Bitcoin Forum
June 25, 2024, 11:58:23 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: ESCROW SKL  (Read 121 times)
Thirio (OP)
Member
**
Offline Offline

Activity: 350
Merit: 47


View Profile
May 30, 2018, 03:25:57 PM
Last edit: July 04, 2018, 04:54:08 PM by Thirio
 #1

Magandang gabi mga kabayan maaaring sa pagbbrowse at basa niyo dito sa forum ay na encounter niyo na yung word na Escrow. Medyo nakakaintimidate yung word parang ang kumplikado ng datingan, pero simple lang talaga siya. Usually yung word na escrow makikita sa Marketplace. Sakto marami saating  gustong magkaroon tayo ng other sections for this forum at Marketplace ang leading sa poll na 'to na gawa ng ating moderator na si Dabs, be sure na makasagot din kayo sa poll para sa ikabubuti ng Philippines. So ano nga ba yung escrow?

Definition:
Escrow
- es·crow
ˈeskrō
noun
a bond, deed, or other document kept in the custody of a third party, taking effect only when a specified condition has been fulfilled.
Source: https://www.google.com.ph/search?rlz=1C1CHBF_enPH771PH771&q=Dictionary#dobs=escrow

So basically ang escrow ay yung witness sa kasunduan niyo, may other term din sa escrow, which is yung "Midman". Siya yung nangangalaga sa pinanghahawakan ng magkabilang panig.

Bakit kailangan ng Escrow?
Halimbawa, si Person A may gusto bilin kay Person B, pero hindi sila magkasundo dahil gusto ni A, una item then bayad. Pero siyempre ayaw ni B yun, mas prefer niya na bayad muna bago bigay ng item. Dito papasok ang mga escrow, para maging secure at safe ang bawat transaction niyo, iwas sa mga scammer. Pero pano?

Proseso ng pag E-Escrow:
1. Iaabot ni Person A ang bayad niya kay Escrow.
2. Iaabot ni Person B ang item/goods/services/etc. kay Person A.
3. Susuriin ni Person A yung item/goods/service/etc. at i-coconfirm niya kay Escrow na legit at yun nga ang napagkasunduan nila.
4. Iaabot ni Escrow ang bayad ni Person A kay Person B.

Sino ang mga pwede mag Escrow?
Actually kahit sino naman pwede, basta pinagkakatiwalaan ng dalawang panig. Pero para sa ikabubuti ng lahat, merong default escrow list ang forum at siguradong trusted sila, pero siyempre may catch padin, parang GAS fee, meron pading fee ang pag eescrow nila. Dalawa nakita kong escrow list, Escrow list 1 at Escrow list 2(mas latest pinost). Check the list and pm niyo lang sila kung need niyo ng escrow.

Yun lamang mga kababayan! Skl. Maraming salamat!

Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!