Bitcoin Forum
May 25, 2024, 09:01:34 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 453 454 455 456 457 458 459 460 461 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 [503] 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 ... 694 »
10041  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 09, 2020, 10:10:10 PM
Totoo yan. Hindi lahat nagchecheck.
Pero aminin natin na gamit na gamit na si Coins.ph pag dating sa bayaran ng bills.
Like me, 4 bills ang binabayaran ko  buwan buwan.
Kailangan ko yung resibo nito, at yun at sa e-mail makukuha kaya dun ako nagchecheck.
Ang mga madadali naman thru e-mail phishing is yung mga nagbabayad ng bill. Meaning, may perang laman ang accounts nila.

Nakita ko yung isa pang notification na warning sa desktop mode ng coins.ph. nakahambalang agad siya sa lower right side ng screen kasi.  Grin
Sana lang wag na maulit to. I-trace agad nila pano ito nangyari. Baka mamaya inside job na.
Maganda rin kapag naka desktop mode, may ganyang feature pala honestly di ko alam yung ganyan. Kahit may mga perang laman yung mga accounts basta naka-on yung feature ng 2FA, walang dapat problemahin.

bro maiba ako, so pwedeng makakuha ng receipt sa mga bills na binabayadan pero need pang irequest o automatic na nasa email na yon? Yan lang kasi inaantay ko para makapag start din ako kahit papano ng bills payment ko kahit sa mga tropa ko lang dito atleast makakpag provide ako ng resibo.
Meron bro, automatic nasa email.
Ganito yung title niya sa email "We have successfully processed your bill payment".

Di yan ang ibig kong sabihin bro. Di ko rin pinapansin yang email na yan.

Ang ibig kong sabihin may email authorization by default kapag nag-login sa ibang device or much better IP. So kahit di man pala-check ng email, talagang mappwersa sila na mag-open ng email. Kinalkal ko na ang coins.ph settings pero walang option para idisable yan so meaning default yan.
Ang oo parang sa mga ibang wallets at exchanges din may ganyang feature, sana nga ilagay nila yung ganyan.
10042  Local / Pilipinas / Re: Bullish time? on: January 09, 2020, 08:28:25 PM
this time nakasisiguro na tayo ng pump sa maniwala kayo o sa hindi mag bag na Smiley
Nakaready na ako.  Grin
Pero hindi pa rin ako pakasiguro na ito na talaga yun. Alam natin may halving at iba pang mga kilalang upgrade para sa ibang coin pero hangga't maari lang ready na rin kung sakali mang pumalo ulit pataas. May pang long term hold at meron ding mga ready to sell na bitcoin na.

No matter what dapat handa tayo sa lahat ng bagay, maraming mga naghohold nagsasabi syempre puro positive na this year is magiging bull run na, marami din namang mga hindi pa nakabili ng marami ang magccreate ng FUD saying hindi pa time, lalong bababa daw ang Bitcoin, nasa sa atin na yon, dapat ready tayo anytime.
Oo may mga tao na negative pa rin syempre at hindi mawawala yun. Pero nasa sayo naman yan kung saan ka papanig basta ang akin lang, nakalipas na ang dalawang taon na unang taon (2018) ay literal na down talaga tapos yung pangalawang taon (2019) nagkaroon ng magandang performance at medyo nakabawi bawi pero bumaba din sa bandang huli. Kaya ngayon nagiging positive ang marami kasi ang logic lang ay hindi laging ups at tayo ay papunta na sa pataas pero tama ka, maging handa sa lahat ng bagay at anomang mangyayari.
10043  Local / Pilipinas / Re: Bullish time? on: January 09, 2020, 04:50:46 AM
this time nakasisiguro na tayo ng pump sa maniwala kayo o sa hindi mag bag na Smiley
Nakaready na ako.  Grin
Pero hindi pa rin ako pakasiguro na ito na talaga yun. Alam natin may halving at iba pang mga kilalang upgrade para sa ibang coin pero hangga't maari lang ready na rin kung sakali mang pumalo ulit pataas. May pang long term hold at meron ding mga ready to sell na bitcoin na.
10044  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 09, 2020, 02:55:34 AM
Pero ang pinagtataka ko lang, di ba kapag mag-sesend ng BTC or any funds sa external crypto address, need ng authentication sa mobile number ni owner? Paano kaya na-breached ng mga hackers un. Talaga nga naman kung sino pa gifted sa ganyang knowledge sa mali pa ginamit.
Hindi ko sigurado ito pero sa akin walang notification. Marami rin sa kanila kasi ang hindi naka activate ang 2FA kaya naging madali sa hacker na makuha yung funds nila. Kumbaga higop agad at parang may bot script na ginamit yung hacker kaya yung isang kababayan natin na nagpost na nabiktima siya, hindi kasi nakaactivate yung 2FA kaya naging mas madali sa hacker ang lahat. Sana matrack yung mga hackers pero dahil nga isa ang anonymity sa feature ng crypto, maliit ang chance.

