-enhance ng mga nasa kinauukulan.  Minsan tuloy napapaisip ako, parang puro talak lang ang mga nakaupo, mas ok sana if they laid out yung mga foundation at process kung paano mapapatupad ang sinsabi mong coinless society @OP.

Sa mga duda naman patungkol sa kakayanan ng mga Pinoy mag-transition sa digital payment system, siguro tignan din natin naging epekto ng pandemya. Gaano na ba karami ang nadagdag na GCash, Paymaya, at Coinsph users?
  • Filipinos More Inclined to Use Digital Finance: GCash Transactions Balloon by 700% YoY in May (https://www.globe.com.ph/about-us/newsroom/917ventures/gcash-transactions-700percent-yoy-May.html#gref)
^ Patunay lamang na nakaka-adjust na mga Pinoy at hindi na siguro ganun kahirap ang transition to digital payments.

Heto yata yun panahon na ipinasok sa GCASH yung SAP.  Pero after that any statistics na mas lumaki ang  transaction using GCASH?   But I agree, may kakayanan ang tao to adjust but the thing is, kaya ba ng kasalukuyang lagay ng teknolohiya at infrastucture ng Pilipinas na iimplement ng full blown ang ganitong proyekto?  Procurement pa lang umaabot na ng taon (maliban lang kung may kumpanyang malaki ang lagay o di kaya ay isa sa kamag-anak ng mga nasa katungkulan ang gagawa ng proyekto).

Title: Re: Coinless 2025
Post by: cabalism13 on January 20, 2021, 06:49:49 PM
I doubt na mangyayari na agad ito sa 2025 sa ganitong sitwasyon sa Pilipinas, tulad na rin ng sinabi mo pagdating pa lamang sa gadget ay hindi lahat ay mayroon nito dito sa Pilipinas.
Legit, lalo na ngayon eh muhkang kakalabas pa lang ng bagong bente na barya, tapos may commemorative pa na 5k kay lapu lapu, pero tingin ko for collectio  lang ung 5k...

Title: Re: Coinless 2025
Post by: chaser15 on January 20, 2021, 10:30:31 PM
Paano magkakaron ng progress ang coinless dito sa atin kung di sisimulan? Habang buhay na lang ba ididiin na di ito magiging success kasi may mga taong di ganoon ka techy?

Ang point ng Coinless 2025 is "masimulan" ang pag-adopt ng digital payment para sa "micro earnings". Maganda yan a pag na implement. Don't tell me ang iniisip niyo is 100% implementation? Malamang malabo yan and di ko pa naiisip na mangyayari yan dito sa Pinas. :D Sa 1st world country nga may cash payment pa rin e. Ang hirap nyan lalo sa probinsya at mahina ang network signal. Di man makasabay ang mahihirap at least may mga percentage na ng mga tao ang mga gumagamit nito. It means another mode of payment kaysa iyong talagang may physical contact sa mga maliit na transaction.

Pero kapag nag-start na and gained at least 1-3% progress per year is malaking bagay na. Ang mahalaga is kahit papaano, nabawasan na ang physical transaction lalo sa micro payments. Iyon nga lang sa force implementation ng RFID sa mga expressway is malaking bagay na e iyong nga lang di napaghandaan. Tingnan niyo iyong stats na pinost ni Bttzed para may reference kayo na kahit ano pang negative views ng karamihan, marami na ang nagshift sa digitalpayment.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: bitcoin31 on January 20, 2021, 11:25:20 PM
Dapat talagang iconsider ang mga kababayan natin lalo na yung mga kapos palad dahil hindi naman talaga nagamit ng gadgets kaya naman mahihirapan sila para dito lalo na ang internet connection ay napakabagal at hindi lahat ng bayan meron niyan and hindi pa gaano ka modern ang Pilipinas mauuna muna ang ibang bansa bago ang Pilipinas need talaga pag-aralan yan.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: agustina2 on January 21, 2021, 12:02:54 AM
Typical Pinoy thinking, nandoon agad sa finish line di pa nga nagsisimula. Kaya walang asenso e. Wala rin naman masamang dulot kahit di success ang plano nilang coinless sa 2025. At least my trial run. Di naman siguro aalisin ang cash payment. Encouragement na rin na simulan na ang coinless. Matagal ng sinimulan yan at lalo umusbong nung pandemya.

