just read it now sa
isang article na plano raw ng Gemini na gumawa ng “super app” kung saan pwede na ring magamit ang crypto sa payroll... ibig sabihin, pwede ka raw sweldohan partly or fully in crypto. Magandang concept siya sa ibang bansa, pero naisip ko, posible kaya ito sa Pilipinas?
Kung iisipin, may mga advantages din which are,,,
[1] mabilis ang bayaran,
[2] walang masyadong delay sa remittance,
[3] at pwede pang tumaas ang value ng sahod mo kung tataas ang presyo ng coin.
Pero on the other side, risky rin kasi volatile ang crypto, tapos hindi pa rin ganun kalinaw ang tax rules pagdating sa crypto income dito sa bansa.
So gusto ko marinig mga opinion n’yo regarding dito, kung may company dito sa Pinas na mag-offer ng sahod in crypto (Bitcoin, USDT, o kahit stablecoin), tatanggapin n’yo ba?
Actually lahat ng na banggit mo sa taas as "advantages", ay existing na sya sa mobile banking which uses fiat currency. But, I'm not saying na hindi ito possible or hindi applicable sa Pilipinas. Pero kasi karamihan sa mga tao dito is ayaw sa mga finance innovation na sounds complex. Lalo na pag sinabing cryptocurrency, marami paring mga tao na nag sasabing scam ito.
Yung number 3 medyo risky siya at for sure hindi lahat sasangayon diyan, dahil kadalasan din sa mga tao dito ay hindi "risk takers". Dapat nga sana majority ng cities natin ay almost cashless na. So, I think hindi pa ready ang bansa natin for that. Siguro sa mga malalaking syudad tulad ng Metro Manila or Cebu, kaya pa siguro, pero majority, masasabi kong hindi pa talaga tayo ready.