Walang notification bro bale authorization. Everytime kasi na magsesend ako sa external address need ng code sa number. Pero iyon nga, sa case nung sinabi niyong user nakadisable 2FA kasi nasira phone.

Pero sa pagkakaalam ko, if ilogin ang coins.ph sa ibang device need pa rin ng authorization sa email.
Sa email nakakatanggap ako kapag naglo-login ako sa ibang device pero hindi naman siguro ganun kaagad nilang mano-notice yun lalo na kapag sa mismong app at phone lang lagi sila. Hindi din lahat ng mga user ay pala check ng mga email address nila.
10045  Local / Pamilihan / Re: Muling bisitahin ang mga exchange hacks noong 2019 on: January 08, 2020, 11:53:33 PM
Kung meron dito ang mahilig pa magtago ng kanyang crypto assets sa mga custodial wallets kagaya ng coinsph, malamang meron din mga taong ginagawang parang bangko ang mga palitan. Marami ng paalala ang mga naisulat dito sa forum pero mukhang hindi pa din talaga sapat. Marami sa atin ang natututo lamang kapag tayo na mismo ang nabiktima.

Mapa-big exchange man o mga small at medium, laging tandaan na no system is safe. Kahit pa mag-updgrade ng mga security system ang mga palitan, nag-uupgrade din ang mga hackers.
Ganitong ganito ako dati, dahil nga naging BSP certified at licensed ang Coins.ph mas lalong lumakas ang loob ko magtiwala sa kanila at itago lang dati doon yung hinohold ko. Kaso nung magsimula ng magkaroon ng mga balita tungkol sa mga hacking ng mga iba't-ibang mga exchanges, doon na ako nagsimula mag-alala kaya yung maliit na halaga para ma-invest mo para sa isang hardware wallet para maprotektahan yung assets mo ay sulit naman. Kung wala namang pambili, meron dyang mga desktop wallets na safe naman basta itago lang ang private keys o ang tinatawag na seed.
Grabe yung stats na yan pang 2019 pa lang yan di pa kasama yung mga nakaraan na mas malalaki din.
10046  Local / Pamilihan / Re: Binance Charity donates $1million to Australia Bushfire Incident. on: January 08, 2020, 10:14:50 PM
Nice isang magandang initiative para sa sikat na exchange sa buong mundo. Sa gagawin niyang yan hindi lang pagtulong ang mangyayari pati na rin yung magandang imahe ng bitcoin at iba pang mga cryptocurrencies ay pwedeng mabago sa paningin at pag intindi nung mga tao na ang crypto ay para lang sa masama. Meron din akong nakikitang mga fund raising sa facebook yung isa 4 billion pesos na ata ang inabot converted in peso tapos si Senator Manny Pacquiao din merong campaign.
10047  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 08, 2020, 08:58:14 PM
Pero ang pinagtataka ko lang, di ba kapag mag-sesend ng BTC or any funds sa external crypto address, need ng authentication sa mobile number ni owner? Paano kaya na-breached ng mga hackers un. Talaga nga naman kung sino pa gifted sa ganyang knowledge sa mali pa ginamit.
Hindi ko sigurado ito pero sa akin walang notification. Marami rin sa kanila kasi ang hindi naka activate ang 2FA kaya naging madali sa hacker na makuha yung funds nila. Kumbaga higop agad at parang may bot script na ginamit yung hacker kaya yung isang kababayan natin na nagpost na nabiktima siya, hindi kasi nakaactivate yung 2FA kaya naging mas madali sa hacker ang lahat. Sana matrack yung mga hackers pero dahil nga isa ang anonymity sa feature ng crypto, maliit ang chance.