2025 pa naman. 2021 pa lang ngayon at sigurado may mga ginagawang hakbang na para dyan. Ano ba't hayaan niyo na lang muna. Di tanga ang mga nasa BSP para di isipin na maraming tao ang baka di makisabay sa coinless lalo mga walang gadgets. Alam na nila yan kaysa sa atin.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: Adreman23 on January 21, 2021, 03:26:38 AM
Coinless ibig sabihin wala ng mga coins o barya ang gagamitin. Ang pinakamababang halaga ng perang papel dito sa atin ay 50 pesos dahil yung 20 peso bill ay ginawa na din nilang barya suma total lahat ng bilihin ay hindi na bababa ng 50 pesos. Yun ang mahirap kasi bumababa ng bumababa ang halaga ng ating pera kaya yung mga may savings sa bangko na noon pa ay nag iipon na ay kawawa naman pag nagkataon.

Pero tingin ko ay medyo matatagalan pa eto dahil alam mo naman dito sa pinas uso yung mga patingi-tingi kapag bumibili at yung mga maliliit na negosyo tulad ng sari sari store, mga nagtitinda ng gulay at prutas sa palengke, at iba pa ay maapektuhan nito dahil sa barya lang ang kita nila dahil tingi tingi nga ang pagbebenta nila.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: AicecreaME on January 21, 2021, 11:38:14 AM
<...>

The biggest problem here is the number 1 and 3. Bukod sa hindi lahat ay kayang bumili ng gadgets, hindi rin lahat ng mamamayang pilipino ay marunong gumamit ng gadgets at kung paano ang cashless transactions. Tungkol naman sa tax, hindi lamang tax kundi pati transaction fee na rin, isa na yang malaking kabawasan sa kada tao na bibili ng isang bilihin.

Kaya dapat hindi na ito lagyan ng tax, kasi malaking tulong na yun sa bawat tao, pambili na rin yun ng iba pa nilang mga kailangan sa araw-araw.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: peter0425 on January 21, 2021, 11:57:49 AM
Coinless ibig sabihin wala ng mga coins o barya ang gagamitin. Ang pinakamababang halaga ng perang papel dito sa atin ay 50 pesos dahil yung 20 peso bill ay ginawa na din nilang barya suma total lahat ng bilihin ay hindi na bababa ng 50 pesos.
Nope wala pa din declaration ang Banko sentral regarding sa pagkawala ng 20pesos paper bills though meron ng 20php coins in circulation.
Quote
Yun ang mahirap kasi bumababa ng bumababa ang halaga ng ating pera kaya yung mga may savings sa bangko na noon pa ay nag iipon na ay kawawa naman pag nagkataon.
Inflation Mate , bumababa siguro ang value ng pera kasi lalong tumataas ang Bilihin , kaya nga mas ok ang Crypto kasi in any chances volatility pwedeng makatulong satin.
Quote
Pero tingin ko ay medyo matatagalan pa eto dahil alam mo naman dito sa pinas uso yung mga patingi-tingi kapag bumibili at yung mga maliliit na negosyo tulad ng sari sari store, mga nagtitinda ng gulay at prutas sa palengke, at iba pa ay maapektuhan nito dahil sa barya lang ang kita nila dahil tingi tingi nga ang pagbebenta nila.
Binabalak na bitawan ang coins dahil napaka mahal ng puhunan tapos nilalagay lang naman sa Alkansya so kinakailangan magpagawa ng magpagawa para lang ma sustain ang circulating supply.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: iTradeChips on January 22, 2021, 03:23:15 PM
That is a very big change for the country and I think we are not yet prepared for that kind of scenario. I mean kakalabas palang ng baryang bente pesos eh tatanggalin na ang barya? Siguro kailangan muna na lahat ng mga tao ay may means to use cashless technologies like laptops or smartphones. Tapos dapat alam na nila gagawin nila sa mga cashless apps na yan, bago sila magkamali sa mga ginagawa nila mawala pa pera nila. This is not being a naysayer pero it will take time and the right infrastracture to pull this off.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: cabalism13 on January 22, 2021, 04:17:03 PM
That is a very big change for the country and I think we are not yet prepared for that kind of scenario. I mean kakalabas palang ng baryang bente pesos eh tatanggalin na ang barya?
yun na nga, same lang toh ng cashless society, hindi agad ito mangyayari lalo na ngayon eh sa ekonomiya natin nagkakadugasan na kahit pa may pisikal money pano pa kung mawala ito eh di laganap naman ang mga hacker...

