Nakakatuwang isipin na kahit pa unti-unti ay na tatanggap na natin ang mga pagbabago na nangyayari sa ating mundo at ang mga tao ay namumulat na rin sa kung ano ba talaga ang bitcoin at kung ano pa nga ang maaari nating magawa sa tulong ng bitcoin. Ang Lazada at Shopee ay parehas ng tumatanggap ng bayad na ginagamitan ng bitcoin at ito ay masayang pakinggan dahil may mga online store na ang tumatanggap ng bitcoin o cryptocurrency sa pagbili nila ng mga gamit na paninda nila.
|
|
|
Sa tingin ko ang isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan magtiwala at mag invest ang mga tao sa crypto ay sa kadahilanan na kulang ang kaalaman nila sa crypto at kulang rin ang kaalaman nila patungkol sa mga investments, ang isa pa sa mga nakikita kong dahilan ay ang pagkatakot nila sa pagiging volatile ng mga coin dahil sa crypto bigla bigla na lamang bumabagsak ang mga presyo ng mga coin at isa pa ay natatakot din sila na maloko dahil marami nga ang nababalitang naloloko patungkol sa pag iinvest.
|
|
|
What do you think, how many people are ready to sell their goods or services on crypto? Let's say that we have service which help quick and easy to build online store and sell for cryptocurrency. What kind of reasons can motivate people to start a crypto business?
i think small businesses are not ready yet to start crypto... starting up crypto requires huge fund to operate. given the volatility of the market, small busineses wont last long if have small funds. it could loss just in a short time. Maybe small business can accommodate to start crypto if they have enough funds that can help them to start on a little business, I think if you want to start a business using crypto you don't need a lot of funds because you are just starting, that's why you want to start a business is because you want to earn big. If you really want to start a business you just need an enough funds for your business not necessary a lot of funds. And if you know what are you doing on your business you will not loss just like the others. So go and risk for it.
|
|
|
Open ang thread na ito upang magtanong ng mga kanilang gustong malaman ukol sa cryptocyrrency at upang lumawak rin ang kaalaman nila patungkol rito. Itong forum ay naglalayon rin na mapalawak ang mga kaalaman ng mga baguhan pa lamang sa larangan na ito.
Mainam din na gumawa ka ng ganitong thread para sa mga baguhan upang makapagtanong sila sa mga taong matagal na sa industriyang ito at malaman kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin. Pero meron din namang thread na beginners and helps para magtanong ng kahit na anong impormasyon sa industriya na ito, pero dahil din sa thread na ito makakatulong din tayo sa mga kapwa natin Pilipino na gustong lumawak ang kaalaman patungkol sa larangan na ito.
|
|
|
Sa ngayon ay bagsak pa rin ang ethereum, ngunit kagaya naman nito ang bitcoin na bagsak o dump pa rin hanggang sa ngayon. Sa tingin ko ang isa sa maaaring maging dahilan kung bakit bagsak ang ethereum ay dahil bumagsak rin ang bitcoin kung saan sa pagbagsak ng bitcoin naka apekto sa buong merkado at pati na din ang mga iba pang altcoins o coins ay bumagsak rin. Makikita natin na pag bumabagsak ang bitcoin maraming coin ang bumabagsak rin ang presyo at kasama na rito ang ethereum. Pero kung titignan natin sa market nasa top 5 pa din naman ang ethereum pag dating sa mga presyo at volume nito.
|
|
|
Sa tingin ko ang maaari lang makasabay kay bitcoin pagdating sa presyo ay ang Ethereum at ang XRP coins dahil base sa mga nakita at naranasan ko sa crypto itong dalawa lang ang madalas sumasabay kay bitcoin, dahil napansin ko na pag si bitcoin ay bumagsak ang ethereum at xrp ay bumabagsak din ang presyo at sa tingin ko ay nagkakasabayan lang sila sa pag angat at pagbagsak. Sa tagal ko sa crypto marami na akong na experience na nakapagsalba sa akin katulad na lamang ng bull run ay wala naman akong ganon kataas na hawak na bitcoin pero may mga ethereum akong hawak noon at nakatulong ito ng malaki dahil noong umangat si bitcoin sumabay rin si ethereum sa pag-angat kaya sa tingin ko ay ethereum din ang isa sa mga maaaring sumabay kay bitcoin pag dating sa pag pump at dump ni bitcoin.
