Bitcoin Forum
May 26, 2024, 07:14:15 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 455 456 457 458 459 460 461 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 [505] 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 ... 694 »
10081  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin price movement tracking & discussion on: January 01, 2020, 10:12:54 AM
Naku basta sa akin kabayam kahit anong price niya sa halving basta 5 digits okay na sa akin yun pero kung magbabalik siya ng almost $20,000 mas lalong mas maganda kung yan ang mangyayari dahil panigurado naman talaga na marami ang may gusto ng ganyan pero dahil may few months bago malaman kung ang halving nga ba ay makakaktulong sa pagtaas ng bitcoin kaya hintay na lang muna tayo.
Ako din basta 5 digits o $10,000 na pinaka mababang price niya, ok na ok na ako. Ayaw ko na muna asahan na aabot agad agad ng $20,000 basta mga ilang buwan pagtapos ng halving o di kaya sa 2021 baka masurpresa tayo sa taas ng bitcoin. Basta may plano na ako na maghold ng kahit isang bitcoin lang ng mga ilang taon.
10082  Local / Pamilihan / Re: List of Crypto Exchanges under CEZA- Philippine License on: January 01, 2020, 09:12:22 AM
Di ba ang Ceza sa Cagayan yan? ang dami na palang registered at licensed kaso exchange ba talaga yang mga yan bakit parang kulang sa announcement ang ginagawa ng ceza? Check ko mamaya yung website nila, nakamobile kasi ako eh. Ano kaya pinagkaiba ng principal sa regular license. Parang pamilyar lang ako sa okcoin
10083  Local / Pamilihan / Re: Merit Giveaway- (2020) improvement/changes on: January 01, 2020, 02:13:46 AM
Happy New year! sa inyo mga sir at sa mga tao dito sa Pilipinas forum  Smiley Smiley

Siguro ang pinakamalaking pagkakamali ko dito sa cryptocurrency ang noong umaabot ng 1 million ang presyo ng bitcoin sa market naaalala ko pa madali lang kumita lalo na sa mga ICO na signature campaign kapag sumasahod madalas 10k up ang sagot sa isang camapaign lahat at ayon nga medjo swenerte ako sa campaign at nakasahod ng 100k sa isang campaign,dahil na rin sa tumataas ng tumataas ang presyo ng bitcoin at hindi ito humihinto sa pagtaas hinold ko lang ang bitcoin ko at umasang tataas pa lalo ang presyo ng bitcoin lagpas ng 1million dahil sa greed din siguro kaya hindi ko ito agad binenta.
Ang yon AHAHAHA di nagtagal bumababa ang presyo at naging 60k na lamang ang 100k ko dahil na rin sa takot pa na bumaba pa ang presyo binenta ko na ito at napakalaki ng nawala saken na 40k. Cry Cry

Mahirap din talagang mapredict kung hinold ko din naman ng sobrang tagal ehh mababa din ang babagsakan at hindi wort it and time na paghihintay kaya minsan dapat maging kontento na tayo Grin Grin

Pareho tayo ng naging case.  Dahil sa paghahangad na tumaas pa ang value ng hawak na token, sa halip na ibenta ay hinold ito hanggang sa bumagsak ang presyo.  Buti nga sayo nasa 40% lang ang nawala.  Sa akin halos 90% ang nawala sa value ng token na hawak ko.   Mahirap din kasing malaman kung ano ba talaga ang gagawin. Minsan nabebenta natin ng maaga, minsan huli naman pero tama ka na maging kuntento tayo kung ang hawak na token natin ay tubo na kapag binenta.

