Parang katulad dito sa thread na ginawa ko, at nangyari sakin. P2P scam attempt ,Same method (Spoofing) ibang platform lang. Malapit na naman kasi magpasko kaya naglalabasan yung mga ganyan. For sure mabibiktima neto is usually yung mga hindi alam na pwedeng maka received sila ng ganito na akala talaga nila galing sa PayMaya or Gcash. Nung umpisa akala ko talaga from gcash yung sa cash ko, buti nagdouble check ako kung may na received ba talaga akong pera sa gcash, pag walang na received wag mag release.
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5500897.msg64250729#msg64250729Oo kabayan may mga ganyang attempt din sa ibang platforms. Kaya itong mga manlolokong ito ay palaging target yung mga walang alam sa technique nila. Lalo na kapag matatanda at yung mga greedy, sila talaga ang pinakamadaling maloko.
Ito yung mga scam na pwede mo ma overlooked kung tiwala ka na galing talaga sa Maya yung message since naka Maya na name kasama yung mga dating official message. Talamak ito sa P2P ng mga exchange kagaya ng nabanggit ni @xlays sa itaas.
Sobrang dangerous ng ganitong scam attempt lalo na kung may ineexpect ka talaga na transaction confirmation.
Kaya dapat talaga always use the official app/website kung magbeberify ng mga transaction at balance para iwas scam.
Agree ako kabayan, laging i-check ang mga official website at mismong app na din kung may transaction talagang pumasok at hindi sa link na nareceive lang sa message dahil nga spoofed yung sender.
recently lang may nakitang akong video sa tiktok na tungkol sa isang poster sa facebook na nagpost na nascam sya, and yes the reason was becaise of spoofing, ang nakita nya ay text from globe so sinunod nya lang yung instruction then after a while may na recieve syang message na namaxed out daw you account nya kung saan naka save yung life savings nya.
napatagal na nitong strategy of scamming pero sadly may mga tao na rin na nabibiktima.
Target kasi talaga nila kabayan yung mga walang alam at nakakalungkot lang nakamonitor 24/7 yang mga scammer/hacker na yan kapag may nahulog sa patibong nila kaya ubos talaga lahat ng balance na meron yung biktima. Nakakalungkot talaga talaga kaya need ng awareness drive katulad nitong message ni Maya na nauna sa akin.
Sa mga ganitong sitwasyon wala talagang tatalo sa talas ng mata at madetalye sa pangalan ng domain kasi sa mabilisang tingin parang legit yung domain pero kung titigan mo may nadagdag na letra o may kulang kaya maging ma particular tayo sa domain at kung di tayo sigurado sa pangalan ng domain, gumamit tayo ng internet
Mautak itong mga scammer na ito, at katulad sa akin yung unang nakita ko nga may nareceive daw ako. Sa mga biktima nila, panigurado yun lang yung nakita na may nareceive sila sabay pindot sa link na binigay nila kaya kapag hindi matalas ang mata, yari talaga.
Need mo talaga ng keen at mapag matyag na mga mata pag related sa mga ganitong sitwasyon. If padalos dalos lang talaga pwede ka mabikta lalo nat the same SMS thread at may name pa ng sender. Ang suspicious lang ay yung format ng sms kaya madaling ma check na fake pero if almost the same format ito siguro may mabibiktima ito.
Totoo kabayan, dahil kahit galing sa SMS mas madaling ma-access ng biktima. Isang pindot lang, rekta na agad sa phishing site nila.
Kaya ako naging habit ko na din na pag may mga promo/transaction or anything na katulad neto, di ko na pinaniniwalaan eh. Huwag lang sana umabot sa point na totoo na pala yung darating na blessings tapos dahil sa sobrang ingat mo di mo na din pinansin sa kadahilanang baka ito ay another prank text/messages nanaman.
(yung tipong totoo na pala talaga tapos haha inignore mo na lang).
Mas okay na ignore nalang talaga kahit na unexpected blessing dahil kung totoo man ay magrereflect naman sa mismong app yung pera kung talagang may nagsend.
Grabe noh? Pati ba naman sa Maya umaabot na tong mga scammers? Feeling ko nga may contest na sila kung sino ang makakapag-isip ng pinakamagandang scam. Pero seryoso, nakakatakot talaga kasi ang dali nilang mag-spoof.
Wag tayong maging biktima ng clickbait sa mga libreng pera. Mas maganda na ma-verify muna natin kung legit ba talaga yung offer. Tsaka, tandaan natin kung walang ibinigay, walang aagawin.
Madami yan kabayan, madalas din sa Gcash. Tingin ko kayang supilin yan ng gobyerno kung merong coordination lang din at matinding combat laban sa mga yan. Kaso nga lang nasa Pinas pala tayo, parang kanya kanyang laban lang natin at iwasan nalang din natin kapag may mga ganitong text. Matagal tagal akong hindi nakareceive ng ganitong text simula noong nawala ang mga POGO pero parang bumabalik sila pakonti konti.