Bitcoin Forum
May 24, 2024, 04:41:07 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 [2] 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 »
21  Local / Pamilihan / Re: [GAME CONTEST] BTC PREDICTION UNTIL OCT 31st (500Php/Entry Max:5 Entry/User) on: November 01, 2019, 01:48:05 AM
Congrats sa mga nanalo!
Sa mga natalo, wag kayo mag-alala.
Lahat ng sumali sa patimpalak na ito ay maaaring kunin ang kanilang munting regalo mula saken.
Paki PM na lang ang inyong receiving BTC wallet address.  Smiley
Code:
asu - sent
bl4nkcode
Bttzed03 - sent
harizen
cabalism13 - sent
Darker45 - sent
sheenshane - sent
bisdak40 - sent
inthelongrun - sent
ice18 - sent
LogitechMouse
Sana sa susunod mas marami pa ang sumali at sana kung pwede ay BTC ang gawing currency upang masanay ang lahat na gumamit nito.
Kahit ako na ang mag abono para sa escrow / transfer fees upang buo nyo pa ring matatanggap ang premyo.

Congrats ulit!
22  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Blockchain Game] EOS Racing on: October 31, 2019, 01:14:32 PM

So far sa nakikita ko puro active ang EOS sa dapps, ang dami nilang mga games na integrated sa blockchain, kung hindi lang naglilimit sa  CPU/RAM/Network at need magstake, mas maraming mga tao ang matutuwa dito but then I realized ginawa iyon for the ecosystem of the cryptocurrency.



Medyo mahirap magbenta ng mga parts dito sa EOS racing, since newbie pa lang ang level ko dito, kadalasan sa mga nakukuha ko ay puro patapong parts ng sasakyan na binibigay sa pagsisimula ng laro.  Need talagang maglaan ng oras dito dahil may cooldown every 5 race na 1 hour if i am not mistaken.  Kapag sumali naman sa tournament ilalampaso lang ng kalaban dahil mabagal pa ung car na pang race.

Kaya minsan kapag dumaan yung oras na maraming users ang sabay sabay na gumagawa ng transaction ay nagiging congested ang network.
Kung saan ang may mga mas malaking nai-stake ang magkakaroon ng priority.
Nariyan ang mga REX (Resources EXchange) sites na maaasahan sa oras ng pangangalaingan.
Maaari kang makahiram ng "staked EOS" sa murang halaga.
Halimbawa na lang nito, nakahiram ako ng "361 EOS staked" sa loob ng 30 araw sa halagang 0.1 EOS lamang.
Ang 0.1 EOS ay maliit na bagay na kumpara sa maaari mong magawa dahil hindi ka na limitado sa resources.





Mahirap na nga makabenta ng parts sa EOS racing.
Madalas kasi yung "tier 2" pataas na ang binibili nila.
Saka karamihan sa mga players ay bumibili ng upgrades para manalo sa competition.
Talagang nag-iinvest sila para makuha ang 1st prize.
Sino ba namang hindi matatakam sa 20EOS na 1st prize.
Kaya di na sapat yung skills lang ang puhunan.

Pero may ibang way naman para kumita pero mabagal syempre.
Laruin lang ang 5 matches kada 2 oras.
Tapos kapag naubos na ang fuel ng kotse ay i-disassemble para makakuha ng 100 fuel.
Sigurado naman kasing may mabubuo ka na ulit na kotse mula sa mga nakukuhang parts sa matches bago maubos ang fuel ng main car mo.
Ayun repeat the process hanggang makabuo ng higher tier na kotse at ibenta sa market.

Sa ngayon yan na lang ginagawa ko kasi di na talaga kayang makipagsabayan sa mga tier 2 pataas na fully upgraded.
Kaya bentahan na lang naten sila.  Cheesy
23  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Blockchain Game] 0xUniverse on: October 31, 2019, 12:43:31 AM
~snip

Grats sa rank 6 na ship ako rank 4 pa lang pinakamataas kong ship, 9 days cool down ang ship invention.  Ang problema lang minsan ang taas ng fluctuation ng gas fee.  Umaabot ng 1usd ang minimum kaya sa halip na magpapalipad ako ng ship eh itutulog ko na lang hehe.  Nga pala currently nasa 80 plus planet na ang nakokolekta ko.  Buying kasi ako ng planet with more than 50 people per day ang increase na may pinakamababang presyo.  Ok lang common planet kasi population for invention purpose lang naman para sa high rank ship.