Happy new year muna sa lahat.
Ganito din ang pagkakamali ko nung medyo mataas pa yung bitcoin at ethereum. Halos parehas na experience din sa iba, nakakadismaya at mahigit dalawang taon ko  na din itong dinadamdam yung panghihinayang kasi nga mas naging sakim ako nun at akala ko tuloy tuloy pa na tataas.Kaso bandang huli, unti unti ng bumagsak at ang sakit sa damdamin na nahuli ka na sa pagbenta kasi nga hindi naging kuntento. Ngayon,yung pag uugaling ganun ang dapat kong baguhin sa aking sarili at malaking lesson ang naibigay at tama si asuspawer, dapat makuntento na at yan ang aking gagawin.
10084  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Gaano kalaki ang parte ng Kumunidad para magtagumpay ang isang Project on: December 31, 2019, 11:52:46 PM
Kung sa airdrops lang, marami at marami paring tatangkilik dyan may kwenta man o wala yung project kasi nga libreng pera lang. At kapag mas malakas ang hatak sa community at mas pinag uusapan, mas malaki ang nagiging potential ng isang project. Malaki ang role ng isang community sa isang project kasi kung wala tayo, sino gagamit at tatangkilik ng mga produkto nila? ang karaniwang tingin nila sa atin ay mga investor.
10085  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: ETH - 4TH QUARTER PRICE PREDICTION [GAME] on: December 31, 2019, 09:50:14 PM
Mula nung ginawa tong prediction game di man lng sumagi sa 200$ si eth tapos ang layo layo pa sa prediction which is 310$ hahaha. Ung mga mananalo pwede balato kahit pambili lng ng diamonds.
Mas lalo naman yung akin? haha pero ok lang kasinang gusto lang naman natin talaga makitang tumaas presyo ni bitcoin pero yun nga lang hindi masyadong tumaas eh, ganyan talaga baka ngayong 2020 maging okay na.
Salamat kay samcrypto sa pag organize nito kahit hindi ako pinalad, nag enjoy naman. Ganun din sa mga donators dyan at sa mananalo mukhang si muffin master na nga. Congrats sayo kabayan.
10086  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo! on: December 31, 2019, 04:08:31 AM
Oo fishy nga, baka bait lang ng casino para mag pull in ng mga bagong players sa casino nila, tas merong talagang mga tao na mag spam ng kanilang referral code sa facebook or sa mga other social media.

Ako kung kumikita ako ng ganyan invest ko lahat ng pera while keeping the same lifestyle para maka retiro ng maaga, i will do FIRE.
Ganyan din gagawin ko syempre, safety first kasi hindi naman habambuhay na ganyan kalaki ang kita maliban nalang kung mala Henry Sy na ang mga business mo di ba. Maraming kulang na detalye tungkol sa sinasabi niya at kung tama ang ating hula na affiliate lang lahat yun, napakaswerte ng tao na yun kung merong whale na nag sign up under ng referral niya. Kasi sa panahon ngayon ang hirap na ng ganun pero baka hardcore gambler din kaya umaabot ng ganung halaga. Sana linawin naman niya kung magreply siya dito.
10087  Local / Pilipinas / Re: "Development" and "Improvement" of the Society: Discussion about Blockchain. on: December 31, 2019, 02:20:53 AM
Active talaga ang buong team Nem Ph sa mga seminars at sa mga universities. Naka attend din ako ng isang seminar nila kaso nga lang lately ngayong taon parang naging passive na ang org kasi hati na din oras ni sir Emerson kasi may paylance na din siya at late na information ko ay parang may negotiation ata sila sa Dost about blockchain kaya sana magtuloy tuloy lang succeas ng crypto, bitcoin at blockchain at bansa natin at itong mga taong ito, masasabi ko na ang laking ambag ang ginagawa nila.
10088  Local / Pamilihan / Re: Stock market: P127B lost after Duterte hits water firms on: December 30, 2019, 11:02:40 PM
May bagong sinabi si Pangulo kahapon na syndicated estafa ang ikakaso nya kina Ayala at Pangilinan.
Expect na ng mga stock market traders na baka mas bumagsak pa yan. Kawawa yung mga naipit at bumili bago pa yung issue.
10089  Local / Pilipinas / Re: Your biggest achievement in 2019 with BITCOIN! on: December 30, 2019, 09:51:44 PM
Congratulations sam at iba pa na mga kababayan natin na natupad ang mga pangarap dahil kay bitcoin. Masaya ako dahil nakikita ko ang na achieve ng iba at mas lalo pa akong magsisikap para na rin sa pamilya ko.Sa akin naman simple lang, yung mga obligasyon na monthly bills ako kasi ang sagot at sa awa ng Diyos nakakatulong nadin naman sa mga magulang. Pangarap ko din makapagtravel sa ibang bansa pero unahin ko muna sa Pinas at ang una kong napuntahan kasama ang aking mga kapatid at pinsan ay ang Baguio. Gusto ko ulit bumalik doon kasama naman ang mga magulang para makapasyal naman din sila, syempre sagot ko na iyon para unforgettable experience sa kanila. Siguro madadagdagan yang plano na yan kapag mas tumaas pa bitcoin.
10090  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: ETH - 4TH QUARTER PRICE PREDICTION [GAME] on: December 30, 2019, 09:22:50 AM
Guys isang araw nalang at tapos na itong palaro ni op at mukhang si btcgold o muffinmaster ang possibleng manalo o di kaya si kupid002 kung sakaling pumalo pataas.

