~snip
Mukhang matagal pa ang kailangan ng oras upang ma tutunan and laro na ito, at sa dami ng naitala mo dito sa iyong topic parang sumakit yung ulo ko kakabasa. Mas mabuti nga talaga na sa site ko nalang tingnan ang buong detalye nito. Kailangan ko din itong e rekomenda sa ibang kaibigan ko na matagal nang nag lalaro nga mga mobile games. Laking tulong nito para maging interesado ang lahat sa atin tungkol sa blockchain games.
Pasensya na talaga, medyo nakakhilo basahin kapag tagalog.
Pero kapag nilaro mo na madali lang naman, ok naman ang UI saka may tutulong sa'yo na spacedog.
Yung ibang details kasi na nilagay ko ay kung gusto mong makatipid sa gas fee.
Para sulit ang bawat lipad ng iyong spaceship.
~snip
medyo matagal nga ang labanan para makinabang at medyo may gastusan din bagay na medyo disadvantage ng isang laro lalo nat ang main objective ay makalikom ng players at hind makaliom ng "pera mula sa players"
no hardfeelings pero bakit maglalaro ang isang player ng kailangan pa mag gas at matagal ang sistema ng kitaan kung meron namang medyo madali at walang kailangan ibayad na gas?
katulad nitong post ni @lionheart78 though IDLE game yet kikita ka ng EOS na oras lang ang puhunan mo?
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5194023.0though hindi ko ginagawang comparison dahil sadyang magkaiba naman sila ng concept pero parehas silang naghahanap ng players
Wag kang mag alala paps, bukas para sa opinyon ang thread na ito.
Sa EOS blockchain kinakailangan mo munang mag-stake ng EOS para maging aktibo ang iyong account at upang makagamit ng mga DApps.
Sa ngayon, hindi na ganon kadaling makapag benta ng gamit sa EK (EOS Knights), nilalaro ko rin yan, medyo matagal na rin.
Nakita ko kung gaano kabagal ang development ng laro.
Ang market ay nagsilbing window na lang para sa mga may maraming accounts na naglilipat ng mga items.
Makikita mo lang na gumalaw ang market kapag may event sila, ngunit piling mga materials lang ang magiging mabili.
Yung iba sa alchemist o trash lang napupunta.
Hindi pwedeng ipa-convert sa alchemist yung mga legend grade pataas na nagdudulot ng pagdami ng supply ng mga materyales na iyon.
Saken medyo nakatambak na mga legend grade mats ko kasi hindi naman mabenta, sayang naman kapag binasura lang para sa konting mw (magic water)
Tanging mga Ancient materials / napakamurang mga gamit na lang ang siguradong mabebenta sa market.
May Ancient grade mat na rin na hindi na mabenta dahil oversupply na.
Pero hindi ko sinasabing panget ang EK dahil hanggang ngayon nilalaro ko yan.
Medyo challenging na kumita lalo na kung maguumpisa at hindi mo gagastusan kahit konti.
Dito naman sa 0xU, isipin mo na lang yung NBA Cards dati, makakatrade ka ba kung wala kang card?
Hindi syempre, pwera na lang kung may mabait kang kaibigan na mamigay o kaya ipagpalit nila ang card sa ibang bagay.
Maglalabas ka at maglalabas ka kahit papaano ng puhunan.
Walang libre, lahat may patas na kapalit. (Law of Equivalent Trade)
Wala akong pipilitin para maglaro nito, hindi ito para sa gustong yumaman.
Para ito sa gustong ma-enjoy ang kagandahan ng blockchain.