Kahit kailan di naman ako sang ayon sa death penalty. Di ako sumasang-ayon dito dahil walang hustisya ang batas minsan. Minsan kasi ang mahihirap ang napapagbintangan at ang tunay na may gawa, ang mayaman ang nakalalaya. Kaya di ako agree sa death penalty. Makakalusot at makakalusto pa rin ang mga mayayamang may sala at ipapasa nila ang bintang sa isang taong mahirap na para sa akin ay hindi tama. Isa pang dahilan ay dahil kahit napatunayang guilty ang criminal naniniwala akong diyos lang ang may karapatang bumawi ng buhay.
Magkaiba ang death penalty sa napapagbintangan ang mahirap (o mali).
Death penalty o Capital punishment applies to heinous crimes, yung mga kasalanan na grabe: pumatay ng tao, o nag rape ng bata at brutal.
Kasi kung hindi ka naman pumatay, o aggravated crime, hindi ka naman mabibigyan ng death penalty basta basta. Ang daming dadaanan bago ka ma execute.
Kung iisipin mo, mas grabe pa ang hustisya pag self defense, kasi, on the spot, ititigil mo yung crimen na ginaganap, at usually, ibig sabihin, mamatay yung criminal.
The death penalty is for those who have been caught and brought to stand trial, found guilty, and then state sanctioned.
Self-defense, is where, for example, tinutukan ka ng baril, sa sarili mong bahay, pinasukan ka, bunuksan ang gate at pintuan, na threaten ang pamilya mo, ang asawa mo, ang anak mong babae, nag warning shot na at binaril ang pintuan mo, o natamaan na ang pamilya mo, and on the spot, kinuha mo yung kutsilyo sa kusina at sinaksak ang trespasser o intruder, at namatay sya. That all happens within seconds.
Death penalty takes some time, days, weeks, months, before the criminal gets executed. Maraming time para sa legal defense nya, at maraming time mag kumpisal.