just read it now sa
isang article na plano raw ng Gemini na gumawa ng “super app” kung saan pwede na ring magamit ang crypto sa payroll... ibig sabihin, pwede ka raw sweldohan partly or fully in crypto. Magandang concept siya sa ibang bansa, pero naisip ko, posible kaya ito sa Pilipinas?
Kung iisipin, may mga advantages din which are,,,
[1] mabilis ang bayaran,
[2] walang masyadong delay sa remittance,
[3] at pwede pang tumaas ang value ng sahod mo kung tataas ang presyo ng coin.
Pero on the other side, risky rin kasi volatile ang crypto, tapos hindi pa rin ganun kalinaw ang tax rules pagdating sa crypto income dito sa bansa.
So gusto ko marinig mga opinion n’yo regarding dito, kung may company dito sa Pinas na mag-offer ng sahod in crypto (Bitcoin, USDT, o kahit stablecoin), tatanggapin n’yo ba?
1. Depende sa coin at sitwasyon ng network nito. Kung BTC tatanggapin mo as payroll at saktong congested ang network due to market crash, sudden bull rush, etc., baka mamuti na 'lang mata mo, hindi pa confirmed sa blockchain 'yung transaction. Result = gutom.

2. Same as above.
3. To negate volatility, they can opt to pay in stablecoins like USDT/USDC or PESO-stablecoin (if ever mai-implement 'yan) and run it through less crowded networks like Polygon (Matic). Mabilis din sa TRON pero mataas ang transaction fees.
Posible naman lahat ng 'to but the app itself has to be opensource para safe gamitin especially since payroll ng employees and workers ang nakasalalay dito.