|
|
|
Hindi natin alam kung ano ang mga pwedeng mangyari sa mga susunod na buwan o taon kung aangat pa ba ang mga altcoins at kung ang mga ito ay babangon pa nga ba. Mapapansin nga natin ngayon na sa pagbaba ni bitcoin naapektuhan ang buong market lalo na ang mga iba pang mga altcoins ngunit wag kang kabahan dahil normal ito, maaari na umangat at bumagsak ang mga presyo ng coins pero babalik rin ito agad. Sa tingin ko ay kung aangat si bitcoin at tuluyan pa itong umangat sasabay ang iba't ibang altcoin dito dahil nga gaya ng sinabi ko malaki ang epekto ni bitcoin sa buong market kaya kung aangat si bitcoin ay aangat din si altcoin. Hintayin natin ang sinasabi ng mga big whales na "golden cross" at kung ito ay mangyayari sa tingin ko ay aangat pareho si bitcoin at altcoin, marapat na maghintay lamang tayo sa maaari pang mangyari sa mga susunod na buwan at taon.
|
|
|
Sa ngayon ay sobrang dalang ng matinong bounty ngayon, katulad nga ng sinasabi ng karamihan ay may matitino pa din namang bounty yun nga lang ay medyo may katagalan sila kung magbayad at kung magbabayad naman sila ay masyadong mababa ang bayad nila sa iyong pagtatrabaho. Pero kung matinong bounty ang hanap mo mayroon pa din naman kahit papaano yun nga lang sobrang dalang na lamang ito sa panahon ngayon, kung bounty hunter ka talaga try mo din maghanap pa ng iba at maganda rin dyan ay ang salihan mo na bounty ay yung mga bounty managers na nasilahan mo na dati at masasabi mo na maganda yung pagpapalakad nila sa bounty nyo noon.
|
|
|
Hanggang ngayon buhay pa naman ang mga bounty, sa tingin ko kaya tumahimik ang mga group chat mo sa telegram ay dahil marami na rin ang bounty hunters ang tumigil na sa pag bobounty sa kadahilanan na ang mga bounty ngayon ay madalas nag fafailed at kung hindi naman failed ay scam ang mga bounty na nasasalihan. Pero may mga bounty pa din naman ngayon na legit o totoo pero inaabot ng buwan o taon ang aantayin para makuha mo ang bayad nila na token o coin, ang isa pa sa dahilan bukod sa matagal ang pagbabayad ng bounty ay masyadong mababa ang binabayad sa mga bounty hunter kaya sa tingin ko ay naging kaunti ang mga bounty hunters, pero hanggang ngayon naman ay may mga kumikita pa rin naman yun nga lang hindi na kasing taas katulad ng dati.
|
|
|
Kawawa ang mga bounty hunters dahil pagkatapos nilang pagtuunan ng pansin ang pagaadevrtiae ng kanilang project ay hindi nila babayaran ang mga ito at ang hindi pa maganda dito ay ang mga investors na nawalan ng kanilang mga pera dahil sa pag-iinvest sa mga projects. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng kapal ng mukha yanf mga scammer na yan dapat sa kanila nakakarma.
Tayong mga bounty hunters talaga ang kawawa dahil pagkatapos ng bounty o pag advertise at pag promote natin sa mga project ay bigla na lamang silang mawawala at hindi na nila babayaran ang mga bounty hunters na tumulong sa kanila upang ipromote at suportahan ang kanilang project. Dapat talaga sa mga hindi nagbabayad sa mga bounty hunter ay mabigyan ng leksyon upang matuto sila at hindi na umulit manloko sa iba pang tao.
|
|
|
Basi sa post ni Theymos last April 22, 2019, ma ban ang yobit ng 60 days at sa computation ko, matatapos na ito ngayong June 22, 2019. 129 users who were wearing a yobit signature and had at least 1 good report against them in the last 14 days are banned for 14 days. All yobit signatures are wiped. Signatures containing "yobit.net" are banned for 60 days.
