Matagal na akong di active sa airdrop kasi dati ang dami kong sinalihan na airdrop na wala namang nangyari, meron din akong nasalihang mga airddrop na need mo mag KYC at di ka sigurado kung ano mangyayari sa sensitive information mo kung sakali mag rug pull ang airdrop.
May mga balita pa nga na ibinebenta sa dark web ang mga sensitive information na ginagamit sa masasamang gawain, pero i checheck ko pa pa rin ang airdrop mo marami rin kasing tumiba sa airdrop kasi meron pa rin namang maayos na airdrop.
Sana masala mong mabuti ang mga airdrop mo at maglagay ka rin ng disclaimer para di 100% magtiwala sila sa airdrop na katapos tapusan eh masasayang lang ang pagod nila.
Done are the days na panay KYC and social media share lang ang airdrops. Nowadays, puros LP-ing and activity-based na ang airdrops — which is FAR better!
Karaniwan kapag naririnig ko itong word na “paldo” ay more on high risk investment sa crypto. Nakakatuwa lang makita na ginamit ito sa airdrop service since dito talaga dedicated itong word na ito.
Yes, pero ginagamit rin sa airdrops; and karamihan ng airdrops, hindi "high risk" ang pag LP kasi pag pinili mo ung tamang platform, sobrang alanganin na ma-rug pull ka. Of course, anjan lagi ang exploit risk so i-manage ng tama ang pera. Wag ung all in ng all in sa plataporma.
Ang nakakatakot lang dito ay hindi pa natin alam kung trusted ba talaga si OP dahil newbie lang sya at maaaring may sumingit na scam link sa mga airdrop na ito if ever na maging hudas si OP sa atin.
Kahit ako man o sino ung may ari ng site, always verify!
So far maganda naman ang starting nya naka copper account sya, may second thoughts ako sa mga airdrops kasi ang dami dyan rug pulls, scams at hackers kaya sana i check at i verify na mabuti ni OP ang mga airdrops na ililista nya na safe ito kasi pag nagkaroon ng bad reports mabilis and community na mag tag at masasayang lang ang pagod mo pag na report ang platform mo.
Ok ang pangalan ng domain paldo ibig sabihin malaking kita sana nga yun ang reflection ng site nya.
I have been doing crypto for a living since 2016.
So yes sobrang pili ung nilalagay ko para iwas rug pulls. As always, anjan ang exploit risk so manage your money well!
If you can really distinguish or at least sort yung medjo hindi sketchy na project airdrops oks yan. Sa gustong mag based ng airdrops nila sa site or tg channel/group ni OP, make sure to make proper research din para walang sisihan lol.
Yes sobrang pili lang talaga kaya kokonti ung bilang sa Paldo.io compared sa ibang sites gaya ng airdrops.io.
But always, doublecheck!
Bka ito yung nakikita ko sa facebook na nag AMA at nagseseminar ng airdrops. Hahaha.
Magandang idea ito dahil sobrang dami ng airdrop sa crypto tapos andami na din mga scammer na nagpapasa ng scam link. Sana may introduction sa mga project involved sa airdrop para madali malaman kung trusted talaga kagaya nalang kung backed ba yung project ng malaking company para mag provide ng liquidity sa token.
Ung P3000 na ticket? Hahaha not me!