Bitcoin Forum

Local => Altcoins (Pilipinas) => Topic started by: Paldo.io on April 13, 2024, 02:19:18 AM



Title: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: Paldo.io on April 13, 2024, 02:19:18 AM
EDIT:

so ayoko sana iconnect tong account kong ito sa Paldo.io pero since ongapala may kinalaman ang reputation dito, aamin na ako saakin yang project na yan.

Will respond to other questions later. Out pa ako for dinner. :D



Gm!

Paldo.io is a curated crypto airdrop database, offering users access to high-quality, handpicked airdrops for optimal farming opportunities.

With Paldo.io (https://paldo.io/), you wouldn't need to do research on which airdrops are best and if the protocol you saw was legit or not, we do the work for you! But of course, for your peace of mind, always verify!

And if you're wondering — yes, Paldo.io is filipino made. https://i.ibb.co/TRJjZyH/image.png


Links:

  • Airdrop Database: https://paldo.io/
  • Announcements Telegram Channel: https://t.me/paldo_io
  • Introduction to Crypto Airdrops: https://www.facebook.com/paldo.io/posts/pfbid02jzH3QjH7rLWesnDvdwfpWGpgXY2LDUcE6hWmR1HtUnUQargVfvXV4P3U3VjuukCjl




Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: bettercrypto on April 13, 2024, 10:17:49 AM
Dito nio ba kinuha yang airdrops nio sa paldo sa https://airdrops.io/latest/, pero okay narin ito para sa mga kababayan natin na mahilig sa airdrops na naghahanap ng mga libreng cryptocurrency na pwedeng makapagbigay sa kanila ng profit in the future.

Yung berachain hanggang ngayon binubuksan ko parin yan twice a week, kasi hindi pa naman tapos yung testnet nyan, malay mo biglang magpa airdrops sayang din naman diba?
tutal naman free naman siya at walang kailangan na ilabas din at yan naman madalas ang hanap nating mga pinoy din. Kaya salamat dito kabayan :)


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: Paldo.io on April 13, 2024, 10:36:10 AM
Dito nio ba kinuha yang airdrops nio sa paldo sa https://airdrops.io/latest/, pero okay narin ito para sa mga kababayan natin na mahilig sa airdrops na naghahanap ng mga libreng cryptocurrency na pwedeng makapagbigay sa kanila ng profit in the future.

Nope! I'm personally very active sa crypto space and ito ung mga personal picks ko — ung mga finafarm ko rin personally. Ung sa airdrops.io kasi nililist na halos lahat, kahit ung mga obvious na mejo walang pupuntahan ung protocol. Itong sa Paldo.io, curated na; para naka focus nalang sa quality.  :)


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: coin-investor on April 13, 2024, 10:56:40 AM
Matagal na akong di active sa airdrop kasi dati ang dami kong sinalihan na airdrop na wala namang nangyari, meron din akong nasalihang mga airddrop na need mo mag KYC at di ka sigurado kung ano mangyayari sa sensitive information mo kung sakali mag rug pull ang airdrop.

May mga balita pa nga na ibinebenta sa dark web ang mga sensitive information na ginagamit sa masasamang gawain, pero i checheck ko pa pa rin ang airdrop mo marami rin kasing tumiba sa airdrop kasi meron pa rin namang maayos na airdrop.

Sana masala mong mabuti ang mga airdrop mo at maglagay ka rin ng disclaimer para di 100% magtiwala sila sa airdrop na katapos tapusan eh masasayang lang ang pagod nila.