Some people were talking about neg-trusting spammers for spamming. This is not appropriate; report the posts, and if that doesn't seem to be working well, come to Meta with specific examples and suggestions.
Sa aking palagay, napapanahon ang usaping ito dahil maraming matutulungan ang yobit signature kapag nag umpisa na sila ulit. Ano sa palagay ninyo ang mga dapat gawin ng Yobit Administration para makapag start sila ng maayos na signature campaign?Sa tingin ko ang marapat na gawin ng yobit administration ay mag hire talaga sila ng isang legit at mapagkakatiwalaan na manager upang magcheck ng mga posts ng mga participants nila para na rin maiwasan ang mga spam o mga burst posting ng mga tao at lalo na din ang mga low quality na post nila, kaya para sa akin tama lang na si yahoo ang kinuha nilang manager dahil si yahoo ay isa sa mga magaling na bounty manager base sa mga experience ko sa mga campaign. Ang yobit ay marami talagang matutulungan na campaign kung ito ay magiging long term tiyak ko na magiging maayos ang takbo ng yobit administration ngayon.
|
|
|
Hindi natin maiitangi na meron talagang nabuhay para manlamang ng kapwa. Marahil sabihin na nating matalino sila sa paggawa ng mga masasamang gawain at ang matatanging magagawa na lang natin para maiwasan yung masamang intention nila ay maaring magtanong muna sa mga kakilala bago subukan or gawin ang isinumite sayo ng isang stranger.
Newbie must read this thread, for them na ma aware sa mga ganitong paraan ng scam sa cryptocurrency world.
Marapat talaga na mag ingat sa mga link lalo na sa mga sinesend ng mga unknown na tao dahil marami ang mga nabibiktima rito lalo na ang mga walang alam sa mga tinatawag na phishing kung saan maaaring makuha ang mga impormasyon na patungkol saiyo kaya marapat na magingat tayo sa mga unknown links na nasesend satin. Marami ang ganiyang tao na nanlalamang ng kapwa upang sila ang umangat at sila ang kumita ng malaking halaga ng pera, kaya mainam na wag tumanggap ng mga messages sa mga stranger o hindi natin kilala ng links upang maiwasan ang mga insidente na pangduruga ng ibang tao.
|
|
|
Salamat sa pag share nito OP malaking bagay to kasi hindi ka na pipila sa globe service center para magpaverify ng account mo, gusto ko rin makakuha ng gcash master card gaya nung mga dahilan nyo makakatulong to ng malaki, madali kasing magtransfer from coins.ph to gcash though may improvement si Coins sa mga bank na pde ka na rin mag instant cashout with only minimal fees. Pero pde pa rin nating iconsider na magandang addition kung meron ka rin gcash mastercard, mas maraming paraan mas maganda para sa lahat.
Tama! Mas magandang kumuha ng gcash card sa mismong website ng gcash dahil mas legit ito at less hassle dahil di mo na nga kailangan pumila pa sa mga globe stores ng mahaba at di mo na kailangan pang pumila rin para mag pa verify ng iyong account, dahil noong kumuha ako ng gcash master card ay pumila pa ako ng mahaba at medyo matagal ang procrss dahil sa mga customer na nagpapaverify ng kanilang mga accounts.
|
|
|
Yeah keep doing our best and improve our quality. Good projects will come to us sooner or later, and keep watching the cryptocurrency world. i'm sure one day there will be space for good quality bounty hunters to earn valuable cryptocurrency
For those who are a bounty hunter, just do your best guys and be good on promoting your projects, just like you said I am pretty sure that on the near future many good projects will come and the quality of the projects will be as good than the ICO year. Many bounty hunters will go up and inspire because of the good and quality projects in the near future.
|
|
|
Maliit na trivia lang mga ka bitcoiners, alam nyo ba na noong december 2017 nakuha natin ang pinaka malaking maaaring price ng bitcoin at ito ay umabot ng $20000 o aabot ng mahigit isang milyon kung icoconvert sa ating pera. Ito ang tinatawag na golden era ng bitcoin kung saan ay nasabi nila na ito ang bull run kung saan maraming coin ang umangat ang presyo. Yun lamang ang aking trivia para sainyo.
