Bitcoin Forum
June 23, 2024, 05:00:12 PM *
News: Voting for pizza day contest
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 [545] 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 581 582 583 584 585 586 587 588 589 590 591 592 593 594 595 ... 696 »
10881  Local / Pamilihan / Re: Ang tatlong kinikilalang Major Bitcoin Platforms sa Pilipinas on: May 30, 2019, 10:26:04 AM
wow meron pala na iba pa bukod sa coins.ph ngayon ko lang nalaman maganda ang ganyan para merong option na pagpipilian.
Oo dati pa merong iba bukod sa coins.ph mas nangibabaw lang kasi ang coins.ph kasi active sila sa promotion. Pagkakaalala ko ang pinaka matibay nilang competitor dati ay yung mga exchange ng SCI, rebit at buybitcoin.ph. Ngayon andyan parin naman yang mga yan yun nga lang mas maraming feature kasi at service ang ibinibigay ni coins.ph sa mga user niya kaya mas naging kilala siya. Tingin ko mas nakilala si coins.ph dati kasi may kita ka kapag nakapag-refer ka sa kanila.
10882  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Rich List on: May 30, 2019, 08:58:07 AM
Asan kayo dyan?
Wala! haha.

Bittrex pa rin pala yung nasa top spot ng listahan na yan pero pagkakaalam ko parang 120k BTC din ata ang total ng Winklevoss twins. Sobrang dami nilang mga bitcoin yung iba dyan nabili nila nung mababa pa yung price at early miners. At yung iba naman galing na sa mismong business nila na exchange at mula sa fees at listings ng mga altcoins. Sana man lang kahit 1 BTC kaso wala eh, nakapagbenta na ng medyo maaga aga pa dati.
10883  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 30, 2019, 08:22:30 AM
OK I can do that. In your (or anybody else's) opinion, is LBC better than Palawan Pawnshop or M Lhullier?
For me definitely LBC is better than those two.

LBC has 'instant padala' which you can claim after you just requested for cash out just like the cebuana days.

While those two, they have condition that you need to request within their threshold time to claim it within the day by 6pm and if late the order is late, it can be claimed by next day. That condition is highlighted on their page.

Start trying LBC now and you will not regret.

You're right, it was a quick and painless experience. It took literally one second for the payment process to be completed (as compared to 1 hour how Cebuana used to be), and about 5 minutes to sign up once I got to the LBC branch in the mall. I was in and out in about 10 minutes. The coins.ph fee is also smaller than it was for Cebuana.

Thanks for the recommendation.
Walang anuman, sabi ko sayo e instant padala talaga siya at maganda gamitin ang LBC.
10884  Local / Pamilihan / Re: Philippine Bank RCBC to Issue Peso-backed Stable Coin on: May 25, 2019, 06:29:26 PM
tanong ko lang po, para saan ang stable backed pesos coin?
Parang USDT lang din, pang save ng value in peso. Parang ganito yan, kung gusto mo i-save ang value ng bitcoin mo into peso, gagamit ka ng stable coin na backed up ng peso tulad nitong sa RCBC at Unionbank. Pero sa ngayon wala pa yang mga yan at on the way pa lang.

meron po na ba tayong exchange na base dito sa Pilipinas?
Yup, marami na.

kung meron po sana po palink naman.
Coins.ph
Coins pro

para sakin dapat maparami ng mga bangko ang ATM with cryptocurrency.
Mas maganda maraming competition noh.
10885  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 25, 2019, 05:43:36 PM
Never used LBC yet, madalas ko lang ginagamit is gcash para sa mga small transactions then diretso sa bank account naman kapag medyo malaking transaction para hindi na mag extra pa sa fees.
Anong bank account ang gamit mo?

Pwede mo naman i-transfer nalang direkta sa bank account mo at free lang yun kahit hindi mo na padaanin pa sa gcash o wala sa option yung bank account mo?
10886  Local / Pamilihan / Re: Ano ang dapat tignan bago sumali sa isang exchange on: May 25, 2019, 05:26:00 PM
Why KuCoin is not included in the best exchanges?