Title: Re: Coinless 2025
Post by: Cling18 on January 22, 2021, 05:42:24 PM
Hindi pa handa ang bansa natin na magswitch sa coinless or cashless society dahil nga isa tayo sa third world country, maraming maliliit na mamamayan ang hindi kayang magcomply dito. Kung ang online classes nga, marami ang nagquit dahil sa walang gadgets at kawalan ng internet supply, paano pa kaya ang cashless transactions lalo na sa mga liblib na lugar? Masyado pang tayong malayo sa katotohanan at marami pa talagang developments ang kailangan sa bansa natin.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: lienfaye on January 22, 2021, 07:37:26 PM
Ang sabi sa balita gagamit ng qr codes para sa small transaction kaya minamadali ang pag implement ng national id system. Pano naman yung mga mahihirap lalo na ang mga katutubo especially sa province namin (mangyan) kadalasan sa kanila hindi alam ang edad, walang birth certificate para kumuha ng national id.

Dapat i consider din ng gobyerno ang mga ganitong bagay. Hindi nga natin magawang maging totally cashless eh coinless pa ba? IMO mahirap ito at hindi pa tayo handa sa ganitong sistema dahil hindi lahat ng tao kayang sumabay sa agos na gusto ng gobyerno.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: iTradeChips on January 23, 2021, 12:35:34 PM
That is a very big change for the country and I think we are not yet prepared for that kind of scenario. I mean kakalabas palang ng baryang bente pesos eh tatanggalin na ang barya?
yun na nga, same lang toh ng cashless society, hindi agad ito mangyayari lalo na ngayon eh sa ekonomiya natin nagkakadugasan na kahit pa may pisikal money pano pa kung mawala ito eh di laganap naman ang mga hacker...

Kung tutuusin nga para sa akin ang idea ng isang cashless society ay talagang parang galing sa mga pahina ng science fiction stories like Star Trek. Imagine the infrastrature that you need to setup, and I mean that is a nationwide network of internet connectivity even those sa mga bundok will have access on it. Kailangan natin ma-"perfect" ang ganyang network and needs sophisticated equipment to pull it off. So right now you won't be getting that coinless idea not even in 40 years.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: ecnalubma on January 23, 2021, 05:15:51 PM
Maganda ang layunin ng coinless society na proposal nila pero malaking challenge na ma implement nila ito in short period of time. Sana hindi lang ito ningas kugon at kayang in ipagpatuloy ng mga susunod na mga manunungkulan. In my opinion why don’t they focus on creating CBDC instead? paniguradong sa year 2025 may mga bansa nang may mga sariling CBDC’s para makasabay tayo. Anyway its just a wild wish alam niyo naman sa bansa natin hindi kasing unlad ng ibang bansa at maraming balakid.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: okissabam on February 04, 2021, 05:41:45 PM
Para sa akin parang malayo pa sa totoo yung pag implement na coinless society by 2025. Although maganda ang layunin niya para sa mga tao especially sa panahon ngayon na may pandemia parang ang ideal ngayon na maging cashless or coinless ang society ngayon pero maraming maliliit na negosyo ang maapektohan dahil sa barya na pinagkikitaan nila. Pero I’m sure in the future pupunta din tayo dyan, but I don’t think it’ll be in 2025.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: cabalism13 on February 04, 2021, 08:35:40 PM
That is a very big change for the country and I think we are not yet prepared for that kind of scenario. I mean kakalabas palang ng baryang bente pesos eh tatanggalin na ang barya?
yun na nga, same lang toh ng cashless society, hindi agad ito mangyayari lalo na ngayon eh sa ekonomiya natin nagkakadugasan na kahit pa may pisikal money pano pa kung mawala ito eh di laganap naman ang mga hacker...

