Di na natin kayang pigilan ang cashless society, at yang pagtanggal ng ating umiiral na coins, una mas mahal pa sa value ng coins yung bakal na ginagamit at yung pagmelt nito, kaya nakita marahil ng central bank na mas makakatipid kung gagawin ng coinless ang ating bansa, sa issue sa mga maliliit o mga less fortunate nating mga kababayan, sa tingin ko di yan magiging issue, dahil ang mga pinoy madaling maka adopt ng bago kahit ano pa ito.
Doon na talaga ng mundo natin at kahit sa bansa natin alam nating medyo nahuhuli tayo sa technology ay doon nadin ang papunta natin. Sa materyales sa paggawa ng coins, tama nga na pwedeng mas makakatipid sila kapag ganun at hindi nila kailangan mag angkat pa kasi mas magiging madali para sa kanila ang pag-adopt sa coinless kasi mas magaan nga kapag ganun at hindi mo na kailangan pa bitbitin mismo ang mga coin natin. Pero tignan natin kung mapapatupad nila yan sa eksaktong taon na binibigay nila pero kung hindi, talagang medyo mabagal ang pag usad natin pagdating sa teknolohiya.
Yung mga sentimo na barya. let say singko sentabo, eh yung matrial na ginamit nagkakahalaga na ng higit sa 50 sentabo ang costing, kaya talagang malulugi ang banko sentral, kaya dapat lang na gawin ng coinless ang ating bansa, sa cashless medyo matagal tagal pa yan pero sa coinless posible na maimplement yan, dahil pwede namang gamitin ang mga popular na payment system na umiiral like, paymaya, gcash etsetera.. Kaya kung barya o butal lang usapan sa isang produktong bibilhin mas mainam na gumamit nitong mga payment system na meron tayo, tutal karaihan naman nsa mga kababayan natin h nagoonline shopping na.