I earned a lot of money when I'm still participating in Altcoin projects. Hindi ko sinasabi to dahil para sa promotion kundi dahil marami akong magagandang experience sa KuCoin. All of the rising altcoins dati ay automatic nagpapa-list agad sa KuCoin at yung mga devs ay naglalagay ng maramihang volume, means malaking profit din ang nakukuha namin after trading. Ang platform ng KuCoin is very user-friendly, makukuha mo yung profit mo ng instant at walang kahirap hirap.

Kasabayan ni KuCoin si binance pero mukhang wala ng nakakakilala sa kanya?
I also wanted to add some info na huwag tayong mag-tatrading sa DEX or decentralized exchange kasi dadating ang point na malulugi ka kapag pinilit mong gamitin ang exchange na ganon.
Ako kilala ko ang kucoin, kasabayan nga siya ni Binance pero mas nakilala si Binance.

Maganda ang volume ni kucoin pero mas pinili ko na hindi muna mag-trade doon.
10887  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Facebook "Globalcoin" to place on top? on: May 25, 2019, 04:35:11 PM
Challenging BTC? tingin ko mahirap at malabong mangyari yan. Maliban nalang kung ipantatapat nila buong assets nila against bitcoin pero hindi e kasi 1 billion dollars daw ang pondo nila dyan kaya malayo na matapatan nila. Nitong nakaraan nakakakita na ako ng mga sponsored ads na tungkol sa mga token at ICO kaya na lift na talaga yung ban sa mga ICO ads. Hindi ako mahilig sa mga stable coin pero parang dumadami sila ngayon, pati sa bansa natin mga bangko gagawa din ng sarili nilang stable coins.
10888  Local / Pamilihan / Re: Philippine Bank RCBC to Issue Peso-backed Stable Coin on: May 25, 2019, 04:16:29 PM
So meron nanamang isang bank ang mag iissue ng stable coin sa bansa natin.

I would be happy kung merong mga benefits na pwede natin mapa kinabangan sa kanila right? at dahil supportado naman natin sila
Nakikipag compete na agad sila sa ginawa ng Unionbank at tingin ko seryoso naman sila sa development ng stable coin nila at naintindihan naman nila kung para saan talaga ito. Ang benefits siguro mangyayari yan sa mga account holders nila na hindi na kailangan pa mag hintay ng ilang araw para sa bank deposit kapag galing sa ibang bansa yung pera. Send lang nila sa kapwa RCBC holder at direkta na siguro ma-credit sa mga bank account nila, baka ganito yung mangyayari.
10889  Local / Pilipinas / Re: Patay na nga ba ang dominanteng bear? on: May 25, 2019, 11:32:07 AM
Sa ngayon maganda ang pinapakita ng market kasi yung Presyo ay hindi pa rin natitinag sa $7900, kahit pa paano ay pwede pa rin nito malagpasan ulit at umabot sa $8000 sa anumang araw ngayon mas mabuti sana na Tumigil din ito muna sa $8000 para naman mawala ang mga pangamba ng iba na gusto ng mag benta ng kanila hinodle na bitcoins.
Dalawa lang pwede mangyari, isang biglaang bulusok pababa katulad nung nangyari nung nakaraan na bumaba hanggang $7500. At yung isa naman biglaang pagtaas hanggang $8500 - $9000. Posible na wala na tayo sa bear market at nag stabilize lang itong market natin hanggang sa magkaroon ng medyo mataas taas na support. Ang floor price natin ok naman at hangga't meron paring mga magagandang balitang lumalabas mas maraming investor ang pumapasok. Nangangamba lang ako sa fees kapag tumaas na.

