Para sa akin hindi ko inaadvice ang salitang Hold sa lahat ng pagkakataon. Kunwari nag invest ka sa isang coin na hindi mo naman ni research at na hype ka lang tapos nag dump, tapos sinalo mo naman , pagkatapos mong sinalo mas lalong nagdump na naman so on and so forth salo ka ng salo. Kakasalo mo, sasabihin mo pang the POWER OF HOLD?😂kasi sobrang talo ka na at wala ka nang kapital.
Well, wag kayong maniniwala na sa lahat ng bagay epektibo ang "HOLD" . Paano kung down trend pala ang hinohold mong coin?Pasok ka ng pasok.Paano kung after 10 years ganun parin bagsak parin ang pera mo, di mo alam shitcoin pala ang hawak mong coin mo.
So para sa akin ang pinaka epektibong paraan ay i research mo muna ang coin mo wag na wag kang mag papahype o maniniwala sa mga recommendation o madadala sa mga charismatic na tao sa mundo ng crypto. Maging responsable ka at wag kang aasa sa iba.
At ang pinaka mahalaga sa lahat ay may CUT LOSS ka, ugaliing maghanda ng plano para sa cut loss mag deep man atleast safe ka at hindi matetengga ang pera mo ng matagal. Wag kang greedy at wag kang maniwala na forever mag pupump ang market , dapat may target sell ka din , wag ikakasama ng loob mo if yung coin mo is nag moon nuong nabenta mo. Profit is profit atleast dika tengga.
Isa na ako sa nabiktima ng salitang hodl. Dahil ako'y baguhan pa sa pagbili ng bitcoin noong Dec. 2017 sa initial investment ko na 25k pesos medyo matatagal ko ding hinohold ang coins ko hanggang sa naging 8k nalang ang natira sa pera ko saka na ako nagconvert into peso. Ang laki ng lugi ko. Ngayon medyo natuto na din ako mag cut loss, and buy low sell high sa mga exchanges at hindi na ako basta maniwala sa mga post sa twitter na maghodl. Always nalang akong nagreresearch ng mga news and updates para sa timing and strategy.