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: Text on April 13, 2024, 11:12:09 AM
Mukhang maganda at mapagkakatiwalaan ang serbisyong ito lalo na sa mga naghahanap ng mga de-kalidad na airdrops, kahanga-hanga para mas madali at ligtas na mag navigate. Salamat sa pagbabahagi nito. Bilang isang nagiging aktibong miyembro ulit ng crypto space, aabangan ko ang mga susunod na updates mula dito. Keep up the good work! 😊


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: Coin_trader on April 13, 2024, 12:05:15 PM
Mukhang maganda at mapagkakatiwalaan ang serbisyong ito lalo na sa mga naghahanap ng mga de-kalidad na airdrops, kahanga-hanga para mas madali at ligtas na mag navigate. Salamat sa pagbabahagi nito. Bilang isang nagiging aktibong miyembro ulit ng crypto space, aabangan ko ang mga susunod na updates mula dito. Keep up the good work! 😊

Karaniwan kapag naririnig ko itong word na “paldo” ay more on high risk investment sa crypto. Nakakatuwa lang makita na ginamit ito sa airdrop service since dito talaga dedicated itong word na ito.

Ang nakakatakot lang dito ay hindi pa natin alam kung trusted ba talaga si OP dahil newbie lang sya at maaaring may sumingit na scam link sa mga airdrop na ito if ever na maging hudas si OP sa atin.

@OP mayroon ka bang portfolio or background introduction sa sarili mo para malaman namin ang reputation mo outside the forum since bago ka palang dito. Paano namin maguguarantee na papaldo talaga kami.  ;D

Welcome sa forum kabayan.


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: robelneo on April 13, 2024, 12:27:48 PM


Ang nakakatakot lang dito ay hindi pa natin alam kung trusted ba talaga si OP dahil newbie lang sya at maaaring may sumingit na scam link sa mga airdrop na ito if ever na maging hudas si OP sa atin.

@OP mayroon ka bang portfolio or background introduction sa sarili mo para malaman namin ang reputation mo outside the forum since bago ka palang dito. Paano namin maguguarantee na papaldo talaga kami.  ;D

Welcome sa forum kabayan.

So far maganda naman ang starting nya naka copper account sya, may second thoughts ako sa mga airdrops kasi ang dami dyan rug pulls, scams at hackers kaya sana i check at i verify na mabuti ni OP ang mga airdrops na ililista nya na safe ito kasi pag nagkaroon ng bad reports mabilis and community na mag tag at masasayang lang ang pagod mo pag na report ang platform mo.
Ok ang pangalan ng domain paldo ibig sabihin malaking kita sana nga yun ang reflection ng site nya.


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: PX-Z on April 13, 2024, 01:25:33 PM
Saw your fb page shared by Cryptocurrency Philippines fb page :)
If you can really distinguish or at least sort yung medjo hindi sketchy na project airdrops oks yan. Sa gustong mag based ng airdrops nila sa site or tg channel/group ni OP, make sure to make proper research din para walang sisihan lol.


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: bhadz on April 13, 2024, 01:27:52 PM
Nakita ko na yan sa page nila at talagang effort din kung sinoman nasa likod ng page at website na yan. Hindi na ako nabigla na nandito ka na din sa forum dahil naging masigla ang airdrop industry sa bansa natin at parang spoon feeding na nga kung tutuusin dahil sa dami ng mga influencers na nagaadvertise ng mga projects na tingin nila magiging okay pagdating sa airdrop.

Nope! I'm personally very active sa crypto space and ito ung mga personal picks ko — ung mga finafarm ko rin personally. Ung sa airdrops.io kasi nililist na halos lahat, kahit ung mga obvious na mejo walang pupuntahan ung protocol. Itong sa Paldo.io, curated na; para naka focus nalang sa quality.  :)
Maganda ito, parang finifilter mo na talaga yung mga airdrop projects. Wish ko lang paldo at Crypto PH na sana huwag kayo mag advertise ng sugal sa FB. Kung sa forum lang, ayos lang dahil karamihan naman dito ay nasa wastong edad na.


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: dimonstration on April 13, 2024, 01:31:45 PM
Bka ito yung nakikita ko sa facebook na nag AMA at nagseseminar ng airdrops. Hahaha.