Sana makahit ka ng legendary planet dyan sa Rank 6 ship mo. good luck sa pagpapalipad!
Sana nga kahit makaisa lang.
Di ko rin naman bebenta kung sakali.
Solohin ko lang yung "story" nung planeta.  Cheesy
Oo, huwag dapat pilitin na magpalipad kapag mataas ang gas fee.
Sayang din kasi kapag nag-fail ang lipad.
Dati nga 0.5 GWEI lang ginagawa ko, kaso ngayon nai-stuck lang sa mempool kaya ginawa ko nang 1 GWEI.
Tama rin yang mga murang planeta pero maraming populasyon ang unang bilin.
Yung mga rare pataas kunin na lang sa paglipad para may thrill.



Mukhang matatagalan pa ako makapagpalipad ng mga low rank ships ko, ang laking resources na kinakailangan.
Saka yung pag-invent 1 buwan mahigit pa.  Cheesy



Nagsearch ako sa game na to and sa tingin ko ang ganda nung parang idea ng game kase I enjoy games na ganyan eh yung may connection with space. Pero nung nakita ko to bigla akong nawalan din nang gana. Gusto ko pa naman itry yung game and mukhang medyo swak yung graphics para sakin. Yung trailer lang din nung game, medyo di maganda yung dating.


Huwag ka sana mawalan ng gana.
Karamihan ng DApps sa Ethereum Blockchain ay naglalagay ng payment options tulad ng paypal, visa, mastercard.
Para yan sa mga players na hindi alam gamitin ang blockchain.
Swerte nga nateng mga marunong gumamit ng blockchain kasi sobrang tipid ang pagbili kapag crypto ang pambabayad.
Subukan mo sa market tumingin, makikita mo, mas mura nang di hamak kaysa kapag card ang pambibili mo.



Lahat ng nasa market ay sa ETH mo mabibili.  Smiley
24  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Blockchain Game] 0xUniverse on: October 29, 2019, 01:11:53 PM
Share ko lang mga paps yung pinaka bagong na-invent kong ship na Rank 6.
At dahil may Rank 6 na ako, may chance na akong makakuha ng kasunod na Rank sa susunod na pag-invent ko.  Smiley



Tyagaan lang, makakakuha rin ng pambihirang Legendary Planet.
25  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Blockchain Game] Crypto Sword and Magic on: October 27, 2019, 01:06:01 AM
Malaking tulong ang mercenary sa pag clear ng world lalo na kapag di mo kaya mag isa habang tumataas ang level
Oo, mas maige na laging full ang party mo.
Take note mo na lang na kapag ang level mo o ng ka-party mo ay lagpas na ng 5 levels sa level ng world dungeon ay bababa ang bigay na exp.
Kaya hangga't maaari piliin din ang isasama para maging efficient ang run.

may nabasa ako sa discord na pwede mag change ng class at level 40
Oo, legit yan.
May 2 class kang pagpipilian pagdating mo ng level 40.

kapag may nakuha kang new items na may mataas na stats sa current items mo, ipalit mo para lumakas kahit papano
Pwede rin yan sabagay di pa naman ganun karaming equipments ang kailangan para mai-max ang level ng low-rarity equipments.

always check kung may active sa training skill and item echanting, para mas mapabilis at mapalakas ang power
wag din kalimutan na lagyan ng skills ang lahat na available slots
Yung enchantment tap may red dot na lumalabas na parang notice kapag tapos na yung time ng enchantment.
Yung sa  training skill yung problema kasi walang notification kaya kailangan bantayan.
Oo, kailangan bantayan din ang levels para may mailagay agad yung na-unlock na skill slot.

