Magtake advantage niyan yung mga gumagawa ng ganitong scam. Alam nila na sobrang daming ayuda ngayong taon pati next year. Panalo ang mga pulitiko dahil may commission na, pumogi pa ang pangalan at ike-credit nila sa sarili nila na tila parang galing sa bulsa nila ang pera pero sa totoo lang pera naman yun ng taong bayan. Karamihan pa naman sa mga beneficiaries ay kulang sa kaalaman hindi lang sa pera pati na din sa mga ganitong text scams.
Nakakatawa lang talaga kasi alam naman kung saan dapat ilaan un pondo pero hindi talaga napaglalaanan ng pera, security sana para sakop na din un para sa mga scammers kaya lang mas madaling makaloko ng botante parang scammer lang yan same sila ng patterns hahaha 😆 kaya un legal way ng pangsscam politiko talaga ang may gawa nyan
Proteksyon at kaalaman sana ang pondohan para wala ng maloloko. Kahit may mga paalala itong mga wallet apps na ito, kung hindi naman din inaabsorb ng mga users, sayang lang din.
pero mabalik ko lang sa topic mo kabayan talagang napakaraming naiisip na paraan ng mga scammers kaya dapat alisto tayong lahat hindi man tayo dapat Idamay natin ang mga kakilala at mahal natin sa buhay para makaiwas sa possible na mabiktima.
Madami lagi silang mga bagong pakulo. Kaya mag ingat lang, kaya sakto lang din sa napapanahong issue sa atin, tungkol sa mga ayuda. Maaaring mag take advantage din yang mga scammer na yan na kunwari para maclaim yung pera ng beneficiaries, need lang sundin mga requirements nitong mga scammer tapos pagbabayarin sila o kaya nanakawan pa remotely.