Grabeng taas na ng Bitcoin ngayon at makikita mo rin sa market cap na apektado and mga altcoins. Hanggang kailan kaya to tatagal? matatapos pa ba ito?
Oo naman, eventually kelangan mamahinga ng pagtaas ng bitcoin. Saka hindi naman lahat ng altcoin ay sumusunod sa trend nang karamihan na kapag pataas ang altcoin, pababa ang bitcoin.
Sa totoo lang nakakainis nga ang nangyayare ngaun eh hinahatak pababa ni bitcoin lahat ng altcoins sna naman tumaas ren mga altcoins kse ung sa mga airdrop at bounty dun ang bayad eh kawawa nmn mga bounty hunters.
Wala namang direct effect ang pagtaas ng price ng bitcoin sa pagbaba ng altcoins, kung mapapansin mo may bilang na altcoins ang nataas ang presyo kasabay ng bitcoin.
Kaya lang naman nabagsak ang ibang altcoins dahil habang tumataas si bitcoin mas nagmamahal ang altcoins kaya sinasabay lang nila sa presyo, sa bitcoin lang naman yon,
Pero kung icoconvert mo sila sa ibang currency halos parehas parin ng presyo at minsan tumataas pa nga pero hindi lang pansin dahil mas mataas ang pag angat ng bitcoin.
Isa ding dahilan e maraming nagbebenta ng altcoins nila na hawak para sa bitcoin kasi nasisilaw sila sa taas ng presyo nito.