iniipon ko na muna ang mga crystals
Yan importante yan.
Pero pwede mo rin gamiting kapag mag-grind ka for at least 1 hour. (x2 speed= 1 crystal)
26  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Games] EOS Knight an Idle game to earn EOS on: October 25, 2019, 03:50:05 PM
Hello sa inyo kabayan.. ask nanaman ako ulit, lagi nalang makatanggap ng notification na "CPU Low o temporarily busy daw ang chain.." di ako maka rebirth, paano to? kailangan ba ako mag deposit ng EOS para maka stake at maituloy ang laro?, wala na bang ibang paraan?, hintayin ko nalang ba?.
May paraan pa.
Pwede ka mag-rent ng resources.
Good for 30days ang pag-rent.
0.01EOS rent fee = 30+EOS staked (rented for 30days.)
Sulit na sya lalo na kung may earnings ka na.
Punta ka sa eosrex.io
27  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Blockchain Game] EOS Racing on: October 25, 2019, 03:55:05 AM
Oo ganun na nga.
May mga services naman na nagpapa-renta ng resources nila kapalit ng EOS.
Sulit naman kung active ka sa EOS chain.
Kasi mababawi mo naman pinangrenta mo.
Eto yung isa sa mga nagpaparenta ng resources.
https://eosrex.io/
28  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Blockchain Game] EOS Racing on: October 24, 2019, 09:38:06 PM

medyo confused ako pagdating dyan sa "stake" na yan kung paano ba dapat gawin exactly dyan. bago lang ako sa mundo ng EOS kasi at confusing para sakin yung words na "stake" tapos may CPU at NETWORK pa. importante din ba yung CPU power ng ating device na ginagamit saka yung speed ng internet for the network?
Yung EOS chain parang isang malaking computer.
Ang kapalit ng pag gamit ng EOS chain ay ang pagrenta sa kanila ng resources.
Yung pag "stake" = pag "rent" ng resources.
Ang advantage, 0 transaction fees.
Ang disadvantage, minsan nagiging congested din ang network.
Kapag congested ang network, di ka makakagamit ng mga DApps.
29  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Games] EOS Knight an Idle game to earn EOS on: October 24, 2019, 09:15:25 AM
Wombat ang gamit ko at meron siyang whitelisting baka hindi lang nakita ni meldrio1 ang option.  Yung scatter sa pc need ko pa iaallow lahat ng action sa EOS, hindi ko lang alam kung bakit di ko makita ang whitelisting option o baka walang whitelisting option sa pc browser gamit ang scatter.
Meron ang scatter baka di mo lang napapansin, hindi kasi pansinin yung kulay nya sa bandang lower right ng UI.
Kapag na enable mo na yung whitelist, lagyan ng check lahat ng boxes.





Android ginagamit ko, nakita ko naman ang whitelist chinecheck ko naman, akala ko bug paulit ulit nalang kasi, so kailangan pala i whitelist ko lahat kada action nito so in manually gagawin,, wala talagang settings na e disable ko lahat in one click lang.
Kailangan mo muna i-manual sa umpisa bago mo ma-whitelist ang isang contract.
Hindi pwedeng lahat i-whitelist agad kasi hindi baka mamaya yung laman pala ng contract ubusin laman ng wallet mo.
For safety reasons yun kaya manual sa una, kapag na check mo na tama saka mo sya whitelist.
30  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Games] EOS Knight an Idle game to earn EOS on: October 24, 2019, 06:15:33 AM
May alam ba kayo kung paano iwawala yung pass code? kasi lagi nalang ako mag pindot sa mga pass code pag ni rebirth ko, equip, craft yung ganun, napaka annoying na eh. Wombat ang kinokonnek ko kaya wala naman settings na ganun na i disable ang pass code.
Walang whitelist options?
Di kasi ako gumagamit ng wombat kaya di ko alam gamitin yan.
Pero ayon sa nakita ko sa isang medium article may whitelisting option yang wombat.
Baka pwede mo i-check yung article.

https://medium.com/wombat/new-release-wombat-now-offering-whitelisting-cab2dbbae390