Kung tutuusin nga para sa akin ang idea ng isang cashless society ay talagang parang galing sa mga pahina ng science fiction stories like Star Trek. Imagine the infrastrature that you need to setup, and I mean that is a nationwide network of internet connectivity even those sa mga bundok will have access on it. Kailangan natin ma-"perfect" ang ganyang network and needs sophisticated equipment to pull it off. So right now you won't be getting that coinless idea not even in 40 years.
eh yun nga lang aabutin pa tayo sa malamang ng mahigit 100 years nyan bago natin makamit yang ganyan, at sa malamang eh pare pareho na tayong hindi humihinga nun at tanging mga bataan na natin ang mga nag uusap tungkol dito.
Ngayon pa nga lang eh nasusubok na ang kaperahan ng bawat ekonomiya eh, kaya sa malamang sa proseso ng pagkamit nyan eh madaming maliit na bansa ang mawawala o mululubog

Title: Re: Coinless 2025
Post by: marcbitcoins on February 10, 2021, 11:48:06 PM
Kung ang goal lang ay tanggalin ang mga bakal na barya, So pwede rin naman nilang dahan dahan nilang gawing papel ulit ang malalaking barya tulad ng 10, 5 at 1peso. Siguro gagawin nilang simpleng maliit na papel na lang dahil may kamahalan ang pag print nito. Mahirap yong QR code dahil marami tayong mamayan na dapat matuto ng Computer at digital system specially na nabibilang parin tayo sa 3rd world countries hangang ngayon.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: Ararbermas on February 11, 2021, 01:57:57 AM
Actually nangyayari na itong coinless na gusto nilang ipa iral sa atin bansa Simula palang noong ng silabasan ang Gcash, paymaya at coins.ph..  At ito nga'y  naging malaking tulong when it comes paying bills and etc. (Tulad nalang sa mga grocery store, fast food at, iba pa.) Peru hindi pa to talagang sikat kayat piling lugar lang o dimasyadong madami ang gumagamit dahil nga sa mga doubts ng iba nating kababayan.. Siguro pag ipinakilala ito ng maayus sa publiko o balita ng maayus sa ating mga kababayan kung anung kalaking tulong ang maihahatid satin nito.. Baka hindi na natin kailangan mag hinatay pa ng mahabang panahon.. In my opinion..

Title: Re: Coinless 2025
Post by: Kong Hey Pakboy on February 11, 2021, 08:54:20 AM
Ang balak na ito ng gobyerno ay innovative pero at the same time hindi kaagad mai-implement dahil masyado pang maaga para sa mga ideya na iyan. Ang ating bansa ay Third World Country, ibig sabihin hindi lahat ng citizens ay maunlad na dahil mismong ang bansa ang hindi pa. Maraming dapat i-consider bago nila ipatupad ang ganitong klaseng sistema. Mabuti na ngayon ang sistemang may coinless at nananatili pa rin ang coins para sa mga walang kakayanan. Unti-unti rin naman tayong tutungo sa future na iyon.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: cheezcarls on February 12, 2021, 12:53:11 PM
before nabalitaan natin ang mga balita na papasok or gagamit na tayo ng cashless transaction before pa at sa mga news na ito ay binabalak na ng banko sentral ng pilipinas, ngaun meron na namang bagong balita kung saan eeliminate na ang paggamit ng coins sa bansa, pero madaming problema itong kakaharapin sa aking tingin ito ang aking mga palagay:

Una papano ang mga maliliit na tao na hindi mkakaafford na bumili ng mga gadget para dito kailangan nila un to check if may pumasok sa byad halimbawa.
Pangalawa saan at papanu ang proceseso neto ng pagsurrender ng mga bareya na inipon note: napakadami ng barya na siguradong malulunod ang bangko pag ito ay esinurender na.
Pangatlo tax sigurado may tax yan gaano naman kaya kalaki ang tax na ito, for sure ang tatamaan nnmn ay ang mga maliliit nating kababayan.
Pang apat sino ang maghahandle ng mga transaction at issue na maaring kaharapin malaking abala ito kapag nagkaproblema sa transaction, halimbawa 5 pesos lang binili mo tapos ppunta kapa sa isang branch ng government para eprocess or tatawagan para magawa ang transaction.

information ayon sa balitang ito:
https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/771576/bsp-governor-says-philippines-will-be-coinless-society-by-2025/story/
napakalaking hamon neto kung sakaling dito talaga papunta, malaki ang budget, pero maganda ang planong ito kung susuportahan ng lahat
dapat tutukan at saka mga taong dapat ilagay ay hindi corrupt at seryoso sa pagbabagong ito,

It might be possible na maging coinless or cashless tayu in 2025, but first, we need to solve the poverty issue. Hindi lahat ng mga tao maka afford mag buy ng mobile phone para lang mag scan ng QR code, etc. At saka what if later on na low bat, at saka naiwan ang charger in which kailangan mo na talaga mag bayad asap.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: iTradeChips on March 15, 2021, 01:29:55 PM
In my opinion, baka kailangan pa ng mga complex processes na kailangang gawin ng bangko sentral bago mo masasabing coinless na talaga ang Pilipinas. Una sa lahat, para sa akin ah, hindi naman urbanized ang buong bansa. Maraming rural areas dito sa bansa natin at lalong lalo na mga pockets where di masyado high tech ang imprastraktura sa lugar. Iyan palang ay magiging balakid na siya para magkaroon ang bawat mamamayan ng mga bagay na mageenable sa isang coinless at cash less society na rin. Pangalawa, pwedeng umalma ang mga industriyang nakasalalay ang kanilang negosyo sa dami ng baryang pwedeng ubusin ng mga tao. Like mga vending machines at iba pa. 2021 na ngayon. 4 na taon na lang kung titignan mo. Sa palagay ko hindi pa achievable yan.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: peter0425 on March 20, 2021, 10:58:49 AM
Ang balak na ito ng gobyerno ay innovative pero at the same time hindi kaagad mai-implement dahil masyado pang maaga para sa mga ideya na iyan. Ang ating bansa ay Third World Country, ibig sabihin hindi lahat ng citizens ay maunlad na dahil mismong ang bansa ang hindi pa. Maraming dapat i-consider bago nila ipatupad ang ganitong klaseng sistema. Mabuti na ngayon ang sistemang may coinless at nananatili pa rin ang coins para sa mga walang kakayanan. Unti-unti rin naman tayong tutungo sa future na iyon.
malinaw naman na ang naging basehan lang ng Post na ito ay ang dahan dahang pagbagsak ng value ng pera natin.
Dahil ngayon ang Paper money ay lumiliit na ang value since malapit ng mawala ang 20 pesos paper bills na magiging coins na din..
But i believe that Coinless 2025 ay posible as 4 years from now andaming pwede mangyari.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: 0t3p0t on March 20, 2021, 12:31:04 PM
Matagal pa mangyayari yang cashless society na yan pero no doubt ay darating din tayo dyan or sa susunod na henerasyon. Pero sa ngayon mahirap yan mangyari dahil sa estado ng pamumuhay natin dito sa pinas example na dyan yung pandemic kadalasan cashless dahil lahat takot lumabas ng bahay pero majority padin yung gumagamit ng tradisyunal na paraan sa pagbayad dahil yung iba walang debit/credit cards or e-wallets at isa pa hindi lahat ng businesses o transaksyon ay suportado cashless payment katulad ng sa palengke. Maraming coins naman din na nawala sa circulation dahil kinokolekta ng mga enthusiasts at yung iba dinala pa sa ibang bansa para tanggalan ng nickel. Bulky nga lang ang coins pero fireproof at waterproof naman di kagaya sa peso bill na nasusunog at basa.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: Ipwich on March 25, 2021, 01:07:46 PM
Pwede in the future pero sa taong 2025 parang di pa kakayanin ng Pilipinas na maging coinless. Mostly kasi sa ating mga kababayan ay wala pang bank account at sa mga kababayan naman natin na medyo may edad na ay mahirap narin para sa kanila na matuto sa mga ganyang bagay. Ganun din ang internet access sa ating bansa, isa rin yang factor para sa maging coinless ang isang bansa at di pa masyadong natataguyod ng maayos, mahal parin ang internet/data para sa mga karaniwang mamamayan.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: Text on March 26, 2021, 06:37:53 AM