Tama. Yung nagpost sa local pinadisable niya yung 2FA niya dahil nasira yung phone, nasaktuhan pa na nakarecieve siya ng phishing message. Lesson talaga dito, huwag natin pabayaan na walang 2FA ang mga account natin, kahit saglit lang. Hindi natin alam kung kailan aatake ang mga hacker at dahil sa bilis ng mga bot ngayon, hindi na tayo makakareact kapag may nagtangka sa account natin.
Maging mapagmasid na rin kasi kapag di ka alerto tapos nakita mo naman yung link, wag agad agad maniwala. Hindi natin sila masisisi kasi nga yung text message source ay "Coins.ph" din, naipaliwanag ko na pwedeng premium number ang ginamit nila at kinopy lang yung name na pwede nilang ipangalan as a source. At sa 2fa naman, wag nalang din katamaran yun at pwede din naman iback up yung 2FA mo kung sakaling mawala yung phone, nasa google naman din yung tutorial nun.
10048  Local / Pamilihan / Re: 💰💰💰 Tips Para Mapababa ang ating BTC Transfer/Withdrawal Fee 💰💰💰 on: January 08, 2020, 02:04:15 AM
Ano ba ang  preferred  Wink local wallet mo?

Coinsph services ang paguusapan, naku malaki ang lamang niya sa Abra at marahil sa iba pang existing local exchange, pero kung sa practicality naman, I will go to ABRA dahil unang-una mas marami itong supported na coin, mas mataas ang palitan at mababa ang spread unlike coins. Yan ay sa akin lang naman.  Cheesy Cheesy  Cheesy
Hindi ko pa nagagamit ang Abra pero pagkakaalam ko nagbibigay sila ng private key sa mismong wallet mo kaya kung security lang ang pag uusapan mas maganda ang Abra kasi pinoprovide nila yun sa mga users nila yung dapat sa atin pero kung sa Services naman, walang tatalo kay coins.ph kaya kahit nagagandahan ako kay Abra, Coins.ph pa rin.
(https://support.abra.com/hc/en-us/articles/115003160368-Who-has-control-of-my-private-key-)
10049  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 08, 2020, 01:08:22 AM
Pero ang pinagtataka ko lang, di ba kapag mag-sesend ng BTC or any funds sa external crypto address, need ng authentication sa mobile number ni owner? Paano kaya na-breached ng mga hackers un. Talaga nga naman kung sino pa gifted sa ganyang knowledge sa mali pa ginamit.
Hindi ko sigurado ito pero sa akin walang notification. Marami rin sa kanila kasi ang hindi naka activate ang 2FA kaya naging madali sa hacker na makuha yung funds nila. Kumbaga higop agad at parang may bot script na ginamit yung hacker kaya yung isang kababayan natin na nagpost na nabiktima siya, hindi kasi nakaactivate yung 2FA kaya naging mas madali sa hacker ang lahat. Sana matrack yung mga hackers pero dahil nga isa ang anonymity sa feature ng crypto, maliit ang chance.
10050  Local / Pamilihan / Re: Looking for CC or DEBIT CARD Holder on: January 07, 2020, 11:50:29 PM
Ingat lang, ang ating mga credit cards o debit cards ay para sa personal use lamang. Tungkol ata ito sa paglalaba** ng pera, ingat lang sa mga magiging interesado.
10051  Local / Pilipinas / Re: Siguruhing nakakaiwas sa pag-aksaya ng BTC sa sobrang taas na bayad (fee) on: January 07, 2020, 10:32:16 PM
Share ko lang diskarte ko, di kasi maiiwasan na may mga exchange at 3rd party wallet na sobrang laki ng transfer/withdrawal fee kaya naman kung di ka gagawa ng hakbang ay sayang din at malaking halaga yung ibabayad natin dito, for example na lang sa Yobit ang withdrawal fee sa kanila kapag btc ang iwiwithdraw mo ay 0.0012BTC na lubhang napakataas, kaya naghanap ako ng ibang alternative ang isa nga dito ay pag-exchange ngbtc ko from yobit to XRP, bakit XRP? dahil mas mababa ang trabsfer/withdrawal fee nito kaysa ibang coin.
Mahal talaga kapag bitcoin ang direktang gagamitin mo na pang withdraw sa kanila. Kaya ang maganda hanap ka ng ibang altcoin na hamak mas mura ang fee. Isa na yang XRP at meron ding ibang mga altcoin na pwede mong I-trade yung kinita mo para mas makatipid ka sa withdrawal fee. Isa din naman kasi yan sa pinagkakakitaan nila para makabawi din sila sa laki ng gastos nila sa marketing nila.

