Sa paglikha ng custom trust list-
1. Pumunta sa trust setting.
2. Isama ang username/userid ng taong nag-iwan ng valid feedback sa iyong opinyon.
a. Sa pagsama ng isang tao sa iyong trust list, i-type ang username o userid sa kahon. Kapaag isasama mo ang
isang tao sa iyong trust list, tandaan na gamitin ang tamang username. Maaaring may
ilang mga tao na may halos parehong username. Para maiwasan ang isyung ito, maaari mong gamitin ang userid.
b. Para sa pagbubukod sa isang tao na hindi nagbibigay ng valid feedback (sa tingin mo), gumamit ng tilde (~) bago
ang kanyang username.
3. Mag-update ngayon. Maaari mo ring itakda ang depth level na mahalaga rin dahil kung magdadagdag ka ng isang tao sa iyong custom trust list at kung ang iyong depth level ay naka set sa 1, pinagkakatiwalaan mo ang custom trust list ng user na iyon. Kung ikaw ay nag-set ng depth level 2, pinagkakatiwalaan mo ang maraming user. Maaari monh silipin ang thread na ito para sa mas mahusay na pag-unawa sa depth level.
Ano ang mga benepisyong iyong matatanggap kung ikaw ay gumagamit ng custom trust list-
1. Ligtas na palitan, ligtas na surf, Masayang ending
Kung lumikha ka ng custom trust list, makikita mo lamang ang mga feedback na iyon sa anumang profile ng user na naiwan ng iyong custom trust list. Maaari mong suriin ang iba pa
sa feedback ng mga tao sa pamamagitan ng pagbisita sa untrusted feedback. Kung nais mong magsagawa ng isang kalakalan o palitan ng mga kalakal o ano pa man, kung nakakakita ka ng negatibong feedback sa profile ng user na naiwan ng isang tao mula sa iyong custom trust list, maaari kang magkaroon ng ligtas na deal/palitan sa taong iyon. At sa parehong oras, kung nakikita mo ang positibong feedback na natitira sa iyong custom trust list, maaari kang magkaroon ng ligtas na pakikitungo/palitan sa taong iyon. Bukod pa dito, magkakaroon ka rin ng ligtas na pag-browse. Halimbawa, kung ang isang tao ay gumagamit ng masamang software/URL na maaaring ikompromiso ang iyong data kung nag-click ka. Ngunit kung nakikita mo ang trust points (hindi posible paminsan-minsan dahil ang marka ng trust ay hindi nakikita sa lahat ng seksyon) at malaman kung ang isang tao mula sa iyong trust list ay iniwan na ng negatibong feedback, tiyak na hindi mk iki-click ang link na iyon. Magkakaroon ka ng ligtas na kalakalan at ligtas na pag-surf.
2. Ang panghuhusga ay mapapadali
Ipagpalagay na hindi mo pa binuo ang isang custom trust list at ang iyong depth level ay nakatakda sa 2, ibig sabihin ay nagtitiwala ka sa feedback ng mga tao na nasa DT1 at nagtitiwala ka rin sa mga feedback na nasa trust list ng DT1. Kaya, batay sa kanilang feedback, maaari mong makita ang iskor ng isang tao ay 100 at kung sa tingin mo ang user na pinagkakatiwalaan ay maaaring mali sa ilang mga punto. Ang iyong paghuhusga sa user na iyon ay mali ngunit kapag gumagamit ka ng custom trust list, magkakaroon ka lamang ng eksaktong paghatol.
3. Tulungan ang forum
Habang ikaw ay may ligtas na pangangalakal/pag-browse, responsibilidad mong masiguro ang ligtas na palitan para sa iba pang mga tao. Kung kasama ka ng isang tao sa kanyang trust list at ang kanyang depth level ay nakatakda sa 2, siya ay nagtitiwala din ng feedback mula sa mga tao sa iyong trust list. Kaya, dapat mong idagdag lamang ang mga taong iyon sa iyong trust list na pinagkakatiwalaan mo sa kanilang feedback.
4. Pagpili sa DT1
Ang pagpili ng DT1 na miyembro ay sinuman na maisama sa trust list ng ibang pang mga tao. Nangangahulugan na responsable tayo sa pagpili ng DT1 na miyembro. Samakatuwid, dapat nating isama ang mga taong nag-iiwan ng valid trust upang matiyak na hindi tayo magkakaroon ng masamang DT1 na miyembro.
5. Ang Custom trust list ay kinakailangan para sa pagsasama ng DT1
Sa bagong mga pagbabago, ang sistema ng trust ng bitcointalk ay naging mas desentralisado. Bago ito, ang DT1 na miyembrk ay isinasama lamang ni theymos nang direkta bagaman batay sa kanilang trust sa forum. Ngayon, sinuman ang makakatugon sa pamantayan, ay mapapaloob sa DT1 maliban sa mga scammer o isang taong na may masamang reputasyon. Samakatuwid, para mapasama sa DT1, dapat mong gamitin ang custom trust list.
Ang ilamg mga criteria na dapat mong mapanatili sa pagpili ng mga taong gusto mong mapasama sa iyong trust list- ni suchmoon.
1. People you've traded with are not necessarily good candidates. You have to trust person's judgement as well.
2. Review the feedback sent by people you're including/excluding. (You've mentioned this a little bit)
2. Never include people who ask to be included. Perhaps exclude them instead. Be skeptical about inclusions suggested by other users (possible shilling).
3. Don't include people merely based on their merits or if you like/agree with their posts.
etc
Including wrong people in the list would negate any advantages and might make it far worse than just leaving the settings at DefaultTrust.
2. Review the feedback sent by people you're including/excluding. (You've mentioned this a little bit)
2. Never include people who ask to be included. Perhaps exclude them instead. Be skeptical about inclusions suggested by other users (possible shilling).
3. Don't include people merely based on their merits or if you like/agree with their posts.
etc
Including wrong people in the list would negate any advantages and might make it far worse than just leaving the settings at DefaultTrust.
Sa palagay ko ay mayroon na kayong maliit na kamalayan tungkol sa paglikha ng isang custom truat list. Higit ko kayong hinihikayat na gumamit ng custom trust list.
Tandaan, mayroong malaking diperensya sa pagitan ng pag-iwan ng feedback at custom trust list.
Source: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5096348.0