Magandang idea ito dahil sobrang dami ng airdrop sa crypto tapos andami na din mga scammer na nagpapasa ng scam link. Sana may introduction sa mga project involved sa airdrop para madali malaman kung trusted talaga kagaya nalang kung backed ba yung project ng malaking company para mag provide ng liquidity sa token.


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: mk4 on April 13, 2024, 01:43:05 PM
@OP mayroon ka bang portfolio or background introduction sa sarili mo para malaman namin ang reputation mo outside the forum since bago ka palang dito. Paano namin maguguarantee na papaldo talaga kami.  ;D

Welcome sa forum kabayan.

so ayoko sana iconnect tong account kong ito sa Paldo.io pero since ongapala may kinalaman ang reputation dito, aamin na ako saakin yang project na yan.

Will respond to other questions later. Out pa ako for dinner. :D


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: Ben Barubal on April 13, 2024, 02:59:04 PM
@OP mayroon ka bang portfolio or background introduction sa sarili mo para malaman namin ang reputation mo outside the forum since bago ka palang dito. Paano namin maguguarantee na papaldo talaga kami.  ;D

Welcome sa forum kabayan.

so ayoko sana iconnect tong account kong ito sa Paldo.io pero since ongapala may kinalaman ang reputation dito, aamin na ako saakin yang project na yan.

Will respond to other questions later. Out pa ako for dinner. :D

     Sabi ko na nga ba  sayo yan kasi nakita ko yung referal code name mo na sumagi sa isipan ko na alternative account mo yan., edi hindi na kami mag-aalala kasi ikaw naman pala din ang may hawak nyan.

     Sigeh sama-sama tayong magpalduhan dito sa airdrops na binabahagi dito , sigeh icheck ko lahat yang mga binibigay mo, suportahan namin yang ginagawa mo, at salamat din sa pagbahagi.


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: mk4 on April 13, 2024, 04:29:16 PM
Matagal na akong di active sa airdrop kasi dati ang dami kong sinalihan na airdrop na wala namang nangyari, meron din akong nasalihang mga airddrop na need mo mag KYC at di ka sigurado kung ano mangyayari sa sensitive information mo kung sakali mag rug pull ang airdrop.

May mga balita pa nga na ibinebenta sa dark web ang mga sensitive information na ginagamit sa masasamang gawain, pero i checheck ko pa pa rin ang airdrop mo marami rin kasing tumiba sa airdrop kasi meron pa rin namang maayos na airdrop.

Sana masala mong mabuti ang mga airdrop mo at maglagay ka rin ng disclaimer para di 100% magtiwala sila sa airdrop na katapos tapusan eh masasayang lang ang pagod nila.
Done are the days na panay KYC and social media share lang ang airdrops. Nowadays, puros LP-ing and activity-based na ang airdrops — which is FAR better!


Karaniwan kapag naririnig ko itong word na “paldo” ay more on high risk investment sa crypto. Nakakatuwa lang makita na ginamit ito sa airdrop service since dito talaga dedicated itong word na ito.
Yes, pero ginagamit rin sa airdrops; and karamihan ng airdrops, hindi "high risk" ang pag LP kasi pag pinili mo ung tamang platform, sobrang alanganin na ma-rug pull ka. Of course, anjan lagi ang exploit risk so i-manage ng tama ang pera. Wag ung all in ng all in sa plataporma.


Ang nakakatakot lang dito ay hindi pa natin alam kung trusted ba talaga si OP dahil newbie lang sya at maaaring may sumingit na scam link sa mga airdrop na ito if ever na maging hudas si OP sa atin.
Kahit ako man o sino ung may ari ng site, always verify!


