OT lang. Mga brad may alam ba kayo na safe na imei changer? May app kasi ako na gustong idownload e blocked daw yung device ko. Hindi ko pa naman nadodownload ito kaya di ko alam kung bakt parang nageneralize yata na lahat ng unit ng cellphone na niblock nila damay damay. Baka kasi bigla na lang masira cp ko pag guammit ako n imei changer na nakia ko lang sa google okay na yung may feedback if nagana sa inyo.
Ano bang app yan? Actually brad hindi talaga recommended ang magpalit ng imei natry ko na yan sa dati kong cellphone nagkaproblema lang kasi naging null imei siya at nawala ang signal kahit anong sim ayaw tanggapin.
Hotel tonight brad. May vouchers kasi ako nakita. Nagbabalak sana ako na gamitin para sa pagpunta namin sa maynila sa susunod ng mga kaibigan ko. Titingnan ko kasi sana kung nay available sa date na yon para macheck ko kaso ayaw naman mag register kasi ban daw ang unit ng phone ko.
Kaya nga ngdadalawang isip ako gumamit bg imei changer pero nakikita ko sa fb yung mga nagrereferral trick ginagawa nila.