Okay naman na sa atin ang bitcoin at para sa akin hindi na kailangan pang gawing legal tender ang bitcoin. Ayos na na nandyan yung BSP na nakasuporta sa mga exchanges sa atin at sa cryptocurrencies. Tingin ko yung mga hakbang na ginawa nila sapat na yun para sa atin ay nangangahulugan na pro-btc ang government natin. Legal tender o approval na mula sa government para sa akin, okay na yang parehas na yan pero kung gagawing legal tender tingin ko malabo yan mangyari sa bansa natin. Hindi pa ganun ka ready ang bansa natin para sa ganyan. Kaya yung mga licenses na binibigay ni BSP sa mga exchanges at iba pang crypto businesses, ok na talaga siya.
Agree. Pati bangko ay nakasuporta din sa crypto tulad na lang ng Union Bank of the Philippines at meron pa pala yung GCash. At maigting din na pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Plipinas ang mga tao sa mga posibleng mangyayari kung sakaling papasok sa mundo ng cryptocurrency kaya para sakin isang magandang opportunity ito sa mga crypto enthusiast dahil sa convenience.
Indeed suportado ng ilang mga bank ang crypto dahil nakita nila ang malaking potential nito na pwedeng pagkakitaan once na magboom at ifully acknowledge ito ng gobyerno. After all Bank is always thinking ng terms "what is it for me".
At siguro ang pinaka dapat gawin ng gobyerno ay ang mamonitor ang fraud at scams na pwedeng makakasira sa industriya ng crypto sa ating bansa.
I fully agree on this, dapat laging isaalang alang ng gobyerno ang mga possiblity of exploits ng mga mapagsamantala, mandaraya at scammers. Dapat maging fully prepared ang gobyerno not only sa pagtatax sa crypto but most importantly sa pagapprehend at pagsugpo sa mga maglilitawang scams at fraudulent activities once na ganap na tanggapin ng gobyerno ang BTC.
In the event na mag implement ng batas ang Congress for taxing purposes, baka mas magbigay pa ng harm rather than good ang pag-tanggap ng BTC. Ang dahilan kung bakit sumisikat ang BTC ay dahil sa financial freedom nito.
It is possible pero kung ipapaliwanag ng husto ng gobyerno ang implementasyon ng tax sa BTC at ang relasyon nito kung ano ang nakasaad sa Saligang Batas ay maaring magkaroon pa ito ng positibong impact dahil from that ay magiging lehitimo ang BTC sa ating bansa. Mawawala ang agam agam ng mga tao (kung meron pang natitira ) na ang BTC ay isang malaking scam at mapapalitan ito ng pagtitiwala dito.