|
February 17, 2017, 09:22:58 AM |
|
Nakakainis nga, mas mahigpit pa sila sa fiat.
Sa SMART PADALA, hindi kailangan ang identity ng sender at receiver, walang ID na hihingiin sayo.
Sa coins.ph, kulang pa yung ID, kailangan may selfie pa na hawak yung ID.
Kahit sa Paypal, ID lang yung hihingiin, saka hindi sila hihingi ng ID unless pumapalo ka na sa thousands of dollars (may alam akong sa Paypal lahat ng kita nya pumapasok, freelancing lang nabubuhay buong pamilya nila, kahit kelan hindi pa sya hiningan ng ID ni Paypal).
Medyo OA sila.
Wala lang magandang kakompetensya yan kaya nagagawa pa nilang magset ng ganyang karaming rules.
Tignan nyo yung Western Union na padala, dati usong uso.
Pero ngayon nawala na sila sa eksena pagdating sa local na padala, pang international remittance nalang halos, kasi kinain na sila ng Smart Padala, na hindi na kelangan ng ID. Kasi si WU, kelangan pa ng ID ng BOTH sender at receiver.
|