Meron lang akong gustong ishare na strategy sa trading. Siguro nabasa niyo na ito sa ibang threads pero sa mga hindi pa take time to read
. Siguro narinig nyo na ung word na AVERAGING sa trading. Ginagamit ito if bumili ka ng isang coin and suddenly bumaba pa ito sa buying price mo. Magagamit mo itong averaging strategy na ito. Para mas maganda magbibgay ako ng halimbawa.
For example: Pipili tau ng coin lets say....... EOS na lang.
1. Bumili ka ng EOS sa halagang 8$ (akala mo tataas na base sa mga indicators mo).
2. After 1-2 hours, bumaba ito sa buying price mo. May mga magpapanic na especially newbie traders. Ang tendency its either ililibang nila ang sarili nila sa ibang gawain or maging emotional at ibenta ang coin with a loss.
3. Dito na papasok ang strategy. Lets say ang EOS ay nasa around 4$ na. Bumili ka ulit at that price so nakabili ka ng coin at 8$ and 4$.
4. Ibenta mo ung EOS sa halagang 6$ (average = alam na natin lahat yan
).
5. Once na nareach na ang 6$. If gusto mo pang ihold at alam mong tataas pa then ihold mo. Pag tumaas pa ng 6$ un na ang profit mo. Ung 6$ na pagsell mo eh un ang price kung saan mo ibebenta para wala kang talo.
Ok itong strategy na ito lalo na sa mga nagaalanganin sa bibilhin na coin. Dapat din ay meron kang extra bits of bitcoin para magawa mo ito. Problema kasi sa atin minsan eh pag nagtrade tau all in na agad walang natitira.
Hope this helps. Nabasa ko lang din ito sa isang channel