Yes, habang dumadami ang nag-aaccumulate ng Bitcoin, maaaring tumaas ang fees nito pero sa tingin ko okay lang tumaas ang transaction fees basta yung price is range to $10000 up. Hindi katulad ng Ethereum noong kasikatan ng CryptoKitties, kailangan talaga taasan yung gas para mabilis umusad ang transaction.
Pabor na din ako na tumaas yung fees nya basta tumaas din ang presyo niya. Yun naman ang pinaka aim natin dito makita na tumaas ang presyo ng bitcoin. Naging parang spam kasi yung cryptokitties nung panahon na yun at sa sobrang dami ng transaction hindi na kinaya. Ganyan din naman nangyari nung 2017 December kasi ang taas ng fee at yung nabasa ko nun dahil din sa network spam, ngayon may Segwit at LN na kaya tingin ko hindi na mangyayari yun.
10890  Local / Pamilihan / Re: Philippine Bank RCBC to Issue Peso-backed Stable Coin on: May 25, 2019, 09:48:41 AM
Akala ko magsasanib pwersa sila ni Unionbank para sa iisang peso stable coin pero mukhang may competition na agad. Okay lang yan as long as cryptocurrency yan ibig sabihin pumapasok na din mga bangko pagdating sa adoption. Di na ako magtataka in the future kung pati bitcoin meron na rin silang option na tumanggap at mag process direkta as an exchange. Simula palang ito baka pati yung ibang kilalang mga bangko sumunod sa mga yapak nila.
10891  Local / Pilipinas / Re: Patay na nga ba ang dominanteng bear? on: May 25, 2019, 08:58:14 AM
Sa ngayon maganda ang pinapakita ng market kasi yung Presyo ay hindi pa rin natitinag sa $7900, kahit pa paano ay pwede pa rin nito malagpasan ulit at umabot sa $8000 sa anumang araw ngayon mas mabuti sana na Tumigil din ito muna sa $8000 para naman mawala ang mga pangamba ng iba na gusto ng mag benta ng kanila hinodle na bitcoins.
Dalawa lang pwede mangyari, isang biglaang bulusok pababa katulad nung nangyari nung nakaraan na bumaba hanggang $7500. At yung isa naman biglaang pagtaas hanggang $8500 - $9000. Posible na wala na tayo sa bear market at nag stabilize lang itong market natin hanggang sa magkaroon ng medyo mataas taas na support. Ang floor price natin ok naman at hangga't meron paring mga magagandang balitang lumalabas mas maraming investor ang pumapasok. Nangangamba lang ako sa fees kapag tumaas na.
10892  Local / Pamilihan / Re: Cryptogambling - Real Casinos - Perya on: May 25, 2019, 08:12:58 AM
Mostly sa area natin lalong -lalo kapag may fiesta Meron talagang mga ganito(perya), Kasi welcome ang lahat dito at Saka Hindi nangangailangan ng malaking  puhunan para makapag laro, hindi kagaya yung sa casino.
Hindi nman nakakatakot na maging addicted tayo dito eh kasi paminsan-minsan Lang nman ang mga ganito.
Masaya talaga  ang mga ganito Kahit minsan talo..
Hagis hagis ka lang ng piso pwede ka na manalo ng piso. Sa color game naman minimum ng bente pesos para pwede ka tumaya, ewan ko lang sa iba kung allowed ang sampung piso pero sa halos lahat ng perya na may color game 20 pesos ang minimum. Masaya at iba ang pakiramdam kapag nasa perya ka kasi wholesome kayo at halos lahat kayo na tumataya parang magkakampi kayo. Ang kalaban niyo talaga mismo yung perya o yung bangka.
10893  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 25, 2019, 07:39:48 AM
Kapag maliliit ang ika-cashout ko, usually ang ginagamit ko ay thru GCash, instant kasi ang payment at lesss hassle, mas okay ito lalo na kapag nagmamadali. Pero pagdating naman sa fees, mas okay ang LBC kasi mas maliit ang transaction fees, pero need mo nga lang mag-intay ng medyo matagal.
Di ako sang-ayon sa sinabi mo tungkol sa LBC. Lahat ng naging cash out ko sa LBC hindi ako naghintay ng medyo matagal. Nakalagay sa system nila mga about 1 hour o 10-30 minutes bago ibigay yung code. Pero ang kinakagulat ko kasi pagka request na pag ka request palang, andyan na talaga yung code. Hindi na nga umaabot ng isang minuto at may confirmation at text agad si coins.ph. Kaya para sakin ito yung naging kapalit ni cebuana at mas mabilis pa sa pagbibigay ng code/tracking number.
10894  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [TOKPIE] Gawing Totoo ang iyong Pangarap 💣💣💣[Bounty Stakes Trading]💣💣💣 on: May 25, 2019, 06:58:33 AM
Malaki na ba ngayon ang bayad nila sa mga stakes? dahil ang pagkakaalam ko ay mababa lang yung mga offer sa mga stakes eh. nasa mga 200 php lang bakit kaya? kung ito naman ay naiba na simula nung nakasali ako sa isang campaign nilaeh mabuti naman pero kung walang pinagbago eh mas makakabuti na hindi na muna ibenta ang stakes para malaki ang kitain sa pag lista ng project sa mga exchanges.
Pagkakaunawa ko kasi sa kanila, hindi sila mismo yung bumibili ng stakes kundi yung ibang mga trader na gumagamit ng platform nila. Kaya ang tendency, malo-lowball lahat ng stakes at nasa saiyo nalang kung gusto mo na ipapalit yung stakes mo sa mababang halaga. Parang bargain kasi ang stakes trading sa kanila, ang kinagandahan lang kasi wala ka ng pakialam kung malist man sa exchange yung stake na meron ka as long as mabenta mo na agad sa platform nila.
tama yan, ang mangyayare para siyang bidding system, at pwede mo siyang maibenta sa presyo na gusto mo kahit hindi pa nagkakaroon ng trading at habang hindi mo pa nakukuha ang tokens mo.
Ang mahirap sa presyong gusto mo lalo na kapag mataas, malabo yan mabenta at baka ma-stuck ka hanggang mag-close ang bidding o trading sa specific na bounty stake na yun. Kaya may ideya ako na kung meron ka mang bounty stake na gusto mo na ibenta, ibenta mo nalang doon sa highest bidder na gusto bumili para atleast mabenta mo na at makakuha ka ng reward mo sa ethereum. Yun nga lang katulad ng sinabi ko, low ball ata ang mangyayari sa ganyan, yung pinakamataas nila, hindi ganun kataasan sa expectation mo.
10895  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 25, 2019, 06:37:41 AM
I noticed that the most popular cash out method now is already LBC, do you agree?
Based on my personal experience, kahit bumalik na ang egive cash out but I still prefer LBC dahil instan
talaga siya ang acceptable naman yung fee, ang mura nga compared sa cebuana before.
Oo agree ako na yan ngayon ang pinaka popular na cash out method kasi sobrang dali lang eh. Ayaw ko na sa egivecash kasi sobrang daming problema, tulad nitong mga ss:

  • Walang resibo o cash yung ATM
  • Delay ang pagbibigay ng code

Yan ang madalas na maging problema sa egivecash, di tulad sa LBC instant talaga at mura pa fee.
10896  Local / Pamilihan / Re: A List of Blockchain Businesses and Crypto Companies in the Philippines on: May 25, 2019, 06:19:12 AM
Malayo pa din talaga ang Pinas sa larangan ng crypto at blockchain. Maganda na din na mas marami pa pala kumpanya sa Pinas kesa sa inaasahan ko pero kokonti pa lang ito kumpara sa ibang bansa. Kailangan siguro ng mga ito i-target ang mga local markets, mukhang kulang sa advertising eh maliban sa coins.ph
Hindi lang naman Pilipinas ang malayo pa sa larangan ng crypto at blockchain. Marami ring bansa ang tulad natin, may adoption na nagaganap at transactions pero hindi tulad sa ineexpect mo. Para sa akin, yung bansa natin open naman at interesado sa mga ganitong uri ng innovation yun nga lang hindi agad agad na magkakaroon ng aksyon tulad ng inaakala natin. Ang mahalaga lang dito, hindi ban at pinagbabawal yung crypto at blockchain sa bansa natin.
10897  Local / Pamilihan / Re: List of Universities Offering NEM Blockchain Courses in the Philippines on: May 25, 2019, 05:55:50 AM
One of the university that you listed there is where I'm studying.