So far maganda naman ang starting nya naka copper account sya, may second thoughts ako sa mga airdrops kasi ang dami dyan rug pulls, scams at hackers kaya sana i check at i verify na mabuti ni OP ang mga airdrops na ililista nya na safe ito kasi pag nagkaroon ng bad reports mabilis and community na mag tag at masasayang lang ang pagod mo pag na report ang platform mo.
Ok ang pangalan ng domain paldo ibig sabihin malaking kita sana nga yun ang reflection ng site nya.
I have been doing crypto for a living since 2016. :P So yes sobrang pili ung nilalagay ko para iwas rug pulls. As always, anjan ang exploit risk so manage your money well!


If you can really distinguish or at least sort yung medjo hindi sketchy na project airdrops oks yan. Sa gustong mag based ng airdrops nila sa site or tg channel/group ni OP, make sure to make proper research din para walang sisihan lol.
Yes sobrang pili lang talaga kaya kokonti ung bilang sa Paldo.io compared sa ibang sites gaya ng airdrops.io.

But always, doublecheck!


Bka ito yung nakikita ko sa facebook na nag AMA at nagseseminar ng airdrops. Hahaha.

Magandang idea ito dahil sobrang dami ng airdrop sa crypto tapos andami na din mga scammer na nagpapasa ng scam link. Sana may introduction sa mga project involved sa airdrop para madali malaman kung trusted talaga kagaya nalang kung backed ba yung project ng malaking company para mag provide ng liquidity sa token.
Ung P3000 na ticket? Hahaha not me!




Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: PX-Z on April 13, 2024, 10:14:48 PM
so ayoko sana iconnect tong account kong ito sa Paldo.io pero since ongapala may kinalaman ang reputation dito, aamin na ako saakin yang project na yan.

Will respond to other questions later. Out pa ako for dinner. :D
Ayos 🔥. Ang bilis din ng website, bagay din ang name "Paldo" as directory list. Oo nga pala dami mo ng directory sites ah, although not sure if active pa yung iba.

Gawa ka din ng ANN thread sa altcoinstalks or sa PHCorner ang daming farmers dun ng mga airdrops, or sa ibang pinoy community groups, not sure nga lang kung saan pa yung iba.


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: Text on April 14, 2024, 03:16:38 AM
Karaniwan kapag naririnig ko itong word na “paldo” ay more on high risk investment sa crypto. Nakakatuwa lang makita na ginamit ito sa airdrop service since dito talaga dedicated itong word na ito.

Ang nakakatakot lang dito ay hindi pa natin alam kung trusted ba talaga si OP dahil newbie lang sya at maaaring may sumingit na scam link sa mga airdrop na ito if ever na maging hudas si OP sa atin.
Naririnig ko na rin yang paldo sa mga nagsusugal eh, yung parang kota nila sa malaking panalo o kita at syempre sa mga mahihilig at aktibo na sumasali sa mga airdrop program at nag iinvest sa mga new projects o platforms na malaking halaga ang bumabalik sa kanila sa pamamagitan ng pag benta.

Sinubukan ko ng bisitihan tong website nya at nag tingin ng isang project. Importante talaga na mag DYOR pa rin at mag verify, kaya inaalam ko rin yung official website and from there chinecheck ko na lahat ng impormasyon at cross checking kung magtutugma yung mga detalye.

Hindi na mawawala yung possible na maging scam kaya ugaliin na laging mag doble ingat.


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: mk4 on April 14, 2024, 04:25:36 AM
Gawa ka din ng ANN thread sa altcoinstalks or sa PHCorner ang daming farmers dun ng mga airdrops, or sa ibang pinoy community groups, not sure nga lang kung saan pa yung iba.
Salamat sa advice. Chineck ko — langya may account rank system rin pala ung altcoinstalks hahaha.


Naririnig ko na rin yang paldo sa mga nagsusugal eh, yung parang kota nila sa malaking panalo o kita at syempre sa mga mahihilig at aktibo na sumasali sa mga airdrop program at nag iinvest sa mga new projects o platforms na malaking halaga ang bumabalik sa kanila sa pamamagitan ng pag benta.
Di ako pumupunta sa sugalan kaya di ko to alam. :D Sa FB ko lang nakikita personally pag may nakakuha ng malaking airdrop.