Kung hindi naman kailangan na BTC ang ibabayad o gagamitin sa transaction mas mabuting gumamit na lamang ng altcoins. Napakaraming altcoins dyan na mababa ang fee at mas mabilis pa ang confirmation. Pwede kang gumamit ng XRP o kaya LTC o ETH.
Tama, pwede rin dogecoin na mura lang din ang fee.
10052  Local / Others (Pilipinas) / Re: [Off-Topics] Pilipinas on: January 07, 2020, 09:20:55 PM
Good thing mabait ang may ari nakakaunawa naman sya sa kalagayan ng buhay ng pinsan ko. Hindi nya minamadali, tutal nagastusan nya na ang kotse nya na ng 10k daw for biffing at detailing (hindi ko alam kung anong proseso ito at hindi pa rin nakuha yung mark ng pako dahil malalim daw kaya para totally mawala car repaint na ang option).

Ang sabi ng may ari ok na daw yun wag na sisihin ang bata tulungan na lang daw sya sa paayos, naguguluhan yung pinsan ko kung ang tinutukoy ba ay yung 10k na nagastos nya na o may balak pa ipa repaint.
Payuhan mo nalang yung pinsan mo na lahat ng dapat asikasuhin sa sasakyan na yun ay sagutin na niya para walang gulo at ingay yung may ari ng sasakyan. Swerte at mabait pa yung may ari dahil hindi siya minamadal, wag na siya maguluhan. Kung ano yung responsibilidad na meron siya sa anak niya at ginawa ng anak niya sa sasakyan, bayaran niya ng pakonti konti para hindi rin sumama loob ng may ari at hindi siya magkaroon ng kaalitan o kasamaan ng loob ng dahil sa nangyari.

Ano masasabi nyo dito mga kababayan? 

Isang malakawakang sunog ngayon sa Australia dahil sa bushfire ang nagaganap mula hunyo magpasahanggang ngayon (June 2019 -20 ongoing)  at nag resulta ito sa pagkamatay ng ilang tao at halos milyong iba't ibang klaseng hayop,  nag buhos naman ng tulong ang ibat ibang bansa para dito at isa na dito ang babaeng modelo sa Australia ang mag bibigay ng kanyang nudes na katawan upang makalikom ng donasyon.  Ano ang masasabi nyo dito mga kabyaban?  Ito ba ay tama o napilitan lang siya upang makatulong.