I'm lucky enough that I'm studying there because NEM visit our university to have a seminar about blockchain. It's an interesting idea where we can create more innovative idea about this. Kaya ko na-iproposed yung blockchain sa election system kasi marami akong natutunan sa seminar nila.

Actually, posible talaga na magkaroon ng negotiation between COMELEC at NEM to implement the blockchain in the election system, ang government lang ang may ayaw. I would like to invite NEM again sa school namin to have another seminar kasi uso na sa project study ang blockchain sa system kasi it's efficient and bago na technology.


Saang school ka? ibig sabihin merong mga case study dyan or in short thesis or mini thesis na ang dapat ay related to blockchain?

Interesting yang school mo talagang updated.
10898  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Initial Coin Offering vs. Initial Exchange Offering on: May 25, 2019, 05:27:30 AM
Tingin ko hindi yung ban ng China ang naging daan para magkaroon ng IEO.

Ang pinaka dahilan sa pagkakaroon ng IEO eh yung paghina unti unti na ICO. Kaya yang ideya na yan galing kay CZ ng Binance.
Maraming salamat sa iyong komento! Marahil nga na hindi ito ang mismong dahilan kung bakit nagkaroon ng IEO ngunit isa ang pagban ng China sa kanilang mga investors ng pamumuhunan sa ICO kung kaya`t humina ang ICO sa mga nakalipas na panahon.
Mga year 2016-2017 pa ata na ban yung ICO sa China at humina ang ICO market nung mga panahong 2018 na yun ay panahon ng bear market. Talagang matumal nung panahon na yun kasi karamihan ayaw na mag invest kasi ang dami na ring mga scam.

https://blockonomi.com/what-is-an-ieo/

Hindi si CZ ang naunang nagkaidea ng ganyan.  Ang ganyang kalakaran ay ginagawa na mula pa noong 2014.  At nagkaroon na ng ganyang bentahan ng crowdfunding sa POLONIEX one example is QIBUCK COIN .  IEO is just another new term pero ang practice ay matagal ng ginagawa kaya hindi  original idea ni CZ ng Binance yang ganyang kalakaran.
Oohhh.. salamat sa ideya, hindi pala orig ideya yan ni CZ.
10899  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Initial Coin Offering vs. Initial Exchange Offering on: May 24, 2019, 12:04:46 PM
Tingin ko hindi yung ban ng China ang naging daan para magkaroon ng IEO.

Ang pinaka dahilan sa pagkakaroon ng IEO eh yung paghina unti unti na ICO. Kaya yang ideya na yan galing kay CZ ng Binance.

Yup si CZ ng Binance ang my idea nito at maganda naman ang kinalabasan dahil hindi lang Binance ang tumangkilik dito pati narin mga top exchange site paraan nadin siguro ito para maiwasan ang scam ng mga new project which is napakaraming nangyaring scam sa ICO dati, saludo ako kay CZ dahil sa naisip nya nito, alam naman natin napakaring scam project sa market.
Halos lahat ng exchange ngayon sumunod sa ideya ni CZ tungkol sa IEO. Mawawala na talaga mga ICO at susunod na halos lahat sa trend ngayon ng IEO. Sobrang dami talaga ng mga ICO scam ngayon at ito ang naging solusyon ni CZ na karamihan sa mga exchange nagsisunuran na pero hindi parin malabo na ma-abuse yung mga IEO ng mga scammer. Meron at meron parin na mga IEO dyan ang magiging scam sa bandang huli kaya ingat sa pag iinvest.
10900  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Initial Coin Offering vs. Initial Exchange Offering on: May 24, 2019, 11:19:04 AM
Tingin ko hindi yung ban ng China ang naging daan para magkaroon ng IEO.

Ang pinaka dahilan sa pagkakaroon ng IEO eh yung paghina unti unti na ICO. Kaya yang ideya na yan galing kay CZ ng Binance.
Pages: « 1 ... 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 [545] 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 581 582 583 584 585 586 587 588 589 590 591 592 593 594 595 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!