Sana yan na ang sagot sa tanong mo.  Smiley
31  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Blockchain Game] EOS Racing on: October 24, 2019, 05:04:13 AM
May nakapag try na ba laruin to sa mobile browser? Sayang yung laro sana magkaroon sila ng mobile app para mas madali ang gameplay. Saka kung maubusan ka ng fuel bale kailangan ko talaga gumastos no?
Yung mga imahe sa built-in browser ng tokenpocket yun.
Oo, kapag wala ka nang fuel, mapipilitan ka nang bumili.
Kaya sulitin ang free fuel, pilitin manalo sa bawat competition.  Smiley

bale kailangan talaga skilled ka sa game na to para hindi ka gumastos or else mapapagastos ka talaga para lang makapag laro which is on the other hand magiging malakas ang kitaan kapag magaling ka sa racing game na to kasi magbebenta ka lang lagi ng fuel sa mga mahihina maglaro hehe.

itry ko siguro to kapag nakabili na ako ng EOS, yung scatter kasi kailangan pa lagyan muna ng balance para maactivate
Oo, kailagan mo mag stake para makagawa ka ng account name.
Yung na-stake mo mapupunta yun sa resources (RAM, CPU, NETWORK)
Kapag may EOS account ka naman na eh lahat ng DAPPs sa EOS chain magagamit mo na.
Yung na-stake mo naman pwede mong i-refund kung gusto ayaw mo na sa EOS.
32  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Blockchain Game] EOS Racing on: October 24, 2019, 03:35:13 AM
~snip

Kailangan ba kaagad sa simula pa lang gumastos kana kaagad sa paglalaro? katulad nung 0xUniverse, kailangan bumili ka muna ng package bago ka makalaro. Soguro naman dapat nilang i implement na since bago palang sa masa yung mga blockchain games, magpalaro muna sila na hindi masyadong gumagamit ng pera o ytung tinatawag natin na free to play muna. kasi mahirap na rin kapag gumastos ka kaagad sa kauumpisa mo palang ang mangyayari baka magsawa ka naman kaagad, masasayang din pera mo.
May libre namanng 100% fuel kung saan pwede mo magamit ng hanggang 6 na competition.
Sa 6 na yun dapat masigurong makakuha ng mataas na pwesto para may makuhang sapat na EOS pang-dugtong sa laro.

Opinyon ko lang ha, wala naman yatang free-to-play-to-earn na laro.
Meron at meron talagang mag-iinvest kahit papaano.
Hindi man tayo, pero yung ibang players malamang nag-invest sila, kasi siguro alam nila na mababawi nila yun.
Saka kailangan din ng mga devs ang support para mapanatili ang laro.
Pwera na lang kung may ibang source ng revenue ang mga devs tulad ng paglagay ng ads sa laro nila.
Tulad ng Ragnarok dati, na pay-to-play, pero ang value ng zeny to php nun malaki.
Kaya nasa atin na lang siguro kung may ilalabas tayo o wala.  Smiley



May nakapag try na ba laruin to sa mobile browser? Sayang yung laro sana magkaroon sila ng mobile app para mas madali ang gameplay. Saka kung maubusan ka ng fuel bale kailangan ko talaga gumastos no?
Yung mga imahe sa built-in browser ng tokenpocket yun.
Oo, kapag wala ka nang fuel, mapipilitan ka nang bumili.
Kaya sulitin ang free fuel, pilitin manalo sa bawat competition.  Smiley
33  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Blockchain Game] EOS Racing on: October 23, 2019, 03:21:27 PM

Ang bawas sa fuel manalo matalo tama ba?  Nagtry ako kanina ng competition, natalo ako tapos pagtingin ko sa fuel ko halos 20% ang nabawas.  Isa pang tanong, meron bang option para mapabilis yung cooldown ng timer dun sa Match race?
Oo win or lose sa competition di na babalik yung fuel na nagamit.
Parang walang ibang way para mapabilis yun, talagang hihintayin na mag cooldown.
Kaya bagay 'to sa mga natural na mabilis reflexes kasi konti lang ang resources.
Mapapagastos kapag hindi sanay.
Wala pa naman sila nung practice race lang.  Sad
34  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Games] EOS Knight an Idle game to earn EOS on: October 23, 2019, 03:04:10 PM