https://www.google.com.ph/amp/s/www.rollingstone.com/culture/culture-news/nudes-nsfw-photos-australia-fire-relief-934119/amp/
Yung huling rinig ko half billion na ang apektado na mga hayop at namatay. Nung narinig ko yun at tinignan ko mapa ng Australia sa google maps, sobrang laki nga talaga ng sunog. At ngayon ko lang nalaman na simula June last year yung apoy at tungkol naman sa babae na yan, malaki yung nalikom niya. May kanya kanya tayong paraan ng pagtulong at kung yan ang naisip niya, as long as hindi siya nakatapak ng tao o nakasakit ng iba, ayos lang para sa akin.
10053  Local / Others (Pilipinas) / Re: [Off-Topics] Pilipinas on: January 07, 2020, 06:24:46 AM
Para mabalik sa dati need daw ipa repaint yung buong car pero wala naman sinabi na ganun gagawin nya. Nasa magkano ba yun kung sakali?
Nangyari na yung ganyan sa akin pero hindi ko sasakyan at ako yung nakaguhit. Ang maganda naman dahil kahit hindi ko close yung tito ko na yun ako na mismo ang nag-alok na ipagawa yun at ako ang gagastos. Kung susumahin umabot ng mga 6k ang binigay niyang estimation sa akin, kesa sa akin manggaling kung magkano yung halaga para wala nalang gulo at away. Siya na mismo pinaestimate ko at pinapunta sa pagawaan para malaman kung magkano ang aabutin at nasa kanya na yun kung dadayain niya ako. So far naging okay naman kami basta tumupad lang ako sa usapan at binigay ko yung halaga na sinabi niya. Nasa pag uusap lang din at kapag mabait yung nakausap mo parang wala lang din naman, punta nalang kayo sa mga auto detail para maestimate yan.
10054  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Mcaffee ngbackout sa kanyang prediction Monero at piratang coin daw maganda on: January 07, 2020, 03:26:17 AM
Tungkol sa Monero, maganda naman talaga ang coin na yan para sa privacy purpose at narinig ko na yan naendorse niya sa isang interview dati pero balik tayo sa prediction niya. Naninigurado na rin siya kung sakali mang mali ang prediction niya na sa totoo lang napakalabo kung titignan natin yung presyo ng bitcoin ngayon. Ang daming umasa sa prediction niya pero mas marami namang umasa sa pangako niya on Live TV pero marami na rin nag expect na aatras siya. Di ba tumakbo pa nga siyang presidente na nag aim siya ng related sa bitcoin pero bigo rin. Purong atensyon nalang talaga ang ginagawa niya.
10055  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: energi po ba ay profitable? on: January 06, 2020, 11:43:58 PM
Di ba ang masternode ang nagrerequire ng VPS at staking ang hindi? ayos din pala itong coin na ito, dalawa ang pwede sa kanya. 1 nrg ang minimum para sa staking.

Pwede ka naman magsetup ng wallet through vps.  Yung wallet na isesetup mo dyan 24/7 online at ibig sabihin yan nakasync siya sa network at kung amg NRG wallet mo na gamit dun ay may laman, automatic magmimint siya para magstake.  Ang pagkakaiba lang ng masternode ay mas malaki ang kailangan mong NRG coins sa wallet unlike kung staking lang ang habol mo.
Okay.
Salamat sa clarification mukhang isa to sa mga mura na pwedeng I-stake. Meron ka din ba nitong coin at currently may MN ka o stake?
10056  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: ETH - 4TH QUARTER PRICE PREDICTION [GAME] on: January 06, 2020, 10:10:57 PM
Unfortunately, but I don't live in the Philippines and the cost of sending a prize (watch), would be too big. I decided to pass it on to another person in the competition - who lives in the Philippines. Enjoy!

Thank you for the opportunity to participate in this competition!
It looks like I'm lucky, but unfortunately I don't live in Asia either. Next in the queue is probably @ Kupid002 ..? It looks like you're lucky bro! Smiley
Waaah, you guys are too kind. Everybody wants to have that watch but it looks like it's really for kupid.  Grin
Mukhang ang dami palang nangyayari dito sa pag claim. Napaka-swerte mo kupid, sana all.

By the way, congratulations sa mga nanalo,, may first quarter prediction contest ba tayo this year?
Sana magkaroon ulit at maraming sasali niyan baka magkaroon pa ulit ng mga sponsors.
10057  Local / Others (Pilipinas) / Re: Maharlika Money on: January 06, 2020, 09:04:43 PM
Walang epekto yan sa ekonomiya natin at napanood ko na din yung video sa youtube channel ng GMA. Ang nakakuha ng attention ko ang sabi ng spokesperson, "we have unlimited source". Dito pa lang sablay na siya, hindi niya ba alam na ang resources sa mundo ay limited lang? kung unlimited yung source nila, malamang print lang sila ng print kahit wala naman talagang value yung pera nila. Nakakaawa lang yung mga kababayan natin na umaasa na mapapalitan yung pera nila, scam nga siya kasi may membership pala yan hindi lang nabanggit sa video. Ang lakas ng loob niyang manawagan sa NBI at FBI para imbestigahan sila, sa mayors office pa nga lang di na sila papasa.
10058  Local / Pamilihan / Re: How I Got Tricked and Lost all my Cryptos stored in Coins.ph on: January 06, 2020, 09:39:36 AM
ang concern ko lang dito kung bakit na-insert ng scammer ang text message nila sa coins.ph number. Kung posible pala tong mangyari, pwede na rin pala tong mangyari sa ibang online platform like gcash or paymaya.
Na comment ko na yung ganito.