Hindi na mawawala yung possible na maging scam kaya ugaliin na laging mag doble ingat.
Always talaga magiging possible ang rugpulls, pero sinisigurado kong may backer na matino ung mga naka list sa Paldo.io para at the very least 99% sure na hindi magrurugpull.

Pero syempre ibang usapan ung exploit risk. Literal lahat ng platform(mapa crypto man o hindi) e pwede ma exploit.


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: Chipard on April 16, 2024, 11:52:04 AM
Finally! meron na din ganto sa wakas ;D... dito kasi ako nakaabang at nagrereply ng mga airdrops na nais salihan haha https://bitcointalk.org/index.php?topic=5490354.0


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: DabsPoorVersion on April 16, 2024, 10:45:42 PM
Ito din yung nagbigay ng tutorial sa kabilang forum. Good to know na ikaw pala yun @mk4 and hindi mababahala na masubukan ang website mo dahil sa good reputation mo. Will follow your airdrop picks kapag umokay na ang pc ko ;)


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: inthelongrun on April 17, 2024, 06:41:37 AM
Ayon, andito na ang pinangarap ng karamihan. Meron na rin tayong listahan at guide sa wakas. Salamat paldon't.io este paldo.io aka mk4. Matrabaho rin to pero pinagtyagaan mo talaga kahit marami jan ay walang referrals. At carefully handpicked pa na mga projects para maihatid sa mga gustong kumita sa crypto.

Kailangan ko na ulit maging masipag para magawa lahat ng mga nasa listahan. Nakaka-inggit nga naman makita yung mga nakakuha ng 6 to 7 digits tulad dun sa Wormhole at Saga. Baka dito pa ako magkamilyones. ;D


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: johnkillcute on April 19, 2024, 10:19:24 AM
kelangan ko ng madaming tutok hehehe salamat mga kabayan...


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: malcovi2 on April 21, 2024, 04:50:20 AM
buti nalang nakita ko post mo tungkol sa PURR

congrats!

konti lang yung akin papalaguin ko nalang doon sa HYPERLIQUID since free money naman hehehe

----

pwede mag dagdag/separate list ng projects na merong vault na feature?


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: Paldo.io on May 04, 2024, 12:01:24 AM
pwede mag dagdag/separate list ng projects na merong vault na feature?

Can you give examples?


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: pinggoki on May 08, 2024, 07:44:43 AM
Listahan lang ba siya o kusa ka din makakakuha ng mga airdrop? Mas maangas siguro kung magiging ganun din kayo sa hinaharap, at pwede kayong maningil ng malaking halaga kasi may benefit naman kapag nakasubscribe sa inyo. Nakabookmark naman na yung page niyo sa browser ko, laking tulong nito. Huling tanong lang, mahigpit ba kayo sa screening ng mga airdrops kasi malaki tsansa na may mga scam at fake airdrops di ba?


Title: Re: Paldo.io — Farm Airdrops, the Easier and Safer Way
Post by: Paldo.io on May 14, 2024, 06:43:52 AM
Listahan lang ba siya o kusa ka din makakakuha ng mga airdrop? Mas maangas siguro kung magiging ganun din kayo sa hinaharap, at pwede kayong maningil ng malaking halaga kasi may benefit naman kapag nakasubscribe sa inyo. Nakabookmark naman na yung page niyo sa browser ko, laking tulong nito.

Hindi possible ung kusa kang makakakuha ng airdrop kasi halos lahat ng good/legit airdrops kailangan mong gamitin ung platform nila.


Huling tanong lang, mahigpit ba kayo sa screening ng mga airdrops kasi malaki tsansa na may mga scam at fake airdrops di ba?

Everything manually screened, kaya mas kokonti ang airdrops listed sa Paldo.io compared sa Airdrops.io(which is nilista halos lahat kahit ung mga basura).