anong floor madalas nakukuha yang mithryl materials at anong kulay nyan? sa ngayon kasi floor20 palang kaya maabot nung akin, kahit madaming palit ka na ng equipments mukhang hindi talaga basta basta ang laro so mapapagastos ka talaga kung gusto mo makasabay sa mga mamaw na
Yung "Mithryl" Unique item yan, 100th floor above pwede na makakuha o kaya kapag nag-synthesis ka sa alchemist ng rare grade materials (kulay dilaw).
Pwede rin naman yung "Emerald" Normal item lang.
Sa ngayon yung "Mithryl" bumalik na sa normal price na 0.01EOS.
Kung may budget ka at willing na mag buy and sell, pagkakataon na.
Ang kaso nga lang baka biglang hindi sila mag host ng EK Cup sa lunes.
Minsan kasi biglaan silang naghihinto ng event.
Tulad nung crafting event, nawala na lang.
So risk what you can afford to lose kung sakali lang.  Smiley
35  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Blockchain Game] EOS Racing on: October 23, 2019, 02:54:07 PM
Uy di ko napansin itong game na ito, may bago nanaman akong susubukan.  Mukhang magaganda ang mga blockchain game ng EOS ah.  Will check this out and will give feed back once I have the initial experience with this game.



Played the first batch of the race, may timer pala ito per batch ng opponent, hindi ka  makakapaglaro to your heart content na ichallenge ang mga ibang player.  At most 5 players at a time (1 hour cooldown),  Then kapag natalo ka balik ang fuel na ginamit ng car pero kapag nanalo, may drops na parts pero ang fuel na ginamit ay hindi mababalik.  Bale ang pinaka energy dito is ang fuel  hindi ko lang alam if nagreregen ang fuel kapag nadeplete o need ng bumili.
Sa experience ko walang regen ng fuel.
Meron kasi sa competition race na fuel ang prize.
Tapos sa market may fuel din na tinitinda ang mga players na nananalo dun sa race.
Kaya medyo budget lang sa pag gamit ng fuel.
Malaki pa naman ang fuel consumption sa competition, 15 fuel ang bawas.
Sa 100% fuel makaka 6 competition race lang ang pwedeng malaro.
36  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Games] EOS Knight an Idle game to earn EOS on: October 23, 2019, 02:22:10 PM
~snip

Sayang naman at hindi mo naantabayanan gaano ang ranking.  Mukhang nakapagcraft ng magandang item yung humabol, nga pla ano anong mga material ba ang kadalasang tumataas ang value kapag EK cup?  Baka sakaling makaloots ako eh itabi ko ng kumita kahit papaano.  Kadalasan kasi sa mga loots ko recycla para sa MW.
Ang pinaka madalas yung "Mithryl", normal price nun 0.01EOS.
Pero kapag EK Cup lumalagpas ng doble lalo na kapag kakastart pa lang ng Cup.
Paunahan talaga yung iba makaakyat ng floors.
Yung "Emerald" din halos x10 tinataas ng price nun.
Yung materials para sa equipment na "Mithryl Set" yun ang madalas magtaas ng presyo.
37  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Blockchain Game] 0xUniverse on: October 23, 2019, 02:15:12 PM

                 ~snip~
~snip

Hehe, pwede naman kasing pagsabayin since ang isa ay idle game, heto ay economic simlulation katulad ng Prospectors, hindi sila makain ng oras at attention, matagalan nga lang talaga at kailangang magtiyaga.  Anyway, naginvest muna ako ngayon sa population para mas mabilis ang research ng mga spaceship.