Hindi bro. Galing talaga mismo sa mga phishers yung number, hindi ko alam pano nila naregister yung premium number into "Coins.ph" pero alam ko pwede naman talaga gawin yun. Ang tanong lang paano nakalusot yun sa mga providers(smart, globe at NTC na din) di ba? hindi nila namonitor yung ganun. Kahit hindi galing mismo kay coins.ph ang number, meron lang silang ginawa niyan para maregister yung "premium number" at pangalanan ng Coins.ph. Hindi ko masyado marecall yung mismong proseso niyan kasi wala ako sa communications industry pero ganyan yung nabasa ko. Tingin ko nag data mining sila para makapagsave ng mga numbers ng coins.ph users lang. Hindi ko alam pano nila nagawa yun pero may paraan kasi para malaman kung sino ang mga coins.ph user lalo na sa social media yung mga giveaway-giveaway tapos require lang nila mag sign up ng number.
10059  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 06, 2020, 06:31:31 AM
Minsan nga ganyan din sa akin kabayan na kapah direct promo or nakagosurf na yung pinapaload ko sa kanila binabalik nila yung pera ko sa peso wallet siguro nga need ng regular load para pumasok pero bihira lang naman nangyari sa akin yan kaya siguro paminsan minsan lang yan nangyayari ewan ko kay kabayan ano ang naging problem pagdating diyan.
Sa akin kapag desktop browser ako umaaccess sa coins tapos naglo-load ako, walang problema basta regular load lang. Tapos ako na din mismong ang magreregister sa mga promo na gusto ko kapag mag-out of town ako.

For status ng service nila, I suggest check their status page - https://status.coins.ph
Ang nakalagay sa Globe at TM "Degraded Performance".
10060  Local / Pamilihan / Re: Bakit magandang gamitin ang coinsph at bakit ang laking tulong nito sa atin on: January 06, 2020, 01:20:01 AM
Sino dito nag-aabang na makita si COINS.PH sa payment method ni SM , Puregold at marami pang naglalakihang business sa Pilipinas?
Madalas ko makita ang Paymaya at GCASH sa mga counter at hindi imposible na susunod na dito ang COINS.PH.

*** Pinakagusto ko talaga dito yung 5 pesos per unique bill tapos pag naka 5x ka in a week meron kang +100 php
*** yung load rebate system tinalo pa yung mga loading wallet/sim card sa tubo, tapos yung mga promo nila na makakakuha ka ng FREE GAME LOAD (rebate parin 100%)
Hindi natin masasabi pero pwedeng dumating yang panahon na yan kasi millions naman ang user ni coins.ph kaya pwede siyang I-consider ng SM malls at iba pang naglalakihang mall sa bansa. Yung Paymaya nga parang saglit na panahon narecognize agad sila ng mga malls na yan at iba pang mga establishments kaya hindi malabo na balang araw makita na rin na yung PHP wallet ng mga naglalakihang business na yan ay may naka attach na coins.ph at sana dumating yung araw na yun na maging partners sila.
Basta wag lang mapupulitika ang Coins.ph malayo mararating nito sa bansa natin lalo na ung mga pangunahing pangangailangan natin. Sana dumating yung panahon na smartphone na lang yung ibabayad natin wala ng bitbitan ng malaking cash or ATM's. Madami na ring mga digital system kaya malamang sa malamang marerecognize na rin si Coins.
Anong pamumulita ba ang nakikita mo na pwedeng gawin ng coins.ph? Wala naman akong nakikita na ganung issue sa kanila at kung tutuusin kahit ang laki na ng user base nila parang low key parin sila kasi sa social media lang sila nag-advertise paano pa kaya kung pati national TV.
Baka plano na rin nila yang mga ATM na yan para integrated na halos at kahit saan na pumunta ang mga users nila sa Manila o kaya sa mga designated areas na paglalagyan nila, madaling makapag withdraw o convert sa anomang currency na gusto natin.
Pages: « 1 ... 453 454 455 456 457 458 459 460 461 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 [503] 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 ... 694 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!