Maraming salamat dito sir!! Bilang isang baguhan, aaminin kong wala pa akong masyadong alam sa merit system. Matagal ko nang nagawa ang account na to, pero ngayon ko lang ulit ginamit. Buti na lang may mga guide na ganito para sa mga tulad namin
Ask ko lang po sir, partikular doon sa merit required per month (sa column na
merit / month needed**). Alam kong malayong malayo pa ako mag-rank, pero nais ko pa rin malaman:
Kapag halimbawa ba ay gusto kong maging
member, kinakailangan ba na makatanggap ako ng at
least 5 merits per month, bukod pa doon sa requirement na 10 merit overall ang meron ako? Or kapag member na ako, tsaka lang required na tumanggap ako ng 5 merits per month?
Sana malinaw ang pagkakatanong ko and again, thank you very much for this sir!