 
Kupid002                   $150.00
BTCGOLD                  $140.00
MuffinMaster              $130.00
10091  Local / Others (Pilipinas) / Re: Facebook Messages roaming around this Christmas and new year Beware on: December 30, 2019, 07:22:40 AM
May nagsend din sakin nyan mga kakilala ko at lahat sila hindi aware sa ganyang uri ng mga malware. Halata naman sa pangalan ng website na kahina hinala at nag uutos pa na iclick. Halatang may masama talagang plano, kung sino man gumawa nyan ang dami ng nabiktima kasi ang bilis kumalat. Marami talagang mga kababayan natin ang hindi pa aware sa ganitong uri ng mga virus.
10092  Local / Pamilihan / Re: Give Back to Community Raffle (Christmas/New Year) on: December 30, 2019, 04:04:08 AM
Bitcointalk Username: blockman
Napiling number: 27
Christmas and New years message to everyone: Sana mas maging maganda at masagana ang pasok ng bagong taon sa atin. Maayos na kalusugan sa ating mga pamilya at sana tumaas na ulit ang bitcoin at mga altcoins na hinohold ng lahat. Smiley Merry Christmas at Happy new year sa inyong lahat mga kababayan.
Bitcoin Address: tbd
10093  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: December 29, 2019, 11:35:40 PM
Maintenance nanaman pala ng Gcash sa coins, muntikan pa naman ako mag withdraw kanina buti nalang may natitira pa akong pera. naantala nanaman ang dapat sanang pag wiwithdraw ko. pero mabuti na rin yon para sa pagbalik ng Gcash sa coins, maramirami rin yung naipon ko sa wallet bago ma withdraw.
Nag withdraw ako sa coins to gcash kagabi at wala namang problema. Siguro naabutan ko na ayos na siya kaya smooth yung transaction ko.
Akala ko may problema din pero dahil unstable net ko kaya nag eerror pero ok na ok naman at nareceive ko na deposit sa bank.

edit: hindi lang 50K ang limit sa LBC per transaction yung 50K pero pwede ka mag cash-out ng ilang beses sa loob ng isang araw as long as kaya ng limit mo kay coins.PH
Tama kapag level 3 ka, 400k per day kaya walong transaction na 50k pwede.
10094  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo! on: December 29, 2019, 09:51:25 PM
madaming affiliate at malakas gumastos yung mga affiliate niya, mahirap pero hindi impossible, kung totoo ang swerte niya 500k, makaka retire kana yan while traveling alot while also investing, pero hindi sila forever mag bet, better to invest that money.
Ang kaso hindi niya naman napaliwanag maayos kung paano umabot sa ganung halaga. Malaki siya sa malaki at alam kong posible yan kaso nga lang kulang sa detalye at bago palang din pala yang casino na yan kaya hindi pala natin masyadong alam yung existence niya noon.
Kahit sino naman na kumikita ng ganyang halaga kahit mga ilang buwan na tuloy tuloy tapos marunong ka humawak ng pera, mapapalago mo yan sa iba pang business.
10095  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo! on: December 29, 2019, 10:51:00 AM
Recommend ko lang ulit pnxbet.com (pinoy betting site affiliate program) try nyo lang mag chat sa live support nila