Currently may 78 planets ako at 10 ships, heto ang stats :

~img
Wow nice.
Ang bilis 10 na agad ships mo.
Parang nung isang araw lang nagsisimula pa lang.  Cheesy
Sana may makahanap saten ng legendary class na planeta.
38  Local / Altcoins (Pilipinas) / [Blockchain Game] EOS Racing on: October 23, 2019, 02:07:46 PM

Pinagmulan ng imahe: https://www.eosracing.io/eosracing/images/KakaoTalk_20190808_112041255.png

Website: https://www.eosracing.io/eosracing/index_en.html
Twitter: https://twitter.com/eosracing_en
Telegram: https://t.me/joinchat/MMrnVExeG1pjkjpsSQFHPw
Medium: https://medium.com/eosracing-en

Laruin sa PC browser: https://www.eosracing.io/game/
Laruin sa Android: gamitin ang tokenpocket browser

Blockchain: EOS

Wallet Apps:

(PC)
Scatter: https://get-scatter.com/
Guide: https://support.get-scatter.com/collection/14-getting-started

(Mobile)
Token Pocket: https://www.tokenpocket.pro/
Guide: https://help.mytokenpocket.vip/hc/en-001/categories/360001557752-User-Guide


Buod
Nalaro mo na ba yung "Minion Rush" o mga katulad nitong laro sa playstore?
Mabilis ba ang  mga mata at reflexes mo?
Kung oo, bagay sayo 'tong larong ito.
Sa umpisa ay bibigyan ka ng stock na kotse na may 100% fuel.
Gamitin ang libreng fuel para sumali sa kompetisyon.
Maaring manalo ng EOS / car parts / fuel.
Ang layunin ng laro ay makatawid sa finish line sa pinakamabilis na oras.
Pwede ka mag-draft sa likod ng mga sasakyan para makakuha ng karagdagang bilis.
Maari mong iupgrade ang kotse mo sa halagang 0.2 EOS kada upgrade.
Ito'y opsyonal lamang at kung sa tingin mo ay mababawi mo ito na may kasamang tubo.
Goodluck  Smiley

Mga Imahe:



Ang mga blockchain games ay isang uri ng DAPP (Decentralized App).
Kung maghahanap pa kayo ng ibang games / dapps sa iba't ibang blockchain, maaari kayong maghanap sa mga site na ito;

https://dappradar.com/
https://www.stateofthedapps.com/
https://dapp.review/
https://www.dapp.com

Tandaan lang na mas mainam na puntahan mismo ang site ng laro / dapp na iyong maiinteresan.
Dahil yung ibang site ay nagbibigay ng hindi accurate na review upang i-promote ang isang dapp.
39  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Blockchain Game] Crypto Sword and Magic on: October 23, 2019, 12:54:42 PM
~snip
Sobrang cool nga tignan e kasi nag eenjoy ka and kumikita at the same time, kadalasan kasisa ibang bagay nila inuubos yung leisure time nila. I haven't try it but i'm looking forward particularly now na marami sa inyo ang nakasubok na nito at base sa experience ng iba sa inyo masasabi ko na worth it naman. Mas maganda kasi kung sa kababayan natin mismo manggagaling yung feedback at reviews about dito kasi mas maiintindihan ng madami sa atin, ano yung mga tips niyo para sa baguhan sa larong ito? interesado kasi ako, gusto ko din malaman yung opinyon niyo.
Maganda siguro alamin mo na kung anong character at build ang gusto mo.
Para tuloy tuloy ang progress hanggang makarating ng end game.
1 character lang kasi pwedeng gawin, di rin pwede delete.
Kapag nasa in-game ka na, laruin mo lang muna parang normal na mga rpg idle game na nasa playstore.
Wag mo na lang muna siguro galawin yung free crystals, mahal kasi mag top-up ng crystals 100pcs = 1EOS.
Pero kung grind mode ka, pwede ka gumamit ng crystal para maging x2 yung speed ng run.
Saka lagi mag log-in araw araw, may attendance kasi sila na magbibigay ng free items / crystals / pet.
40  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Games] EOS Knight an Idle game to earn EOS on: October 23, 2019, 12:38:02 PM
Tapos na ang EK Cup, sa lunes ulit magkakaroon.
Akala ko pasok na sa top 100, pagdating ng last minute nawala ako sa listahan.  Cheesy
Naging 1k magic water lang yung 1EOS na pinuhunan ko.
Bawi na lang next time.
Dahil tapos na ang Cup, unti unti nang babalik sa normal ang presyo ng ibang materials.
Pwedeng gawin itong pagkakataon para bumili ng mura at ibenta pagdating ng EK Cup sa lunes.

Pages: « 1 [2] 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!