Malalaman natin yan pagdating sa panahon na yan. Meron pang apat na taon ang hihintayin kung talaga bang mangyayari na maging Coinless na dito sa Pinas sa taong 2025. Hindi na rin mawawala ang mga hindi sasang-ayon sa planong ito. Dahil pano naman daw ang maliliit na negosyante, ang kanilang maliit na kita sa araw-araw. Pero siguro meron naman silang nakahandang solusyon dito, yun na ngang pagtulak ng National ID card kung saan meron QR code para sa small transactions. Patungo na nga tayo sa digitalization, at mas naitulak pa ito ng pandemic upang isulong at isakatuparan ang bagay na ito. Yung nga tama ka, kung iisipin natin ang kalagayan ng bansa natin ngayon parang hindi pa nga talaga handa sa ganito dahil sa kinasanayan natin, pero kung paunti-unti posible naman.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: nak02 on April 16, 2021, 03:47:22 PM
Hindi epektibo yang coinless sapagkat pinaka una jan ay ung mga bansa na mababa ang ekonomiya, mga bansa na halos hindi kilala ang crypto at walang mga gadgets, hanggat hindi sikat tong crypto mananatili parin ang papel na pera, at kong sakaling mag ka totoo yan, madaming hackers ang mag tatangka sapagkat andon lahat.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: isaac_clarke22 on April 18, 2021, 07:15:35 AM
~
Unti unti ay napupunta rin tayo roon ngunit hindi siguro papunta sa paggamit ng cryptocurrency.
Naaalala ko yung binalita noon ukol sa mga nagtatravel ngayon na hindi na raw gumagamit ng pisikal na pera kundi mga Autosweep RFID o Easytrip depende sa kung saan sila patutungo.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: pilosopotasyo on April 18, 2021, 09:23:54 AM
~
Unti unti ay napupunta rin tayo roon ngunit hindi siguro papunta sa paggamit ng cryptocurrency.
Naaalala ko yung binalita noon ukol sa mga nagtatravel ngayon na hindi na raw gumagamit ng pisikal na pera kundi mga Autosweep RFID o Easytrip depende sa kung saan sila patutungo.

Maaring dumating tayo sa ganitong sitwasyon pero totally na cashless or coinless o Cryptocurrency lamang mukhang mahirap ito, alam naman natin ang internet connection natin sa Pilipinas at sa bilang ng mga taong nakakaalam ng Cryptocurrency, nasa minority pa alng tayo ngayun at hindi madali na maabot natin ang majority sa mabilis na panahon.

Pero maganda na ang gobyerno natin ay open sa Cryptocurrency adoption at malaking tulong ito sa ating lahat na early adopter.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: SacriFries11 on April 18, 2021, 04:51:19 PM
~
Unti unti ay napupunta rin tayo roon ngunit hindi siguro papunta sa paggamit ng cryptocurrency.
Naaalala ko yung binalita noon ukol sa mga nagtatravel ngayon na hindi na raw gumagamit ng pisikal na pera kundi mga Autosweep RFID o Easytrip depende sa kung saan sila patutungo.

