~snip
Matanong ko lang paps ano itong abra na ito kagaya din ba ito ng coins.ph na pwede itransfer ang bitcoin , etherium dito , bago lang kasi sa akin itong abra at now ko lang nalaman. Maliban sa coins.ph wala na akong ibang ginagamit sa pag transfer ng bitcoin through exchange kundi ito lang. Paano gumawa jan ng account paps at need din ba ng KYC?
Matagal na itong Abra at ilang beses na din napagusapan dito. Yes, may similarities din siya sa Coinsph na maraming uri ng crypto ang pwedeng ipalit.
Alam ko may features na din kung saan pwede makabayad ng bills. Ang isang malaking advantage ni Abra eh pwede ka bumili ng stocks sa platform nila gamit ang crypto.
Para makagawa ng account, download mo lang din yung app sa
Google play o kaya sa
App store. (links galing mismo sa Abra website)
Tungkol sa KYC verification, wala daw kasi non-custodial wallet naman sila. Wala silang control sa pera na dineposito mo sa wallet app hindi kagaya sa CoinsPh. Take note lang na yung mga withdrawal outlets ay pwedeng humingi ng ID verification sa'yo.
Maliban sa Abra at Coinsph, meron din palang Rebbit.