|
|
|
Ang 7-11 ay masasabi kong suportado ang bitcoin at kaya nila itong tanggapin o ma adopt at bukas ang ideya nila sa mga maaaring posibilidad na ang bitcoin ay maaaring maging currency talaga natin. Makikita natin na sa 7-11 ay pwede tayong mag top up ng pera sa coinsph kung saan ito ay isang wallet kung saan pwede tayong bumili ng bitcoin at iba pang mga coins katulad na lamang ng ethereum, xrp, at bitcoin cash. Makikita natin na tinatanggap ng 7-11 ang advancement na nangyayari sa kasalukuyan at tinatanggap nila ang mga ito.
|
|
|
Kinakailangan natin na mag-ingat sa mga application at files na na install natin sa ating mga mobile phones especially kung may mga importanteng files nakatago sa phone natin, dahil unang una sa lahat maaaring makuha ang mga contacts mo ng gumawa ng application at maaari ring makuha nya ang mga files mo sa iyong mobile phone, dapat rin na magingat lalo na ang mga may e wallet dahil maaari rin nila itong pasukin at makuha ang mga laman ng wallet nyo sa phone.
|
|
|
Nakakatuwa na malaman na ang mga maliliit na tech shops store ay tumatanggap na ng bitcoin na pambayad sa mga transaction ng kanilang mga customer at masaya malaman na nagkakaroon na ng advancement ang mga tao at mga shops patungkol sa bitcoin. Nagkakaroon na rin ng ideya ang mga tao at nagiging open sa mga posibilidad na ito ang magiging currency natin pagdating ng panahon. Ang nakakalungkot lamang ay buti pa ang mga maliliit na mga tindahan ay natatanggap ito at nagiging bukas ang isip samantala ang mga malalaking mga tindahan ay di bukas ang ideya pag dating sa bitcoin na ito.
|
|
|
Ngayong ang baba ni bitcoin, marame sa atin ang natutuwa kase makakabili na sila ng maraming bitcoin at tamang tama nakatanggap ako ng tawag na nagooffer ng murang interest kapag nag loan ka. .99% per month will be the interest sa uutangin mo. If you received a call like this, igragrab mo ba sya at iinvest kay bitcoin for your long term goal? Actually naguguluhan kase ako if i-grab ko ba sya or hayaan ko nalang bumagsak si bitcoin at hinde bumili? ![Huh](https://bitcointalk.org/Smileys/default/huh.gif) Kung ako ay magkakaroon ng chance ng katulad ng ganyan siguro ay magiinvest o bibili ako ng bitcoin not necessary na sobrang laking bitcoin kahit pa na sobrang baba lang ng price ng bitcoin ngayon, dahil alam naman natin na volatile ang bitcoin kung saan pwede ito bumagsak ng tuluyan o umangat pa ng mas malaki sa iniisip natin. Pero kung gusto mo talaga ng long term at may plans ka na nakaset pwede kang bumili ng sobrang daming bitcoin dahil ito nga ang pinaka malaking chance na bumili nito dahil sobrang baba ng presyo at maaaring tumaas pag dating ng bullrun o pag bullish ng market. Nasa sayo ang desisyon kung ano ang iyong gagawin.
|
|
|
Less expectations, lesser worries ika nga pero gusto ko lang matanong kung may duration ba or time na dapat mong iexpect if ang post mo ay possible madelete in the near future? Curios lang kasi everyday ako nagccheck kung may nadelete ba sa post ko this past few weeks.
Sana may makasagot para matigil na pag iisip ko lol TIA!
Ang post ay nadedelete kapag ito ay low value o kaya naman ay walang kinalaman sa mismong thread o topic. Actually ay walang time or kung gaano katagal ka pwede madelete ang post mo, kaya hanggang maaari ay gawin mong maayos ang mga na construct mong sentence at lagi mong isipin na wag kang kukuha ng ideya sa iba dahil pwede ito maging plagiarism. Lahat ng post ay maaaring ma delete lalo na kung ito ay mababang klase lamang.
|
|
|
|