Nakakapanibago nga siya tignan ngayon dahil magkakasunod na yung topics about exchanges at gambling. Tinignan ko yung first three pages ng Palitan section, there are more or less 13 topics para sa gambling/raffle/contest at 21 naman sa exchanges/wallet discussions. Sang-ayon din ako na mas magandang hiwalay kagaya sa main board. Ang pagkakaiba lang kasi ay childboard na yung Palitan section dito sa lokal.
Correction: "Pamilihan" yung bago na section
Walang problema sa pagkakaiba or pagiging childboard, pwede magkaroon ang child board ng another child (2 levels down).
Main | 1st level | 2nd level |
____________ | ________________________ | ________________________ |
Pilipinas > | Altcoins (Pilipinas) > | Altcoin Announcements (Pilipinas) |
Pilipinas > | Pamilihan > | Gambling? |
| Pamilihan > | Service Discussion? |
In order to have a new section
For a section to be created, you have to be able to justify that it'll at least be posted in about daily.
Ang problema natin ay konti lang ang active user yung iba nagiging active lang kapag may signature, then slowly stop pag wala na, pero possible pa din na magkaroon tayo ng at least dalawang section na nilagay ko sa taas dahil halos mayroon daily posted about sa gambling and service discussion. For now help na lang muna mag report ng threads na ililipat sa new section.