most affiliates dito kumikita na ng 500k a month. SERYOSO
Nalalakihan ako sa 500k monthly kasi nga bago palang sa pandinig namin yang casino na yan. Explain mo nga kung paano umaabot sa ganyang halaga kinikita nila monthly?
Purong affiliate lang ba ang ginagawa nila? Kasi mahirap na din maghanap ng referral ngayon at yung ganyang halaga dapat marami kang active at kung hindi man, dapat may whale kang naging referral.
10096  Local / Pilipinas / Re: Bull Run sa taong 2020 Magsisimula nga ba ? on: December 29, 2019, 09:13:49 AM
Halos masyadong tumagal na yong pag hihintay natin kung kailan kaya ang sinasabi nating bull run magsisimula at palagi nalang bagsak ang mga presyo ng bitcoin or ibang altcoins din na hold natin ng matagal.

Tanong ko lang sa taong 2020 kaya magsisimula ang hinintay natin na bull run or aabotin pa ito ng isang taon pa??
Maganda naman nangyari ngayong taon kabayan. Nakita naman din natin na lumagpas ng $13000 kaya masasabi ko na successful ang taong ito at hindi naman nasayang ang paghihintay ko. Yun nga lang mas tumataas ang expectation natin habang tumatagal tayo sa industriya kasi bumabase tayo sa pattern ng market at ang nakatatak sa atin ay agad agad na makakabawi galing sa pagkabagsak. Kung bull trap man ang nangyari dapat prepare nalang tayo sa mga posibleng scenario sa 2020. Meron tayong halving at madaming umaasa na ito na ang taon para sa mas mataas na ath pero ang masasabi ko, hinay hinay pa din tayo at baka hindi pa rin ito ang taon na yun baka sa 2021 pa o onwards basta maging handa lang at wag mag expect masyado.
10097  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: ⚡⚡The First Digital Currency You Can Mine On Your Phone⚡⚡ on: December 29, 2019, 06:24:04 AM
May KYC pala sila, kailan ba yan implement? Nabasa ko yung sa description mo na hindi siya umiinit kasi yan rin yung nabasa ko dati sa mga review nung gusto ko itry magmina sa etn. Kung ganyan naman pala yang coin na yan tapos pwede iwan at ioff ang data, mas makakatipid kung nagre-rely ka sa data connection pero kung unli plan ka din naman, ayos din. Nababasa ko na ikaw ang kababayan namin dito na nakakadiskubre ng mga coin na pwedeng tumaas sa hinaharap tulad ng bitcoin 2. Wala din naman mawawala kung susubukan, oras lang puhunan at syempre power ng cellphone.

