Don't store any amount of figures in online wallets. First rule of crypto.
If you don't have the private keys, you don't own the bitcoins.
Pero para sakin okay lang naman to kung gagawin mo kay coins.ph since local naman sila at alam may physical office sila. Serious business naman ang ginagawa ni coins.ph at alam natin saan tayo pupunta kung sakaling may di magandang mangyari pero yun nga lang wag naman sana mangyari yan. Mas prefer ko parin yung ganito.
Ako more on non-technical kasi ako. Saka natatakot ako na baka may mali akong magawa na kapag nasira tong laptop (nagmememory dump na siya paminsan-minsan) o yung phone (1% available space na lang daw kahit may 6gb pa yung sd) eh hindi na merecover yung coins. Medyo natakot ako dun sa news tungkol sa fork pero pagkakadinig ko iko-consider daw ni coinsph na alt yung BU kaya medyo napanatag ako. Di naman ako interested magkaroon ng dalawang coins na magkasing dami kasi di ko naman maintindihan.
Meron akong 6 figures sa coins.ph ko at wala naman akong nagiging problema sa kanila. Baka may nilabag kang rule nila at hindi ba verified yung account mo? Kasi wala naman akong reklamo sa kanila at bawat chat ko sa kanila kapag may problema ako o delay sa transaction at pag cash out ko eh walang problema.
Same, nag 6 figures na rin yung laman ng wallet ko sa coins.ph pero hindi naman na deactivate. I suggest na I verify mo identity mo para less risk na ma deactivate sya. Tapos wag kang mag send BTC galing sa gambling casino sites, labag yun sa rules nila. Also kapag mag send ka ng transactions ang ginagawa ko instead na "Investment" or "Gambling", ang nilalagay ko sa message is " 1 week allowance", etc... para mas safe at maiwasan ang pagka deactivate ng account.
So far, coins.ph lang talaga ang nakikita ko na magandang wallet sa PH. ang Rebit.ph ay para lang sa mga mag cacashout ng pera nila.
Wow, as in 6 figure converted to php? Congrats po sir. So OK po yung gambling sites maski hindi gumamit nung mixing service, basta hindi directly i-send kay coins.ph?