Sa tingin ko magkakaroon din nang mga adoption pagdating sa mga kasalukuyang platform na gumagamit nang cashless transaction. Magkakaroon sila nang interfacing sa pagitan nang kanilang system kung saan pwede sila magbayaran sa pamamagitan nang crypto at fiat tulad nang coins.ph pero sana babaan nila yung possible transactions fees and sa pag-palit nang cryptocurrency.
Mas maganda na mamulat agad ang ating mga kababayan sa cashless transaction tulad ang paggamit sa kasalukyang paraan katulad nang Gcash, Coins.ph at etc. Makakatulong ito upang agad nilang maunawaan ang tungkol sa cryptocurrency.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: jacobyyy on May 19, 2021, 06:23:50 PM
Sa tingin ko ay malabo pa itong mangyari sa taong 2025 sa kadahilanang hindi pa maunlad ang pilipinas at tayo ay nasa 3rd world country ika nga. Una sa lahat, sa aking pagkakaalam, ang pag gawa ng perang papel ay mas mahal kesa sa pag gawa ng perang barya. Pangalawa, mas kinakailangan ang papel kung ang pilipinas magiging coinless na, ibig sabihin, mas maraming puno ang papatumbahin upang makagawa ng perang papel. Alam naman natin na kulang na kulang na ang pilipinas sa tanging yaman lalo na ang mga puno. Kung ito ay mangyayari, mas lalong magiging malala ang climate change na ating nararanasan sa ngayon. Mas marapat na sumangguni rin sa DENR kung ito man ay ipapatupad.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: john1010 on May 21, 2021, 02:14:32 PM
Di na natin kayang pigilan ang cashless society, at yang pagtanggal ng ating umiiral na coins, una mas mahal pa sa value ng coins yung bakal na ginagamit at yung pagmelt nito, kaya nakita marahil ng central bank na mas makakatipid kung gagawin ng coinless ang ating bansa, sa issue sa mga maliliit o mga less fortunate nating mga kababayan, sa tingin ko di yan magiging issue, dahil ang mga pinoy madaling maka adopt ng bago kahit ano pa ito.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: blockman on May 21, 2021, 07:41:48 PM
Di na natin kayang pigilan ang cashless society, at yang pagtanggal ng ating umiiral na coins, una mas mahal pa sa value ng coins yung bakal na ginagamit at yung pagmelt nito, kaya nakita marahil ng central bank na mas makakatipid kung gagawin ng coinless ang ating bansa, sa issue sa mga maliliit o mga less fortunate nating mga kababayan, sa tingin ko di yan magiging issue, dahil ang mga pinoy madaling maka adopt ng bago kahit ano pa ito.
Doon na talaga ng mundo natin at kahit sa bansa natin alam nating medyo nahuhuli tayo sa technology ay doon nadin ang papunta natin. Sa materyales sa paggawa ng coins, tama nga na pwedeng mas makakatipid sila kapag ganun at hindi nila kailangan mag angkat pa kasi mas magiging madali para sa kanila ang pag-adopt sa coinless kasi mas magaan nga kapag ganun at hindi mo na kailangan pa bitbitin mismo ang mga coin natin. Pero tignan natin kung mapapatupad nila yan sa eksaktong taon na binibigay nila pero kung hindi, talagang medyo mabagal ang pag usad natin pagdating sa teknolohiya.

Title: Re: Coinless 2025
Post by: john1010 on May 23, 2021, 09:18:54 AM

Yung mga sentimo na barya. let say singko sentabo, eh yung matrial na ginamit nagkakahalaga na ng higit sa 50 sentabo ang costing, kaya talagang malulugi ang banko sentral, kaya dapat lang na gawin ng coinless ang ating bansa, sa cashless medyo matagal tagal pa yan pero sa coinless posible na maimplement yan, dahil pwede namang gamitin ang mga popular na payment system na umiiral like, paymaya, gcash etsetera.. Kaya kung barya o butal lang usapan sa isang produktong bibilhin mas mainam na gumamit nitong mga payment system na meron tayo, tutal karaihan naman nsa mga kababayan natin h nagoonline shopping na.