Tama ka paps, yung bitcoin 2 nga dati nilalait lang eh, kita mo nga ngayon kahit bumagsak na lahat ng alts pati bitcoin, pero si BTC2 stand still di bumaba price at tumaas pa. Yes paps proven na talaga, actually ang ETN maganda din naman kaya lang after few days ng sinubukan ko sa phone ko naisip ko na di worth it, dahil masisira agad ang phone gawa ng nagiinit siya tapos ginagamit niya halos lahat ng resources ng phone, malaki pagkakaiba ni Pi miner kesa sa etn. And we hope na maganda ang magiging outcome nito dahil napansin na agad siya ng mga tao, alam naman natin na kapag ang coin eh community base gumaganda ang future nito.
Nakita kong nag pump yung bitcoin2 dati, ngayong taon din yun diba at tiba tiba ka ata nun hehe.
Sayang nga at hindi ako bumili nung mababa palang siya. Sa ETN kasi gusto ko sana subukan kasi may mga stock akong android na di naman ginagamit at may nabasa akong pwede din sa PC kaso yun nga hindi daw worth it. Ilang smartphone pala ang ginagamit mong pang mina ngayon niyan?
10098  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: ⚡⚡The First Digital Currency You Can Mine On Your Phone⚡⚡ on: December 28, 2019, 11:59:08 PM
Pwede ka yan sa multiple android phones?
Marami kasing mga nakatambak na cellphone dito mga pagawa sa customer na hindi pa binabalikan b aka pwede kong lagyan muna ng miner para mag mina at kumita man lang kahit konti.?
Pwede yan paps kaya lang dapat different account, magkakaroon kasi sila ng cleansing s amga dummy account, at kapag naimplement ang KYC masasayang at buburahin ang mga suspected bot (dummy account sa system).
May KYC pala sila, kailan ba yan implement? Nabasa ko yung sa description mo na hindi siya umiinit kasi yan rin yung nabasa ko dati sa mga review nung gusto ko itry magmina sa etn. Kung ganyan naman pala yang coin na yan tapos pwede iwan at ioff ang data, mas makakatipid kung nagre-rely ka sa data connection pero kung unli plan ka din naman, ayos din. Nababasa ko na ikaw ang kababayan namin dito na nakakadiskubre ng mga coin na pwedeng tumaas sa hinaharap tulad ng bitcoin 2. Wala din naman mawawala kung susubukan, oras lang puhunan at syempre power ng cellphone.
10099  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: MANNY PACQUIAO PAC TOKEN - TRADING COMPETITION on: December 28, 2019, 09:16:51 PM
meldrio1, sikat ang Pac token, talagang wais lang mga investors ngayon at hindi na basta basta bumibili kahit na may sikat na involved. Hindi naman sa sinasabi nating tulad o magiging centra ang resulta niya pero natuto lang an karamihan sa mga investos. Merong mga bumili pero alam ng nakararami na mas mainam kung antayin nalang kung ano ang magiging progreso ng coin na yan. Alam ko inadvertise na yan ni senator kaso nga lang hindi ganun ka solid kasi iba ang focus nya.
Syempre hindi naman dapat maging basis yun para mag invest ang mga kababayan natin, syempre titignan muna nating mabuti yung iba't ibang detalye tungkol dito para makasiguro na worthy itong investment. Dapat makita ng mga tao yung totoong purpose ng coin at alamin kung makakapagbigay ito sa kanila ng mga magagandang opportunities, kilala naman na talaga ang pac token sadyang hindi lang siguro nakuha nito yung atensyon ng mga investors. Interesado din ako pero ayoko munang magpadala sa kahit ano o kahit sino, hindi ko minamaliit yung ability netong coin pero iniisip ko din kung paano ito makakatulong sa akin kaya gaya nung sinabi mo maghihintay muna ako.
Nasabi naman kung ano ang purpose ng coin ang kaso nga lang hindi lang yun ang gusto ng mga investors syempre di ba? Nagiging matalino ng karamihan sa ating mga investors at hindi na rin basta basta sumusugod at nagi-invest sa isang project kahit na sikat pa yan. Nagkakaroon na tayo ng kanya kanyang pamantayan para hindi na maulit pa yung mga hindi magandang experience natin sa mga nakaraang investment natin. Ang pinaka nakikita ko sa coin na ito kapag nagkaroon sya ng medyo malaking volume, yung katulad ng ibang coin na pwedeng itrade siya sa mga exchanges yun at yun mismo ang magiging opportunity.
10100  Local / Pamilihan / Re: What is etoro? on: December 28, 2019, 08:14:46 AM
Hindi pa ako nagsisimula sa crypto matagal ko ng napapansin ang etoro sa google ads ang attractive sa platform nila is yung copy trade pero hindi ko alam kung paano gumagana yun since hindi ko pa na try but I assume same risk parin at stake.
Ang risk sa copy trade malaki rin kasi hindi rin naman laging on profit yung pagkokopyahan mo. Kung may magandang share syang nakuha at nabenta para sa kita, parang ganun din ang mangyayari sayo pero depende yan sa laman ng account mo o investment mo sa mismong platform nila. Mas hassle ang platform nila, kung naiinis ka sa mga fees mas maganda kung magstay ka nalang sa crypto trading. Pero kung afford mo naman mag invest para lumawak din experience mo sa trading lalo na international stocks sila focus, magandang platform sila. Maraming mga traders dyan na may mga youtube channels, pwede mo isearch at tignan mga trades at videos nila na informative din.
Pages: « 1 ... 455 456 457 458 459 460 461 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 [505] 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 ... 694 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!