grabe 9 days ako walang net, pano na ngayon ang activity ng account ko gusto ko pa naman mag rank pambihira...
punyemas na PLDT kwento ko muna ang nakaka busit na eksena..
Monday: medyo bumagal net, lakas kasi ng ulan mga ilang oras nawalan e madaling araw na din di n ako nag bother to fix it. tulog n lang
Tuesday: Pag gising ko wala ng net, isip isip ko bka dahil sa ulan so hintay lang, kinagabihan wala pa din hanggang 2am nyeta napuyat pa ako.
Wednesday: Di ako natulog kasi gusto ko tawagan agad pldt pag bukas pa lang nila para mafix agad.. aun may binigay namang ref # so 10am tulog na ako grabeng pagpupuyat e no?
Thursday: Wala pa din tinawagan ko sabi ng agent, meron ng technician na pupunta kaso wala pang naassign .. grabehan haha o sige sige wala pa pala intay lang bka mmayang hapon meron na.
Friday: 5th day nabusit na ako pinuntahan ko na ang business center, nakasimangot ako para maintimidate mahirap naman kung magwala pa ako kasi ako mababaliktad pero gusto ko na talaga e ang siste me tinawagan tong support supervisor daw then sabi wait ka lang sir within this day may ppunta na na technician. SUS un naman pala e need ko pa pumunta ng personal. 3-6pm dahil walang net tamang tambay kami ng mga friends ko abang abang na din sa technician e looban to kasi apartment wala namang nag punta naubos na lang namin 2 case na beer, nalasing na lang ako lahat2 wala pa din.
Sat: walang magawa walang office
Sunday: Gusto ko na talaga pasabugin opisina ng PLDT
Monday: Dahil nalasing ako nong sunday kasi gumimik kami sa ccp kung san meron naman akong nakilalang magandang binibini kahit papano naibsan ang pangangati ng kamay ko hahaha iba ang nangati so maganda ang linggo ko.. gising ko 2pm punyemas wala pa din tlagang net sinusubukan tlaga ako e so 4pm pmunta ako ng PLDT business center expected ko wala ng tao kasi pasara na aba akalain mong ubod ng haba ng pila from 1212 to 1251 ako grabeh tapos nagrerevert pa ng numbers kasi meron pa lang mga nakapilang bumalik lang grabehan talaga gusto ko na magpaputok kagigil buti na lang naaalala ko ung nakasama ko nong sunday ahaha kaya sige carry na to.. at aun after 1 hour mahigit nakausap ko ung support ulit sabi ko "kala ko ba maam me nakausap na kau" pagalit n tanong sabi nya sino po ba kau sir at kelan ka po huling pumunta isip isip ko taena ganon ba kadami tao dito para d m ko matandaan sa pogi kung to haha badtrip edi ngayon hinahanap un account at report.. grabe sabi ba naman CLOSE N DAW UNG TICKET.. sabi ko pano macoclose e unresolve pa un kaso kaya nga ako andito e and besides bat d man lang kayo tumawag para kumustahin kng nasolve ba? imagine 9 days na ako walang net, alam nyo ung feeling na nasa bundok ka? buti pa sa bundok e malilibang ka.. kung singilan ang bilis nyo mayat maya pa reminder pag di nakabayad putol agad ano ba naman yan .. pero kalmado pa ako nyan ha.. nakasimangot lang ako.. so mejo nataranta si ate gawa daw sya ulit ng report ay aun lalo ako nabusit ng bigyan ako ng bagong reference haha new reference ... new waiting time tangina talaga hahah wala n ako nagawa .. kesa magwala n tlaga ako sabi ko pls make sure na may pumunta na bukas otherwise di na ako dito pupunta sa DTI na nilakasan ko na boses ko sabay parang lalapit ung guard .. umalis n din ako hahaha wala akong bawi sa mga kupal na to..
at heto ang nakakalokong resolusyonSo ngayon tuesday.. dumating si technician. 10am chineck habang ako naglalaro na lang muna ng duterte game .. ang conclusion ni manong at solution na e HARD RESET ng router... putragis nman talaga oo 9 days un lang ang problema? static kasi ung line ng telepono ko tapos an lakas pa ng ulan kaya kala ko ang laki ng damage un lang pala problema ROUTER? sana man lang sinabihan ako ng tech na ireset n lang muna to.. hard reset..
kaya kayong magkakaproblema..
MAGHARD RESET MUNA KAYO NG ROUTER NYO BAGO KAU MAGREKLAMO AT ABUTIN NG BWAN PARA MARESOLBA UNG KASO NYO hahaha
nkakalokong experience sana lang talaga magkaron na to ng kumpetisyon ng masampal n sa muka... wew